CHAPTER 8
I am all by myself. Pero kahit mag isa kong ginawa ang mga plans ko rito sa tagaytay. Hindi pa rin ako lubos na naging masaya.
The day after Nathan left at tagaytay, ay tumulak na rin ako pabalik ng manila.
Nagpahinga lang ako then the next morning ay umalis rin ako.
Pero kahit nakabalik na ako ng bahay, walang Mom and Dad ang sumalubong sa'kin.
Pinuntahan ko na lang si Doc Eenriquez para i-consult kung sakaling mag-trigger muli ang pananakit ng ulo ko at ang iba pang symptoms.
May mga ibinigay sa'kin na gamot na kailangan kong itake every time na nagtrigger ang pananakit ng ulo ko.
Pagkalabas ko ng office ni Doc Enriquez, I was checking the prescribed medicines. Inangat ko ang ulo ko dahil baka lumagpas ako sa mismong pharmacy.
Huminga ako ng malalim at lumiko ng daan patungo sa pharmacy ng magtama ang mga mata namin ni Nathan.
May hawak s'yang mga reseta at gamot. Ang hinuha ko, galing s'ya sa pharmacy.
"Uhm..Niya.."
"Let's go?" aniya ng babae kay Nathan. Nag iwas ako ng tingin.
Sa pag iwas ko ng tingin ay ang pagpatuloy ko sa paglalakad. Nilagpasan ko sila, huminto ako sa tapat ng pharmacy.
Sa gilid ng aking mata nakita kong naglakad na sila.
Tiningnan ko na sila at kitang kita ko kung paano ngingiti ngiti ang babae kay Nathan.
Bukod sa pagtanaw ko sa kanilang dalawa, ay ang iba ko pang naramdaman.
Naramdaman ko na ito almost a year now. Ang pakiramdam na may mabigat sa dibdib mo, yung para kang..
"Next please," bumaling ang tingin ko sa pharmacist at naghihintay na iabot ko ang reseta.
Umalis ako ng pharmacy kahit parang ang bigat ng pakiramdam ko. But then, I remembered kailangan pa ulit bumalik kay doc Enriquez at may nakalimutan akong sabihin.
Sa pagmamadali kong makarating ng opisina ni doc, nahagip ng mata ko ang isang private room na slightly open ang door.
Maglalakad na sana ako ng may marinig akong very familiar voice mula sa loob.
Umatras at isiniksik ko ang sarili sa gilid.
Tumatawa s'ya at ang babae kanina, nakapulupot ang kamay sa kanya. Damn it.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Pumikit ako at nagpatuloy sa paglalakad palabas.
Ang anumang bigat na nadarama ko kanina ay mas lalong nadagdagan.
Inilapag ko sa bedside table ang iilang medical records ko na ibinigay ni Doc Enriquez.
Bumaba ako at nagtungo sa kitchen para uminom ng fresh milk.
Inaalala ko ang nangyari kanina. Isang malaking tanong sa'kin kung ano'ng ginagawa n'ya roon.
"Shaniya!" narinig ko ang pagtawag ni Mom sa'kin dahilan para magtungo ako sa bulwagan.
"What is it, Mom"
"What's this?" malamig ngunit ma awtoridad na tanong n'ya.
Napalunok ako ng mapagtantong iyon ang mga medical records ko.
I am trembling now, hindi ko alam kung idi-deny ko.
"Me-Medical records" Naikuyom ko ang kamao ko.
"I know." pinasadahan n'ya ng tingin ang records ko.
"Do you really have.." Nangingiyak ngiyak na siya. At kahit ako ramdam ko na rin ang mga luha ko.
Mabilis n'ya akong niyakap.
Dahilan para lalo akong naiyak.
"Sorry" Now that they know, I don't want to.
Gusto ni Mom at Dad na magpa second opinion. Hindi na ako pumayag. Ayokong magkaroon ng kahit maliit na chance na posibleng hindi pa ito cancer.
Lahat na gustong ipagawa ni Mom sa'kin. Gusto n'ya mag chemotherapy ako, mag radiotherapy para mas mabilis mapatay ang mga cancer cells ko.
Pero ayoko, I can't.
Ayokong masayang lang sa wala ang mga hirap ko kung sakaling magchemo ako or mag radiotherapy.
Inililigpit ko ang ilang mga records ko ng maramdaman ko ang panghihina ng buo kong katawan.
Napaupo ako sa sahig at napakapit sa edge ng kama.
I don't want this cancer to destroy me. Not until I can leave this world.
Lahat ng pag aalala ko ay natangay ng hangin at ang pagkawala ng malay ko.
Nagmulat ako. Isang puting kisame at ang apat na sulok ng kwarto. I'm at the hospital.
Pinilit kong bumangon ngunit isang kamay ang pumigil at nanatili sa aking balikat.
"You're not feeling well," may utos sa boses nito.
Huminga ako ng malalim at tiningnan si Nathan.
Pinilit n'yang humiga akong muli.
BINABASA MO ANG
Saving for Tears (COMPLETED)
Teen FictionCREATING HAPPY MEMORIES A short but meaningful story of a girl who wants to live more. Find more about her story by reading this novel. All Rights Reserved