CHAPTER 20

Tama nga ang hinala ko. Sa airport ang tungo namin.

Bumaba kami at nagtungo sa departure area. What the?! Ano ba 'to?!

"Kuya. Ano bang ginagawa natin dito?" diing sabi ko. Sa halip na sumagot ay ngumiti lang ito.

Huminto ako at nag cross arms.

"Kuya."

"What? I'm just helping you lil sis." sabay lakad patungong entrance ng departure area.

Nag roll eyes lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

May sumalubong naman na dalawang lalaki na nakasuot ng black suit. Na akala mo ay men in black.

"Kuya!" sigaw ko. Mabilis akong naglakad at nang huminto ako ay inabot sa'kin ni Kuya ang passport ko.

"We're going to states, Niya."

Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi n'ya.

"Ano'ng gagawin natin do'n?" tiningnan n'ya ako at pinanliitan ng mata.

"Obviously, para do'n ka na magpatuloy ng gamutan. And 'wag ka na umatras. Andito na tayo"

Nanlamig ang buo kong katawan. What.Is.Going.On? Bakit sila nag decide without asking me. Then naisip ko maybe ito talaga ang gusto ni Mom. Kulang pa ba ang ginawa nya

Huminto ako. Tinitigan ko ang maleta at aking passport. Ayokong umalis. Ayoko.

"Tara na, nasa loob na sila Mom and Dad" aniya. Hinila ni kuya ang mga maleta namin. Ngunit nanatili akong nakatayo.

"Niya, Ano? Bilisan mo"

Umiling ako. Napakagat labi ako upang mapigilan ang mga luha ko.

"I'm sorry, Kuya." Mabilis akong tumalikod at tumakbo palabas ng airport.

May kailangan pa akong puntahan. May kailangan pa akong ayusin.

Nagpara ako ng taxi. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ayaw ko lang umalis. Kung ida-dahilan nila ang sakit ko para ilayo ako sa mga taong gusto kong makasama.

Kinuha ko ang phone at agad na tinawagan s'ya. Sana lang sagutin n'ya.

"Hello?" nagsimula nang mag unahan ang mga luha ko. Tama ba na tawagan ko s'ya? Tama ba na lapitan at kausapin ko s'ya.

Napatutop ako sa bibig ng ibaba n'ya ang tawag ko.

Ayaw na ba n'ya akong makausap? Mali ba na itinaboy ko s'ya nung mga panahong nagpa paliwanag s'ya? Mali ba ang naging desisyon ko?

"Kuya, balik na lang tayo ng airport."

Saving for Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon