CHAPTER 23

"Hey, Ayos ka lang?" Hindi ko napansin ang mga paulit ulit na tanong ni Nico.

"Umuwi na lang tayo, gusto ko na lang magpahinga" Alam kong makikita sa tono ko ang takot or what.

Basta! We really need to leave this place.

"Bakit ba?-"

Mabilis kong hinablot ang bag ko at hindi na ininda ang mga tanong ni Nico.

"Niya" mariin n'yang sabi.

Hinawakan n'ya ang pala pulsuhan ko at iniharap sa kanya.

"What now, Nico?"

"Bakit ba? Huh?"

Umirap ako at hinila ang kamay ko.

Tinalikuran ko na s'ya. Basta, gusto ko na lang umalis.

Nang hawak ko na ang door handle, ay ang paghagip ng mata ko sa pwesto n'ya-I mean nila.

Kasama ang babae kanina sa bathroom. 'Yung kinausap ako.

Masaya s'yang nakangiti sa babae. May sinasabi ang babae sa kanya. Inilapit n'ya ang sarili para marinig ito.

Parehas silang ngumiti sa isa't isa. Napahigpit ang hawak ko sa handle at mabilis kong itinulak 'yon upang maibsan ang mga nagbabadyang luha.

Bago ko maisara ng tuluyan, na traydor na ako ng mga luha ko. Damn it.

Saving for Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon