CHAPTER 5

"Iinom-inom di naman pala kaya" reklamo nya.

Ibinagsak nya ako sa kama. I'm half asleep.

"Hoy. Magpalit ka muna ng damit. Amoy alak ka"

Umikot ako sa kanan at niyakap ang unan na hinablot ko. Gusto ko nang matulog.

"Hoy, Shaniya, magbihis ka muna bago ka matulog" naramdaman kong hinila nya ako paupo pero nanatili lang akong nakapikit.

Hindi ko alam pero bigla akong napangiti.

"Ngiti ngiti ka pa d'yan. Maligo ka nga!" hinila nya ako patayo kaso dahil sa hindi ko kayang tumayo napabagsak ako sa sahig. Naramdaman ko na parang ang bigat.

"Hmm. I wanna sleep na"

Dumilat ako kahit pupungay pungay ang mata ko, tumambad sa'kin ang gwapong mukha-este-si Nathan.

Kahit medyo lasing ako, nagawa ko syang itulak at parang nawala ang kalasingan ko.

"Are you.. Fvck! What are doing!" I spat.

"Stupid. Magpalit ka na." then tinalikuran n'ya ako at binuksan ang pinto.

Umalis s'ya na para bang wala lang 'yon sa kanya.

Now, what was that?

"Pervert!" sigaw ko ng makalabas sya.

Shet! Di na ko iinom! Damn!


Agad akong nagtungo ng bathroom. Naghilamos ng paulit ulit. Shet! Shet!

"Hoy, 'di ka pa ba tapos d'yan?" narinig kong sabi nya mula sa labas.

Bwisit! Parang ayoko na tuloy lumabas!

Binuksan ko ang pinto at nakita ko s'yang may inilagay na baso sa table. Tinignan ko s'ya.

"Inumin mo 'tong honey juice para mawala yang kalasingan mo." pagkatapos n'yang sabihin yun ay pumasok na s'ya sa bathroom.

Ininom ko naman ang honey juice. Pagkatapos ay naupo muna ako sa bed. Kinusot kusot ko ang mata ko. Inayos ko na ang hihigaan ko, sa sofa sya matulog! Bahala s'ya!

Mga ilang minuto ako nag online. Narinig ko ang pagsara ng sliding door ng bathroom, kaya't napatingin ako.

Agad akong nag iwas ng tingin ng makita kong medyo magulo ang buhok n'ya at talaga naman!

Okay, I find it attractive, hindi naman maikakaila na gwapo

Pero kahit na!

Napalunok ako ng makita ko s'yang naglakad papuntang bed.

"Sa sofa ako matutulog. Magtulog ka na rin." then kinuha n'ya ang isang unan.


Ilang ulit na akong paikot ikot sa kama pero hindi pa rin ako makatulog.

Medyo dim sa room dahil lampshade lang ang gusto kong nakabukas. Umuulan din sa labas nung sumilip ako kanina sa balcony.

"Hindi ka ba makatulog?" napadilat tuloy ako ng marinig ko s'yang nagsalita. Nilingon ko s'ya dahil sa may kanan ko lang ang puwesto n'ya.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog. And there's a part of me na natatakot dahil It might be my last breathe.

"I'm scared, Nathan." bigla na lang akong napabahing at nang kapain ko ang noo ko, sobrang init ko. Kaya pala todo kumot ako kanina kahit mahina lang ang aircon.

Tumayo si Nathan at binuksan n'ya ang ilaw.

Pumikit ako at para akong lamig na lamig kahit in-off na n'ya ang aircon.

"May lagnat ka. Sakitin ka talaga" sabi n'ya matapos n'yang kapain ang noo ko.

Kumuha s'ya ng face towel sa maleta, pagkatapos n'yang basain, inilagay n'ya ito sa noo ko.

"Hintayin mo na lang ako," and with that lumabas s'ya ng room.

Muli akong pumikit.

Napamulat ako ng mata ng marinig ko ang pagsara ng pinto.

"Uminom ka muna ng gamot" sabi niya. Naupo sya sa dulo ng kama kaya't kinuha ko ang face towel at umupo ako. Iniabot n'ya sa'kin ang gamot at tubig. Mabilis ko itong ininom at humiga akong muli.

Tumagilid ako at pinilit kong makatulog.

Nagising ako at ng tingnan ko ang oras sa phone ko at 6:15 am na. Bumangon na ako ngunit wala na si Nathan. Napahawak ako sa ulo ko dahil bigla itong sumakit.

Bumukas ang pinto at pumasok si Nathan na may dalang isang tray ng pagkain.

"Gising ka na pala" lumakad s'ya at inilapag sa table ang tray. Muli nyang kinapa ang noo ko. "Wala ka ng lagnat pero kailangan mo pa rin magpahinga" tiningnan ko s'ya habang inilalapag n'ya ang tray sa kama.

"Kumain ka na rin" Napatingin ako sa isang spoon ng sopas na hawak n'ya.

Wait? Susubuan n'ya ako?

"Kaya ko na." Akma kong kukunin ang spoon ngunit nagsalita s'ya.

"Ako na," Wala akong nagawa kundi ang hayaang sya ang magpakain sakin. Hindi ako makatingin sa kanya

Saving for Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon