CHAPTER 33
Inayos kong muli ang mga papers na kailangan kong i-review.
Narinig ko ang pagsara ng pinto kung kaya't nilingon ko ang Architect na pinadala ni Kuya.
"Good Morning-" Natigilan ako ng makita mismo ng aking mga mata kung sino ang Architect.
Tulad ko ay nagulat din s'ya ng makita ako.
"It's you again," aniya. Naupo ito sa upuan sa harap ng table ko.
Makahulugan itong ngumiti.
What the hell?
"So.."
"Brenda Cortez," Inilahad n'ya ang kamay. "I mean, Architect Brenda Cortez."
Muli na naman s'yang ngumiti. Alam kong hindi n'ya ako maka kalimutan.
"Shaniya Curtis," Nakipagkamay ako pero agad ko rin binawi.
"Oh," aniya.
"Yes?" Gusto kong patulan ang ka-artehan ng babaeng ito. But business is a business.
"So, I'm going to give you some of my plates once Engineer Grande check it." May inilapag s'yang mga folders at sa tingin ko ito ang naunang samples.
"That plates is my previous works," aniya.
Inisa-isa ko lahat.
"And Engineer Grande will be coming later. He has a lot of works to do." aniya
Natigilan ako sa pagtingin ng mga sample plates dahil sa sinabi n'ya.
Hindi ko mai-focus ang tingin sa mga plates dahil parang abot-abot ang kaba ko.
"I'm sorry but I have to take this call," aniya. Tumayo s'ya at sinagot ang tawag.
"Engineer," hindi ko na narinig ang mga sinabi n'ya dahil nakalabas na ito.
Hinanap ko ang ilang mga papeles na ibinigay sa'kin ni Kuya. Kailangan kong malaman kung sino itong Engineer na ito.
Agad akong tumayo at tinungo ang mga drawer kung saan inilagay ni Kuya ang mga documents.
Nanginginig ang mga tuhod ko ng inisa-isa ko ang mga papeles.
"He's here. Ms. Curtis-" inangat ko ang tingin sa pinto at hindi nga nagkamali ang kaba ko kanina.
Napakurap ako ng ilang ulit. Mabilis akong tumayo at bumalik sa table.
"Have a sit, Engineer Grande, Architect Cortez." Napakagat labi ako ng magtama ang mga tingin namin. Agad din akong umiwas ng tingin.
Humanda ka sa'kin Kuya. Sa lahat ng pwedeng Architect at Engineer, ay sila pa talaga.
Tuluyan akong mababaliw nito. Damn it!
BINABASA MO ANG
Saving for Tears (COMPLETED)
Teen FictionCREATING HAPPY MEMORIES A short but meaningful story of a girl who wants to live more. Find more about her story by reading this novel. All Rights Reserved