CHAPTER 13

"Excuse me huh! Kung ku-kwestyunin mo lang naman ako, mas better lumayas ka na lang dito para hindi ako mainis sa'yo! Hmph!" itinuon ko ang paningin ko sa libro. Bwisit s'ya! Ano'ng props-props pinagsasabi n'ya?! Leche!

Bumagsak ang kamay ko sa lamesa ng i-angat n'ya ang libro. Umigting ang panga ko dahil sa sunod n'yang ginawa.

"Bakit ka ba naiinis sa'kin? Huh?" ilang ulit akong napakurap dahil sa maka-intimidate n'yang tingin.

"Ano bang ginagawa mo?" buong lakas kong inilabas ang inis ko sa kanya. Pero para akong nanghihina.

Bigla akong napahawak sa dibdib ko ng makaramdam ako ng kakaibang pakiramdam.

Nakita kong nagbago ang expression ng mukha n'ya.

"N-Nathan.." Agad n'ya akong nilapitan at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Hey, Okay ka lang?" tiningnan ko s'ya. Unti-unting lumalabo ang paningin ko kasabay ang pagbagsak ko sa kama.

"Niya! Wake up! Nurse!" huling narinig ko bago ako nawalan ng malay.

***

Third Person's POV

Nagpabalik balik sa labas ng ER ang magulang ni Shaniya. Maging si Nathan at Nico, ay gano'n din ang ginagawa.

"Dad, How is she?" Lumingon ang dalawang binata sa kararating lang na lalaki.

Puno ng pag aalala ang mga mata nilang lahat.

Nang lumabas ang doctor sa ER, ay nagsilapitan ang lahat.

Tinanggal ng doctor ang mask at pormal na humarap sa magulang ng dalaga.

"How's my daughter, doc?" ani ng ginang.

"She's stable now. She need some more rest. Kung maari ay iwasan n'ya ang mga extreme emotions for her to recover fast. But we recommend, she need to take a radiotherapy as soon as possible. Because the cancer cells will invade nearby tissues, and it will spread through the bloodstream..." paliwanag ng doctor.

Napa halukipkip ang ginang at umiyak sa kanyang asawa.

Napasabunot sa buhok ang kapatid ni Shaniya. Napayuko naman si Nico at naupo habang tinatanaw ang pinto ng ER.

Inis na sinuklay ni Nathan ang buhok at napaupo. Kagaya ni Nico, nilingon nya ang ER.



Shaniya's POV

Pagmulat ko ng aking mata, inilibot ko ang paningin.

Si Kuya Dylan lang ang nakita ko.

"Kuya.." Tumigil si kuya sa pagkalikot ng phone at agad akong nilapitan.

"Mabuti gising ka na" Umupo ako at inayos ni kuya ang unan sa likod ko.

"Gusto mo bang kumain?" umiling lang ako.

"Magpahinga ka na lang" Bumalik si kuya sa pagkakaupo sa couch.

Kinuha ko ang phone kong nakapatong sa bedside table.

I texted Nico, para may makausap ako. But when I scan my inbox, may mga unread messages ako galing kay Nathan.

Nathan:

Are you awake?

-

Gising ka na ba? Kumusta na pakiramdam mo?

-

Sorry, Niya, kasalanan ko nga siguro.

-

'Yung huling text n'ya ang nagpa gulo ng isipan ko.

I compose a reply.

To: Nathan

What? Ano'ng sinasabi mo? Hindi mo kasalanan.

Pagka sent ko nagreply agad s'ya.

-

Nathan:

Gising ka na? How's your feel?

Me:

I'm fine. Ano'ng kasalanan?

-

Nathan:

Wala

-

Me:

Weh? Punta ka dito, please?

-

Nathan:

Sorry. I can't come.

-

Ouch. Hindi s'ya makakapunta. Naibagsak ko ang phone sa lap ko.

Saving for Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon