CHAPTER 44

Kanina ko pa hinihilot ang aking sentido. Hindi ko alam kung ano ang napag usapan nilang dalawa.

Habang pinipirmahan ko ang ilang mga papers ay panay ang hawak ko sa aking balikat.

"Are you tired?" mabilis akong napalingon sa pinto. Expecting that It was Nathan but It's not him.

"Nico, I didn't know na-"

"I'm asking you, are you tired?" lumakad siya para makaupo sa upuan na nasa harap ng aking table.

"Yeah." Tired of thinking about that issue again.

"Then, let's have some early dinner." Ngumiti lang ako. Dahil ang totoo ay hindi pa ako gutom. Ni hindi ko napansin na alas singko y media na pala.

"But anyway, Kararating mo lang?"

"Yup. I'm going to surprise you kasi alam kong busy ka, but It turns out pala na nakalimutan mong ngayon ang dating ko." aniya.

"No, hindi ko nakalimutan. Marami lang akong ginawa kanina."

"Alright, Hindi ka pa ba tapos d'yan?" aniya at tiningnan ang papers na nakakalat sa aking table.

"Mauna ka na lang, I need to finish this." ngumiti ako sa kanya.

Huminga siya ng malalim at tumayo.

"Are you sure? Hindi ka muna magttake ng break?"

Umiling ako at ngumiti.

"Hindi na muna,"

"Babalik ako mamaya, okay?" ngumiti siya at naglakad palabas ng opisina.

Huminga ako ng malalim at tinapos ang ginagawa para matapos na ako.

Pang huling papers ang aking nire-review at pipirmahan nang marinig ko ang pagbukas ng pinto.

"It's dinner time," napalingon ako sa pinto dahil sa boses na aking narinig.

From here, kitang-kita ko ang kanyang magandang ngiti. And with a tray of food in his hands.

"Akala ko ba may gagawin ka pa?" tanong ko. Nilapag niya ang tray sa kabilang table. Sinundan ko siya ng tingin habang hindi pa rin nawawala sa kanyang labi ang mga ngiti.

"Hindi naman ako busy, I just want to see you." aniya at lumapit sa'kin. Hinila niya ang isang upuan at tumabi sa'kin.

"You looked so tired. Tapos hindi ka pa kumakain. It's already eight," Inayos pa niya ang ilang hibla ng buhok ko na tumatakip na sa aking mukha. "And yet, you're still beautiful."

Saving for Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon