CHAPTER 16
Alam kong nagulat s'ya sa ginawa ko. But I really need this.
"What happen?" Iginiya n'ya ako para makaupo sa kama.
Naiiyak akong tumingin sa kanya.
"The doctor warn us to look on your emotions. Tapos ngayon umiiyak-"
"Please. I just need this." hinigit n'ya ako at muling niyakap.
"Okay ka na?" tanong n'ya pagkatapos ng ilang minuto akong tulala at tahimik.
Tumungo lang ako.
"Ready ka na ba para bukas?" tukoy n'ya para sa radiotherapy ko.
"Magpa pahinga lang muna ako," hindi ko sinagot ang tanong n'ya. Hindi ko alam kung ready na ba ako bukas.
"I'll wake you 'pag kakain ka na"
Pinikit ko ang mata ko baka sakaling this time makatulog ako.
"Sa labas tayo mag usap" Na alimpungatan ako dahil sa pagsara ng pinto at ang mga boses na parang pinipigilang magalit.
Dumilat ako. Wala akong ibang nakita maliban sa isang basket na ang laman ay prutas.
Tumayo ako at ng pihitin ko ang pinto ay nakarinig ako ng boses mula sa labas. Maliit kong binuksan ang pinto.
Mukhang seryoso silang dalawa.
"Bakit ka ba nandito?" tanong ni Nico kay Nathan.
Hindi ko alam kung bakit ganon ang tanong ni Nathan. Pero parang may pinang gagalingan.
"I just want to visit her" malaming na tugon ni Nathan.
"Visit her? Hindi mo ba alam kung ano ang ginawa mo sa kanya?"
"Ano bang sinasabi mo, huh?" parang nag aapoy ang mga tingin nila.
"Hey dude, hindi mo na naman kailangan bisitahin s'ya."
"'Wag mo 'kong ma dude, hindi kita kapatid." ani Nathan.
Aambang na si Nico ng suntok! Shit!
"Itigil n'yo nga yan!" lumabas na ako ng kwarto. Gulat sila ng tiningnan nila ako. What the hell?! Ano bang problema nila?!
"Kung balak n'yong mag patayan, 'wag dito." diin ko.
"Niya/Niya" Nagsabay pa sila! Darn it! Ang sakit nila sa ulo. Nag tinginan pa sila ng masama at parehas na galit ang mga mata.
"Ano?! Gusto n'yo bigyan ko kayo ng panaksak?! Huh? Kung mag aaway kayo, 'di mag away kayo! Bahala kayo d'yan!" tumalikod ako at bumalik sa kwarto. Ni-lock ko para sure. Sakit nilang dalawa sa ulo! Leche!
Hinilot ko ang aking sentido. Sumasakit lang ulo ko sa mga pinag gagawa nila.
"Nandito ka lang pala," Napalingon ako ng umupo sa aking tabi si Nico.
Iniwasan ko ang mga tingin n'ya at tiningnan ang mga taong naglalakad at mga nakaupo dito.
He sighed.
"Sorry," tiningnan ko s'ya pero saglit lang.
"Hindi ka dapat sa'kin mag sorry"
"Galit ka ba?" kinunutan ko s'ya ng noo.
"Ano ba sa tingin n'yo ang ginawa n'yo?"
He looked straight in my eyes.
"Sorry, pero gusto ko lang malaman n'ya kung ano'ng nangyayari sa'yo dahil sa kanya."
"I understand you, pero sana hindi mo na lang pinatulan"
"Do you like him? Or Mahal mo na ba s'ya?"
Napalunok ako dahil sa tanong n'ya. Nag iwas ako ng tingin.
Bakit ang straight to the point n'ya.
"I guess alam ko na ang sagot." tiningnan ko s'ya. Isang mapait na ngiti ang ibinigay n'ya.
"Nico.."
"Pero Niya, sasabihin ko na kung bakit hindi na s'ya pwedeng lumapit sa'yo"
Parang napuno ng tanong ang utak ko. Kaya ba hindi na s'ya-Is it because-of me?
BINABASA MO ANG
Saving for Tears (COMPLETED)
Teen FictionCREATING HAPPY MEMORIES A short but meaningful story of a girl who wants to live more. Find more about her story by reading this novel. All Rights Reserved