CHAPTER 45

"At talagang nagpakita ka pa, huh?" Napalunok na lang ako dahil sa mga pinaghalong kaba at takot.

Yumuko ako at pinagsalikop ang aking mga daliri.

"Mahal ko po si Nathan." tumingala ako para makita sya.

"Let him to be happy." madiing sabi niya.

"At masaya po kaming dalawa. I really love him."

Lumipad sa ere ang kanyang kamay kaya napapikit ako.

"Mama! Stop it!" Napamulat ako ng mata ng makita kong galit at matalim na tingin ang kanyang binigay sa kanyang Mama.

Nasa ere parin ang kanyang kamay. Lumapit si Nathan sa'kin dahilan para maibaba ni Tita Marga ang kanyang kamay.

"You really love that woman, huh Nathan?"

"Yes, Mama, I love her and no one can stop me from loving her. Even you, Mama."

Matalim akong tiningnan ng kanyang Ina at binaling muli ang tingin kay Nathan.

"You'll regret this, Son." Tumingin siyang muli sa'kin. "You gold digger." At dahil sa sinabi niyang iyon, nagtubig ang aking mga mata kaya kumalas ako sa hawak kay Nathan at mabilis na lumabas ng opisina ni Nathan.

Mabilis kong sinara ang pinto ng aking opisina. Ang hirap, lalo na't sinabihan pa akong gold digger. Dahil ba sa malapit ng malugi ang aming negosyo kaya iniisip n'ya na yaman lamang ni Nathan ang mahalaga kaya ko s'ya minahal. Ang buong akala ko, tanggap na ako niya.

"Shaniya, open the door." Napahinto ako sa paghikbi ng marinig ko ang boses ni Nathan sa labas.

"Leave me alone! I don't need anyone!" sigaw ko sa kanya.

"Even me, Shaniya?"

"Kahit ikaw pa, Nathan. Just leave me alone!" Inilapag ko ang aking ulo sa table at hinayaan kong bumagsak ang mga luha ko.

Na-alarma ako sa pagtunog ng seradura. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko. Umikot ako at tumalikod para hindi ko siya maharap.

"Let's talk, Shaniya." mahinang turan niya.

Hindi ako sumagot at nanatiling tahimik ako.

Sa pagpikit ko, biglang nanikip ang aking dibdib kung kaya napakapit ako sa upuan.

"Shaniya? Are you okay?" Unti-unti akong hindi makahinga naramdaman ko ang paghawak ni Nathan sa'kin. At tuluyan na akong napapikit.

Saving for Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon