CHAPTER 12

Tiningnan ko s'ya ng masama.

"Seriously, Niya? Hahaha-pft-haha"

Nagtiim bagang ako at inihampas ko sa ulo n'ya ang tupper ware na walang laman.

"Aray!" sabay himas ng ulo n'ya. "Natatawa lang kasi akong nagseselos ka eh! Hahaha" muli ko s'yang pinaghahampas wala akong paki kung mangiyak ngiyak na s'ya.

"What the?! Get a life! Kainis ka bwisit!"

"Hey! Stop it-ah! Niya!"

Bigla n'yang hinawakan ang magkabilang kamay ko kahit hawak ko ang tupper ware.

"What?" tinaasan ko s'ya ng kilay pero nanatili lang sa labi n'ya ang mga ngiting kanina ko pa nakikita.

"Tell me, Are you jealous?" he smirk.

WTF?!

"Asa! Kapal mo!" hinila ko agad ang kamay ko at nakabusangot na umupo.

Pinang gigilan ko na lang ang strawberry.

Bwisit s'ya! Ang kapal ng mukha n'ya.

"Cute mo rin pala noh?" Inirapan ko s'ya at parang namumula ang pisngi ko.

"Hindi nakakatuwa." diin ko.

"Hahaha."

Pinanliitan ko s'ya ng mata at inihagis sa mukha n'ya ang tupper ware, pero nailagan n'ya. At tuluyan akong umalis. Bahala s'ya!


Bumalik ako ng room ko ng nakabusangot. Ang kapal talaga ng mukha n'ya! Aish!

"Oh? Anong nangyari sa'yo?" napalingon ako sa pinto at sa kapapasok lang na si Nico.

"Wala."

"Problem?" umupo s'ya sa tabi ko.

"Wala nga" hindi ako tumingin sa kanya, nakita ko mula sa gilid ng mata ko ang pakurba ng ngiti n'ya.

"Don't tell me, may nagugustuhan ka na?" Pinanliitan ko s'ya ng mata. "So tama ako?"

"Hindi nga! Wala nga!"

"So, who's the lucky guy? Hmm?" tapos sinundot sundot n'ya ang tagiliran ko.

"Nico! Ano ba! Hahaha!"

"So, sino nga?" tuloy pa rin s'ya sa ginagawa.

"Wala nga!" tinulak ko ang kamay n'ya at pinanliitan s'ya ng mata. "Itigil mo na nga yan!"

"Fine. Fine" humarap s'ya sakin at seryoso akong tiningnan. "Sino nga kasi?" ngumise pa s'ya at parang curious sa isasagot ko.

"Wala nga."

"Hindi. Meron talaga" nakangiti pa rin s'ya.

"Niya, yung-" agad kaming napatingin sa pinto. "Sorry, naistorbo ko-"

"No, hindi naman" Ani Nico. Agad akong lumayo kay Nico at muling tiningnan si Nathan.

Madilim ang tingin nito sa'min. Balak n'yang isara muli ang pinto ngunit nagsalita si Nico.

"Kakausapin mo s'ya?" ani Nico. Tiningnan n'ya ako at binaling ang tingin kay Nico.

"Hindi mamaya na" nagsalin salin ang tingin ko sa kanila.

"No, Paalis na rin ako" tumingin sakin si Nico at makahulugan akong tiningnan.

"S'ya ba?" nakangiting bulong ni Nico at tuluyang naglakad.

What the hell? Anong s'ya?

"I'll go ahead pre" tinapik n'ya sa balikat si Nathan at tuluyang umalis.

Tumingin ako kay Nathan. Pumasok s'ya at sinara ang pinto. Umupo ako sa kama at hinila ko ang desk kung saan nakalagay ang libro. Nagbasa na lang ako.

"Ano'ng kailangan mo?" nagbabasa pero hindi ko naman naiintindihan ang binabasa ko.

"Nagbabasa ka ba talaga?"

"Oo," tiningnan ko s'ya na nakaupo sa couch. Seryoso ang mukha na nakatingin sa libro. At seryoso din akong tiningnan.

"Baliktad naman binabasa mo" bigla kong binaliktad ang libro at nagbasa ako kahit naiinis na ako. Lintek!

"Nagbabasa ka ba o props mo lang yan?"

Saving for Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon