CHAPTER 15
Yumuko ako at nagsimula na akong humakbang.
Inamin ko sa sarili ko na I'm starting to like him. Pero ganito pala ka-sakit 'yun. Hindi ko alam na ganito pala.
"Niya," Agad akong natigilan ng higitin n'ya ang palapulsuhan ko.
Pumikit ako at hinila ang kamay kong hawak n'ya.
Naglakad na ako ng mabilis.
Narinig ko pa ang pagtawag n'ya sa'kin pero hindi ko nagawang lumingon. Ayoko. Baka 'pag hinarap ko s'ya, maamin ko sa kanya na gusto ko-baka nga mahal ko na s'ya. O baka in love lang ako sa mga simple gestures or sa idea na lagi s'yang andyan. Ewan, magulo.
Bumalik ako ng room ko. Wala pa si Kuya, even si Nico wala.
Umupo at yumuko ako.
Pumikit ako.
Maybe that Tricia is her ex.
Bakit kailangan n'ya pa maging mabait sa'kin? I wonder why he always there for me. Why he always care for me. And why he always make me feel okay, when he says those sugar coating words to make me feel better.
Why are you like that, Nathan?
Dumilat ako at inangat ko ang ulo ko dahil sa pagbukas ng pinto.
Nagkatinginan kaming dalawa. When I met his gaze, I instantly look away. Avoiding his gaze.
"What..are you doing here?" nakita ko ang paghakbang n'ya palapit sa'kin.
"'Yung..kanina, wala lang 'yon"
Pagak akong tumawa. I stared in his eyes.
"Ano naman, kung makita ko 'yun?"
"Those are nothing, pero bakit ka umalis agad kanina?"
I look away dahil sa tanong n'ya.
Oh shit!
"Wala lang..baka nakaistorbo ako e," tiningnan ko s'ya. "Bakit ka nga pala pumarito,"
"I want to check on you"
Inirapan ko s'ya.
"Check on me?" tiningnan ko s'ya na nakatayo pa rin sa tapat ng pinto. "Bakit? Doctor ba kita?"
Umigting ang panga nya.
"What's wrong with you?" Ngayon kumunot na ang noo n'ya.
Pagak muli akong tumawa.
"What's wrong with me?" I sarcastic said. "Ano nga bang mali sa'kin?"
"Dahil ba sa hindi ako nakapunta dito?" now he gets my point.
"Yes! You get my point." I said.
"I have a reasons,"
"And what kind of reason you have? Huh?"
"You don't need to know" hinawakan n'ya ang seradura ng pinto
Pagbukas n'ya ng pinto nakita ko mula sa labas yung Tricia.
"Nathan," ani Tricia.
Nilingon ako ni Nathan. Tumayo ako at tiningnan ni Tricia. Na-realize siguro n'ya na nag uusap kami.
"S-sorry" umiwas s'ya ng tingin at yumuko.
Kitang kita ko kung paano hinawakan ni Nathan ang kamay ni Tricia at mabilis na niyakap ito.
Lintek. Qoutang-qouta na 'ko sa mga ganyang eksena. Tanga, Niya. Isara mo ang pinto.
Pikit mata kong isinara ang pinto at isinandal ang likod ko.
May sakit na nga ako lahat-lahat, nasasaktan pa ako ng ganito.
Minulat ko ang aking mga mata at kasabay ang pagbagsak ng mga luha ko.
Mabilis kong pinunasan 'to.
Impit akong napaiyak ng maghalo-halo na ang nararamdaman ko.
Matapos lang talaga ang lahat ng 'to, baka sakaling magbalik ang dati. Baka sakaling ma alala ko kung bakit lumalaban na ako.
Umupo ako sa kama. Hindi ko na alam kung kaya ko pa. Baka sumuko na lang ako.
Narinig ko ang pagpihit ng pinto at nang makita kong si Nico ang naroon, ay agad akong napayakap sa kanya
BINABASA MO ANG
Saving for Tears (COMPLETED)
Teen FictionCREATING HAPPY MEMORIES A short but meaningful story of a girl who wants to live more. Find more about her story by reading this novel. All Rights Reserved