CHAPTER 38

Wala sa sariling tinungo ko ang comfort room. Ilang ulit akong napa buntong hininga.

Napahilamos ako ng mukha.

Matapos kong magpunas ng mukha, napatingin ako sa salamin.

"Shaniya, itigil mo na ang pag asa na ito. Huwag ka nang umasa na mahal ka pa niya."

Agad kong pinunasan ang aking mga luha.

"Itigil mo na ito,"

Ilang sandali pa napag pasyahan kong lumabas. Halos mapatalon ako ng makita ko si Nathan sa labas.

"E-Engineer," Narito pa rin ang aking kaba.

"Shaniya," aniya na para bang ang ang hirap na.

"Ano'ng kai-"

Natigilan ako ng hapitin at hilain niya ako palapit sa kanya.

"N-Nathan.."

Para akong na estatwa dahil sa paraan ng pagyakap niya. Sobrang higpit. Ni hindi ko nagawang makapag react agad.

Inilagay niya ang kanyang ulo sa aking leeg. Ramdam ko ang bawat paghinga niya. Kasabay ang mabilis na pintig ng aking puso.

"You don't know how I miss you." aniya sa napapaos na boses.

Napasinghap ako ng maramdaman ko ang kanyang labi sa aking leeg.

Damn you, Nathan!

"N-Nathan.." Mas lalo pang humigpit ang yakap niya sa'kin.

"I miss you so much, Shaniya.." Kahit ang paghinga niya ramdam ko. Gusto ko siyang itulak pero parang nanlambot ang mga tuhod ko.

Hinarap niya ako at hindi ko maalis ang tingin sa kanyang mga mata.

Lalo niya akong hinapit sa bewang at mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko. Lalo na nang pinaglapat niya ang aming mga noo.

Halos habulin ko ang aking paghinga ng isandal niya ako sa pader.

"Nathan. Stop this." aniya ko sa kanya.

Tinukod niya ang magkabilang kamay sa pader, dahilan para makulong ako sa kanyang bisig.

Nakita ko sa kanyang mga mata ang lungkot.

Marahan niyang hinaplos ang mukha ko. At sa isang iglap. Naramdaman ko ang kanyang labi. Hindi ko alam pero naipikit ko na lang ang mga mata ko.

Hindi ako nakagalaw sa kintatayuan ko. Sandaling nanlambot ang mga tuhod ko. Mabilis ngunit puno ng pagkasabik matapos niya akong halikan.

Nang imulat ko ang aking mga mata, isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Kasabay ang pagyakap niya.

Saving for Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon