CHAPTER 14

Hindi maka paniwalang tiningnan kong muli ang text n'ya.

Bakit hindi s'ya makakapunta? At ano'ng kasalanan n'ya.

"Bawal na pala ang pag gamit mo ng phone" bigla na lang hinablot ni Kuya ang phone ko at inilapag sa kabilang table.

"Kuya! Akin na!"

"Hindi ka na nga daw gagamit n'yan. At kailangan mo na rin mag radiotherapy, ini-schedule na Mom ang session mo"

"Eeh! Ayoko!" inis akong humiga at nagtalukbong ng kumot.

"Akala ko ba, papayag ka na?"

"Eh basta! Ayoko na! Nag bago na isip ko!" biglang inalis ni Kuya ang kumot kaya inis akong humarap sa kanya.

"Gusto mo bang mamatay?"

Tinatakot ba n'ya 'ko? Matagal ko ng hinanda ang sarili ko sa bagay na 'yan.

"Di mamatay!" I shout.

"Hoy!" pinanliitan n'ya ako ng mata. "Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo?"

"I don't care! Basta give me back my phone!"

"Aish! Tigas talaga ng ulo mo." kinuha n'yang muli ang phone ko at ngingiti kong kinuha 'yon.

Lumabas na lang si kuya.

Nathan:

I want to but hindi na pwede, Tricia

-

Who's Tricia? Now, Im curious


To: Nathan

Wrong send ka, hindi ako si Tricia.

-

Nathan:

Fvck! Don't mind that.

-

Napataas ang kilay ko. O-kay? Sino ba si Tricia.

Gusto kong itanong yan sa kanya. Kaya lang ang iniisip ko, wala ako sa lugar para itanong 'yan sa kanya. I am only his friend.

Mga one week na ang lumipas pero walang Nathan ang nagpakita sa'kin. What's wrong with him?

"Kuya, Nagpunta na ba si Nathan dito?" tanong ko kay kuya.

Umiling lang s'ya at nagpatuloy sa pagkain.

Inis na napakamot ako sa aking batok. Lalabas na lang ako. Baka sakali makita ko s'ya.

"Hep, sa'n ka pupunta?" Asungot talaga 'to si Kuya.

"None of your business, Kuya! Hahaha. Ciao!" sinara ko agad ang pinto at mabilis na naglakad sa pasilyo ng hospital.

Tawagan ko na nga lang s'ya. Ipapaalam kong bukas na ako magpapa radiotherapy. Atleast may reason na ako para magpatuloy.

I dialed his number. Nagri ring naman.

Pero ring lang ng ring. Bakit ba hindi kita mahagilap Nathan? Sa'n ka na ba kasi?

"Nathan!" Napalingon ako sa may likod ko.


Agad akong napalingon baka sakaling si Nathan iyon.

Alam kong maraming Nathan, pero nagba baka sakali lang.

"Tricia, What are you doing here?" Kahit nakatalikod ang lalaki sa'kin alam alam ko na s'ya 'yon.

Lalapit na ako para gulatin s'ya ngunit nabigla ako sa sunod ng ginawa ng Tricia.

Then I realized, maybe the Tricia he was talking on the phone is her.

Para akong na estatwa ng makita kong mahigpit na niyakap ng Tricia si Nathan.

Masyado ba s'yang friendly at lahat na lang ng nakikita kong kasama n'ya ay puro babae.

Naramdaman ko na lang ang mga luha ko. Teka lang-teka lang, Bakit naman ako umiiyak?

Ano maman kung magkayakap sila?

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at agad na tumalikod.

Malapit na ito sa fire exit. At kahit kaunti lang ang nakikita kong tao, ay parang kaming tatlo lang ang nandito.

Galing ng eksena. Para akong nanunood ng teleseryeng sila ang bida at ako..wala lang..dakilang extra...


Saving for Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon