CHAPTER 40

Napa aga ang ang pagpunta ko sa opisina, dala na rin siguro ng matinding saya.

Nang makaupo ako sa aking table, binuksan ko ang aking laptop nagsimula na ako sa pagrevise ng mga ilang documents at pag check ng emails.

Hindi rin mawala ang mga ngiti ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa kong sundin ang matagal ko ng hiling.

Nang bumukas ang pinto, ang buong akala ko si Candy iyon. Pero ng tingnan ko, si Nathan.

Ngumiti ito at naglakad palapit sa'kin.

"How's your sleep? Nakatulog ka ba ng maayos?" aniya. Humawak siya sa table at yumuko. Binigyan niya ako ng isang mabilis na halik sa labi.

"Nathan." Pinandilatan ko siya ng mata pero tumawa lang siya ng mahina.

Gosh! Kahit ang pagtawa niya gusto ko.

"What? Bawal na ba kitang halikan?" Naroon pa rin ang nakakalokong ngiti niya.

"Ewan ko sa'yo." Umirap ako sa kanya pero deed inside, parang gusto ko na ang sumigaw. Nagpatuloy na ako sa ginagawa.

"Alright. Ma-iwan na kita." aniya at naglakad.

"Wait. Saan ka pupunta?" aniya ko.

Humarap siya na may ngiti pa rin na nakaka intimidate.

"Miss me, already?"

"Hah! Kapal mo!" Naibato ko tuloy sa kanya ang maliit na bunny na naka display.

"Kailan ka pa naging sadista?" Tumawa ulit siya.

"Leche! Lumayas ka na nga!" inis na ibinaling ko ang tingin sa aking laptop.

Bigla kong naramdaman ang mga kamay niya sa aking balikat.

"Ang init agad ng ulo mo." Naramdaman ko ang kanyang paghinga sa aking tainga.

Marahan akong napalunok.

Nasa likod ko na siya ngayon.

Bigla niya akong hinalikan sa pisngi dahilan para mamula ako.

"See you later. Huwag mo akong masyadong isipin,"

Bago pa ako makapagsalita mabilis siyang umalis sa likod ko at nagtungo sa pinto.

"Isa Nathan-!"

"I love you, too." aniya at mabilis na lumabas ng pinto.

Napahinga ako ng malalim at naka ngiting binaling ko ang tingin sa aking laptop.

Sa halip na i-focus ko ang sarili sa ginagawa, wala sa sarili na napasandal ako sa backrest ng swivel chair.

Napahawak ako sa aking labi. Kahit ngayon parang hindi ko pa maisip ito.

Saving for Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon