CHAPTER 11

Pagkatapos namin mag usap ni Nico ay bumaba kami. Naging maikli lang ang pag uusap namin dahil may kailangan pa s'ya puntahan.

"Babalik na lang ako mamaya" paalam n'ya. Ngumiti ako. "Make sure na magpapagaling ka" bilin n'ya.

"Yeah. I will. Sige na, mag ingat ka" naglakad na s'ya kaya nag wave ako ngunit bumalik pa s'ya at humarap sa'kin.

"Bakit? May naka-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng hawakan n'ya ang ulo ko at hinalikan ako sa noo.

"Kumain ka ng maayos, okay?"

Hindi nagprocess sa utak ko ang mga sinabi n'ya. Bumalik ako sa katinuan ng mapagtanto kong wala na sa harap ko si Nico.

Shet. Ano 'yun?

"Kailangan may goodbye kiss talaga?" Nabaling ang tingin ko kay Nathan na agad hinila ang dextrose stall ko kaya naglakad ako.

Ang sama talaga minsan ng ugali n'ya-ay lagi pala. Psh.

"Sino ba kasi 'yun?" nakasimangot na tanong n'ya.

"Crush ko. Hahaha"

Tiningnan n'ya ako ng masama.

"Fine. Bestfriend ko lang 'yun. Babalik daw s'ya mamaya"

"Psh. Sana 'di na bumalik"

"Ano?"

Ano sabi nya?

Huminto s'ya sa paglalakad.

"Ano sabi mo?"

"Wala, tara na nga"

Sabay hila ng dextrose.

"Hindi, may sinabi ka e!" pagpumilit ko.

Sinulyapan n'ya ako at masamang tiningnan.

Inirapan ko na lang s'ya at hindi na kinulit pa.

Nagkanda haba ang nguso ko ng makita kong palapit sa'min 'yung babaeng kasama ni Nathan dati.

Bakit ba nandito na naman yan? Psh.

"Nathaaan!" binitiwan n'ya ang stall. "Hinanap kita kanina, but they don't know kung saan ka" tiningnan ako ng babae. "Hi! I thought you're Shaniya right?" pa sweet na sabi n'ya.

"Hmm" Ngumiti ako ng sarcastic.

"By the way, Nathan." Hinawakan ko ang stall ng dextrose ko. Balak ko ang umalis pero hinawakan ni Nathan ang kamay kong nakahawak sa stall. Shet!

Tiningnan ko s'ya. "Sa'n ka pupunta?"

"Babalik na sa room ko. Tutal busy ka naman, 'di ba?"

Umigting ang panga n'ya dahil sa sinabi ko.

"Uhm, Nathan-"

"Stop it, Nicole"

Nagtiim bagang ang Nicole at masama akong tiningnan.

Inalis ko ang kamay n'ya at nagtuloy sa paglalakad.

"Niya!"

Bahala s'ya sa buhay n'ya. Hindi ko pinansin ang pagtawag n'ya sa'kin. Kausapin na lang n'ya ang pabebe na 'yun. Psh.

Umupo agad ako sa hospital bed.

Hmm. Ano bang magandang gawin bukod sa pagtunganga dito? Ah alam ko na!

Tingnan natin ngayon. *evil smile*

Muli akong lumabas ng kwarto. Aish! Sagabal na dextrose! Pahirap sa buhay!

Bumalik ako sa helepad dala ang dalawang tupper ware ng strawberies. Well, kakain lang naman ako.

Ngunguya nguya ako at naisipan kong mag online sa facebook.

May friend request ako? Hmm. Matingnan nga.

Nate Galvez

Confirm       Delete request

Tiningnan ko ang profile nung Nate Galvez. At,

"Si Nathan?" tinitigan ko ang-

"Anong ako?"

"Wala tinitingnan-" Agad akong napalingon sa hagdan at naglalakad na nakangiti s'ya.

Baliw ba s'ya?

"Uy, pahingi." Kukuha sana s'ya ng strawberry pero nilayo ko.

"Bumili ka ng sa'yo! Dun ka magpabili sa pabebeng babae na yun!"

"Pabebe?"

"Oo! Yung 'Nathan hinanap kita kanina-psh!" ginaya ko pa yun.

Bigla na lang s'ya tumawa. O-kay?

Saving for Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon