CHAPTER 24

Agad kong pinahid ang mga luha ko. Mabilis akong pumasok sa sasakyan.

"You see them?"

Hindi ako umimik. Hindi na rin nagsalita pa si Nico.

"It's okay to be hurt and cry." aniya.

Napa halukipkip ako.

"Niya," hinawakan n'ya ang baba ko at iniharap sa kanya. Inalis rin n'ya ang kamay kong nakatakip sa aking mukha.

"'Wag ka nang umiyak. Please?"

Napasinghap ako ng yakapin n'ya ako.

"Kasalanan ko ba, Nico?"

"Hindi mo kasalanan. Wala kang kasalanan. Ginawa mo lang kung ano ang sa tingin mo ay tama. Kung magalit man s'ya sayo, sa kanya na 'yon."

"Mali rin kasi ako e. Mali rin na, hindi ko s'ya pinakinggan"

He cupped my cheeks.

"Stop crying na. Ang pangit mo na tuloy oh!" tinuro pa n'ya ang mukha ko.

"Ang sama mo!" Hinampas ko s'ya sa braso.

"Sadista ka rin pala. Tsk! Tsk!" umiiling na sabi n'ya.

"Heh! Umalis na nga lang tayo!" Umirap ako sa kawalan at pina andar n'ya ang makina.

Sumulyap akong muli sa resto. Ang laking katangahan ang ginawa kong pag iwas. Pero ito na ang tama kong gawin.


Sino kaya ang babaeng kasama n'ya?

Huminga ako ng malalim at itinigil ang pag iisip kung sino ang babaeng yon.

Obviously girlfriend n'ya yon. And Why the hell I care? Tsk!

Pasalampak akong sumandal sa back rest ng upuan. Ito ang pinaka ayaw ko sa lahat e. Ang walang kausap.

Hinablot ko ang phone at tinawagan si Nico.

Mag mall na lang kami.

"Hey! Nico! Free ka ngayon?"

"Sorry, Niya. May mga important meetings ako e."

"Ay? Ganun? Sige. Next time na lang"

"Sorry talaga. Sige next time. My treat."

"Sabi mo yan huh?" Nakangiting sabi ko.

"Yep! Sige na. Bye!"

Muli akong huminga ng malalim.

Bahala na nga.

Date with myself ang ganap ko ngayon. Iba't ibang clothing brands ang pinuntahan ko.

Pero ang ending, dinala ako ng sarili ko sa cinema. Ano ba magandang movie ngayon?

Bumili ako ng ticket, at dahil two hours before ang next film. Nag ikot ikot muna ako.

"Nate, what do you think? Bagay ba?" napalingon ako sa isang babae na may hawak na dress at nakangiti sa kasama.


Lumingon ako sa kasama n'ya. At ang lecheng pagkakataon naman. Kahit dito? Makikita't makikita ko pa sila?

Hindi ko na lang pinansin sila. Bahala na silang dalawa.

Out of curiousity, lumipat ako ng kabilang stall ng mga damit para marinig ko ang pinag uusapan nila.

"Nate, look oh! Bagay na bagay sa'yo" Kunyari pumipili rin ako but I'm actually listening to them.

"Brenda. Hindi naman e." mariin akong napapikit ng paghawi ko sa mga blouse, ay nakita kong parang ang saya saya nila.

"This one Nate." ani ng babae.

Bigla akong napatago sa mga naka hang na blouse ng lumingon s'ya sa direksyon ko.

Sht! Niya! Umalis ka na! Pinapahamak mo lang ang sarili mo!

Ngumiti ako sa sales lady kahit todo kaba na ako. Mabilis akong tumayo at tumalikod.

Nakahinga lang ako ng makalagpas na ako sa clothing stall na 'yon.

Pumunta na lang ako ng cinema para i-alis sa isip ko ang nakita at narinig ko.

I still have fourty-five minutes para magsimula ang movie.

Umupo na lang ako sa bench malapit sa movie house. It sucks!

Saving for Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon