CHAPTER 48

Huminga ako ng malalim pagkatapos ay hinawakan ni Nathan ng mahigpit ang kamay ko.

Tumingin ako sa kanya na ngayon ay nakayuko.

Inangat niya ang tingin sa'kin.

Ngumiti na lamang ako.

"Kaya mo 'yan, okay?" Hinila niya ang palapulsuhan ko at niyakap.

"H'wag mo kong iwan.." he whispered. Hindi ako sumagot pero niyakap ko na lang siya.

"Hinding-hindi kita iiwan. I keep my promise." aniya ko.

Ilang minuto kaming gano'ng dalawa, walang imikan.

"Shaniya, It's time." Napahiwalay ako sa yakap kay Nathan ng magsalita si Kuya Aron.

Ngumiti ako kay Nathan pagkatapos ay unti-unti niyang binitiwan ang kamay ko.

Tumalikod na ako pero mabilis akong hinila pabalik ni Nathan at muling niyakap.

"Tama na 'yan. Magkikita pa kayo." aniya Kuya Aron.

"Babalik ako." binitiwan na niya ang kamay ko at naglakad na ako papasok sa OR. Suot ang hospital gown.

Muli pa akong lumingon sa pinto pagkasara nito ng nurse. Naroon pa rin si Nathan. Nakatingin at tila ba may sinasabi.

I love you, Nathan. More than anything.


~*~


NATHAN GRANDE'S POV

Ilang beses na akong nagpa ikot-ikot sa labas ng OR. Alam kong mahabang oras ang operasyon. Ayaw kong umalis dito sa labas ng OR. Kahit umabot pa ng bukas.

Napaupo ako sa waiting area.

'Lord, sana maging successful ang operasyon. Sana lord.'

Pinagsalikop ko ang mga daliri ko't pinaglaruan. Panay ang tingin ko sa pinto ng OR hoping na lumabas ang isa sa mga doctor ni Shaniya.

"Nate, have some water." Napa angat ang tingin ko sa taong nasa harap ko. May hawak s'yang bottled water.

"N-Nicole?" Ngumiti siya at tumabi sa'kin.

"I heared about Shaniya," Nilapag n'ya ang bottled water sa kabilang upuan.

"What are you doing here?" Tiningnan ko siya. She's still the same. The old Nicole I used to know. On how she cares, how she talk. But I don't know if she's still the Nicole I used to loved.

"Obviously, visiting you and Shaniya.. Anyway, how is she?"

"Still in the OR. On-going pa ang operasyon."

"I'll extend my prayer to her." Muli akong napatingin sa pinto ng OR.

"Thanks," aniya ko.

Saving for Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon