CHAPTER 41

Napasandal ako sa back rest ng swivel chair, nakalimutan kong ngayon nga pala darating si Nico.

Kinuha ko ang aking phone at tinawagan si Nico.

Ilang ring lang ay sinagot na niya ang tawag.

Napabuntong hininga ako.

"Shaniya, napatawag ka?" aniya sa mababang boses.

"Ngayon ka darating dito, 'di ba?"

"Yup! Mga 3pm siguro nariyan na ako. Bakit mo pala naitanong?"

"Wala naman,"

"See you later," aniya.

"See you,"

"At nga pala, tumawag sa'kin si Tito, and he said na uuwi sila ng Mom mo by next week."

"What? Hindi nila ako sinabihan,"

"Maybe, gusto ka nila i-surprise." namamahang turan niya.

"I-surprise? Ngayon, hindi na surprise 'to." aniya ko at natawa.

"Ganun? O, sige, gotta go, may aayusin pa 'ko, e"

"Okay, see you later." aniya ko at pinatay ang call.

Nilapag ko ang phone katabi ng aking laptop.

Tumayo at nagtungo ako sa pinto upang tawagin si Candy. Pagbukas ko nahagip ng aking mata si Nathan sa 'di kalayuan na kausap si Brenda na.

"Yes, Miss?" Napalingon ako kay Candy.


Nasa kabilang gilid ng pinto si Candy na may dalang mga folders na sa tingin ko ay kararating lang niya.

"'Yan na ba ang mga files?" naitanong ko.

"Yes, Miss." aniya at ngumiti.

"Let's get inside," bago ako pumasok muli ay sumulyap ako sa kanila pero laking gulat ko ng nakatingin sa'kin si Nathan. Ngumiti siya ng matamis ngunit tinalikuran ko lang siya. Nakita ko ang pagsimangot niya. Bahala siya.

"These are the files from last month. And these one are latest."

Inisa-isa kong tingnan ang mga files.

"May kailangan pa kayo, Miss?" aniya.

Nilingon ko siya.

"Can you bring me coffee, please."

Tumungo siya at naglakad patungo sa pinto.

Nagtipa ako sa aking laptop at balik ng tingin sa files.

"Engineer," Mabilis akong lumingon sa pinto at nakita ko si Nathan.

Nang makalabas si Candy ay binaling ko ang tingin sa ginagawa without looking at Nathan.

"Can we talk?" aniya. Inangat ko ang tingin at seryoso siya.

"I'm busy, later pagkatapos ko."

Nagtipa akong muli pero lumakad ito palapit sa'kin.

"Please. Mag usap tayo." aniya. Naamoy ko ang kanyang pabango kung kaya't nilingon ko siya sa aking tabi.

Tiningala ko siya. Itinukod niya ang kaliwang kamay sa table at ang kanan ay nakahawak sa backrest ng aking upuan.

"You can speak whether you want," aniya ko at muling nagtipa.

Nagkandahaba na ang nguso ko habang nagtitipa sa laptop.

"Mamaya na 'yan, mag usap muna tayo."

Napasinghap ako dahil sa ang lapit niya sa'kin. Hindi ko magawang lumingon at dahil ang lapit ng mukha niya.

"Shaniya,"

"Ano?" Napaharap ako sa kanya kaya nakita ko ang ngisi niya. "Ano'ng nginingiti mo?"

Nakangiti pa rin siyang umiling.

"Wala," he smirk.

Naramdaman ko ang pagyakap niya sa'kin mula sa likod.

"Nagagalit ka ba kasi kausap ko si Brenda kanina?" aniya.

"Bakit naman ako magagalit?"

"Good, akala ko nagagalit ka." aniya.

Seriously? Tss.

Humigpit ang yakap niya sa'kin.

Narinig ko ang pagkatok mula sa pinto.

Lumayo si Nathan sa'kin at tumayo sa aking tabi.

"Miss, Someone is waiting for you outside."

Saving for Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon