CHAPTER 2

Find Him

Shaniya's POV

Inihinto ko ang kotse sa tabi at hinagilap ko ang phone ko. I need that phone. I was busy scanning my things ng maisip kong baka naiwan ko kung saan ako unang nag stop.

Ang careless ko talaga! Aish!

Pinaandar ko ang kotse then I made a U-Turn.

'Di kaya nasa alien na lalaki na 'yun ang phone ko? Damn that guy! Lagot talaga sa'kin yun 'pag na sa kanya nga.

Pinarada ko ang kotse at bumaba ako. Naglakad lakad ako, I even went to the end part of this place to find that annoying guy. Where on earth is he?!

"Looking for me?" Tumalikod ako, at ang magaling nakangisi pa.

"Where's my phone?" ma-awtoridad na tanong ko.

"Ito ba?" hindi pa rin nawawala ang ngiti n'ya.

Nakataas mula sa ere ang phone ko. Pilit kong inaabot kaya lang matangkad sya.

Sa pag aabot ko, bigla akong napahawak sa balikat n'ya. Upang hindi ako matumba.

"Okay ka lang?"

Napapikit at hinawakan ko ang sentido ko. My symptoms are starting to spoil me.

"I'm f-fine.. No need to.." then everything went black.

*********

Nathan's POV

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kaya mabilis ko syang binuhat. Hinanap ko ang kotse n'ya, good thing malapit lang ito sa'min. Mabilis kong binuksan ang passenger door at inihiga s'ya sa upuan. Hindi ako ready sa ganitong sitwasyon! Agad kong pinatakbo ang kotse at dumiretso kami sa hospital.

***

"She's okay now. May mga tests lang na kailangan and observation."

Lumuwag ang aking paghinga ng marinig ko 'yun mula sa doctor. I need to call her parents para ipaalam ito.

Tiningnan ko ang contact list n'ya, nang makita ko ang 'Dad' sa list, tinawagan ko ito.

"Hello? Niya? Where are you?"

"Ahm. Sir,"

"Where is she?"

"She's in the hospital, sir."

"What?!"

Sinabi ko na rin kung saan ang address ng hospital. Pagkatapos kong kausapin ang Dad ni Shaniya, pinuntahan ko s'ya sa kwarto. Tiningnan ko s'ya na ngayon ay mahimbing na natutulog. Naupo ako sa tabi ng kama at pinagmasdan ko s'ya.

"Magpagaling ka," Nakita kong unti unting gumalaw ang daliri n'ya.


Napatayo ako ng gumalaw ang mga daliri n'ya at unti unti s'yang dumilat.

"Shaniya?" Iginiya n'ya ang paningin sa'kin. Matamlay s'yang ngumiti.

"Na.. Nathan."

"Tawagin ko lang ang doctor." paalam ko. Lalabas na sana ako ngunit muli n'ya akong tinawag.

Agad akong lumapit at tinignan s'ya.

Pinilit n'yang bumangon ngunit hinawakan ko ang balikat n'ya.

"Kailangan mo daw magpahinga" sabi ko sa kanya. Pero pinagpilitan n'yang umupo. Inayos ko na lamang ang unan n'ya para makasandal s'ya.

"Tigas ng ulo mo." bulong ko pagkaupo.

"Yah! I'm not!"

Tsk! May sakit na lahat lahat, sumisigaw pa.

"Nagugutom ka na ba?" tanong ko.

She nodded.

Tumayo ako at kinuha ang isang apple at pinagbalatan s'ya.

"Tinawagan ko pala ang papa mo, papunta na s'ya dito" nilingon ko s'ya.

"What?! Bakit mo ginawa 'yun?"

Tumigil ako sa pagbabalat at muli akong humarap sa kanya.

Tinanggal n'ya ang dextrose na nakakabit sa kanya at mabilis ko s'yang pinigilan.

"Niya! Oh my God sweetheart!"

Napalingon kami sa pinto.

Saving for Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon