CHAPTER 43

Lumingon siya sa'kin at parang matutunaw ako sa paraan ng pagtingin niya.

"Nate.." Lumakad ako para makalapit sa kanya. Umiwas siya ng tingin sa'kin at muli akong tinalikuran.

"Mali ang iniisip mo na tungkol sa'min ni Lenard. He's just a friend, kaya please."

Hinawakan ko ang kamay niya pero hindi niya ito iniwasan.

"Please, Nate, Kausapin mo naman ako. " I pouted. Inilagay ko ang aking ulo sa kanyang balikat at niyakap siya.

"Please? Kausapin mo na ako." Inangat ko ang aking tingin sa kanya.

"Nagbibiro lang siya, ganun lang talaga si Lenard since nung nasa states kami."

Inalis niya ang kanyang kamay at hinawakan ang aking kamay na nakapulupot sa kanya.

Napangiti ako nang sulyapan niya ako at bigyan ng halik sa pisngi. Humarap siya sa'kin at inilagay niya ang kamay ko sa kanyang leeg. Ipinulupot naman niya ang kanyang kamay sa aking bewang.

"Okay na tayo?" Nakangiting sabi ko.

Ngumiti naman siya.

Hindi siya nagsalita at bigla akong hinalikan.

"Gusto lang kita ma-solo," Ngumiti ulit siya


Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. Ang akala ko kasi galit talaga siya.

Inalis ko ang aking kamay na nakalagay sa kanyang leeg. I cross my arms.

"Akala ko galit ka talaga."

Tumawa ito ng mahina at kinurot ang ilong ko.

"You're so cute." nakangiting pahayag niya.

"Baliw!" sabay hampas ko sa kanyang chest.

"But seriously, mas gwapo naman ako sa kanya 'di ba?" malapad na ngiti niya.

"Yabang!" Tinalikuran ko siya at naupo sa aking swivel chair.

Lumakad siya at tinukod ang magkabilang kamay sa aking table.

"Dali na, sabihin mo muna na mas gwapo ako sa kanya."

Napatitig lang ako sa kanyang mukha. Matangos na ilong, mapulang labi, chinito at ang mga ngiti niyang hinding-hindi mo pagsasawaan na tingnan.

"Aray!" Nasapo ko ang aking noo dahil sa pagpitik ng lalaking ito.

Tiningnan ko siya ng masama. Kung kanina ang ganda pa ng tingin ko sa kanya na talagang mai-inlove-este-naiinis na ako.

"Bakit mo ako pinitik?"

"To stop you from dreaming of me. Alam kong mahal mo ako pero-aray!"

Nasuntok ko siya sa braso.

"Napaka mo!"

"I know." malapad na ngiti niya.

"Ewan ko sa'yo!" tumayo ako naglakad palabas ng opisina.

"Shaniya!" malakas kong sinara ang pinto. Nakakainis siya!

Naglakad na lang ako palabas ng building. Pero deep in side, napapangiti ako dahil sa kanya.

Pinindot ko ang down button at hinintay na magbukas ito.

Napatingin ako sa aking wrist watch at malapit na mag lunch time. Magpapa-deliver na lang ako sa office. May mga kailangan pa akong tapusin.

Agad akong napalingon sa kabilang elevator ng magbukas ito at lumabas ang isang middle aged woman na ang elegante kung tingnan.

Nagulat ako ng magtama ang mga mata namin.

Ngumiti siya sa'kin na may ibig ipakahulugan.

Naglakad siya palayo at sinundan ko ng tingin.

Nang makalayo siya sa aking paningin para akong nanghina ng mapagtanto kong isa siya sa dahilan kung bakit kahit hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung ano ang plano niya ngayon na kami na ng tuluyan ni Nathan.

She will do everything just to get me rid of Nathan

Saving for Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon