CHAPTER 28

Hindi ako lumabas ng kwarto. Buong araw akong nagkulong. Ang hirap din kasi, tinanggap ko na may cancer ako. Pero isang malaking palabas lamang ang lahat.

Halos hindi ko na makilala ang sarili ko, hindi ko na alam kung ano pa ang susundin ko. Sobra nang sakit ang nararamdaman ko.

Naki pagtitigan ako sa kisame. Bakit ganito kagulo ang buhay ko, sobrang magulo.

Namalayan ko na lang umiiyak na ako. Dapat hindi ako umiiyak e. Dapat isipin kong kaya ko. Kaya ko ito, kahit ang sakit na.

Lumabas ako ng kwarto, dala ang kumot at unan ko. Past 12am na nang makita ko sa wall clock.

Lumabas ako ng aming bahay. Umupo ako sa bench dito sa aming garden. Ibinalot ko sa aking katawan ang kumot at sinandal ko ang unan.

Mariin akong napapikit.

Ganitong-ganito ang naramdaman ko noon, pero mas masakit itong ngayon.

Tumingala ako at pinagmasdan ang mga nagkalat na bituin.

"Okay ka lang?" For a moment natigilan ako. Nawala ang inisip ko at daglian nilipad ng hangin dahil sa tanong n'ya.

Nasa labas s'ya. Nakatayo't nakapamulsa, habang may pag aalala sa mga mata. O, baka guni guni ko lang?

"What are you doing here? At this hour?" Nagawa ko pa talagang um-english.

Sa halip na sagutin ako, sumampa s'ya sa aming bakod. Bukod sa mababa lang ito, ay madali mong makikita ang tao sa labas kapag dito ka sa garden, dahil mataas na bahagi ito.

"Hoy! Trespasser ka! Private property ito!" tumayo ako at sinugod s'ya.

Walang kahirap hirap n'yang naakyat ito.

"Gusto lang naman kita kausapin" Parang nang aasar pa na sabi n'ya.

"Hoy, Nathan, hindi kita binigyan ng pahintulot para akyatin ng ganun lang ang bakod namin. May gate kami, nuh! Pa'no pala kung may security guard na nakakita sa'yo? 'Di mahuhuli ka? At isa pa-"

"Hep!"

"Ano?" Iritadong sabi ko. Langya! Ang haba ng sinabi ko e! Lechugas talaga 'tong lalaki na 'to.

"Back to my question, okay ka lang?"

"What do you think, huh?" sarcastic kong sabi.

"Hmmm.." Nagawa pa talaga n'yang mag isip. Tsk! Panira ng moment talaga. Hmph!

"Kanina, Hindi, Pero nung dumating ako? Siguro, Oo?"

"Ang kapal talaga" umirap ako at nag cross arms. "Lumayas ka na nga lang! Wala kang kwenta kausap! Layas!" Tinulak tulak ko s'ya. Pero ang loko 'di nagpatinag.

"Pfft." Nakita kong nagpipigil s'ya ng tawa. Sumimangot ako sa kanya at ready na akong mag walk out. Nang bigla n'yang hatakin ang kamay ko.

"Ito lang ang alam kong paraan." mahinang sabi n'ya. Mahigpit ang pagkakayakap n'ya sa'kin.

Nakaramdam ako ng kakaiba. 'Yung pakiramdam na, ang lapit lapit na ng taong gusto mo lang mayakap at makita. Dahil sa totoo lang, itong yakap na ito ang matagal kong hinahanap. Matagal kong hindi naramdaman ang ganito.

'Yung pakiramdam na, ligtas ka 'pag s'ya ang kayakap mo.

Pinikit ko ang mga mata ko. Yayakapin ko rin ba s'ya? O, hayaan ko na lang na ganito?

Ay, bahala na.

Kahit ngayon lang, sundin ko muna ang sinasabi nito. Dahil alam kong pagkatapos nito, normal na lang ang lahat. Sana kung panaginip ito, please, ayoko na gumising. Niyakap ko rin s'ya.

Saving for Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon