CHAPTER 29
Ilang minutong katahimikan ang naganap habang parehas kaming nakaupo dito sa damohan.
Pakiramdam ko okay ang lahat. Parang katulad lang ng dati.
"Kumusta ka na pala?" Nilingon ko siya. Huminga ako ng malalim bago sumagot.
"Hindi ko alam kung okay ako," aniya ko.
Tumingala ako para tingnan ang butuin.
Ramdam kong nakatingin si Nathan sa'kin.
"Nalaman kong alam mo na ang totoo," Napatingin ako sa kanya at nanatili s'yang nakatingin sa'kin.
"Ano'ng..sinabi mo?" Kunot noo na tanong ko.
Marahan n'yang hinawakan ang kamay ko na nakapatong lang sa unan na dala ko.
"I'm so sorry," saad n'ya.
"Teka lang," Hinila ko ang aking kamay na hawak n'ya.
Nagsimulang bumilis ang tibok ng aking puso. Naguguluhan talaga ako sa mga sinasabi n'ya.
"Ano ba ang alam mo?"
Hindi agad s'ya nakasagot.
Huminga s'ya ng malalim at tiningnan ako sa mga mata. Para bang ang lalim ng tingin n'ya sa'kin. Hindi ko rin maipaliwanag ang kaba na bumabalot sa aking katawan.
Ano'ng alam n'ya? Ano'ng sinasabi n'ya?
"Hindi kita maintindihan, Nathan." umi-iling na pahayag ko.
"Alam kong alam mo ang tinutukoy ko. Alam ko rin noon pa ang patungkol d'yan."
Pagak akong tumawa.
"Matagal mo na alam? Bakit, bakit hindi mo sa'kin sinabi?" Mariin akong napapikit. "So, all this time, kasama ka nila na niloko ako, na pinaniwala ako. Akala ko, kakampi kita noon, Nathan." Tumayo ako at gano'n din s'ya.
"Kinausap ako ng Mommy mo. Ayaw n'ya kasi-"
"Stop it!" umawang ang bibig n'ya. "Ayoko na makinig sa mga paliwanag n'yo. Umalis ka na lang, Nathan." pinipigilan kong 'wag maiyak dahil alam kong any moment maiiyak ako.
"Pero Shaniya, I want to help you."
"Hindi ko kailangan ng tulong mo. Umalis ka na lang, please."
Bumagsak ang balikat n'ya at para bang nanghihina ang buo kong katawan ng makita ang reaksyon n'ya.
"Sorry,"
"Huwag ka na mag sorry, kasi kahit mag sorry ka, hindi na mababago ang lahat. Hindi na, Nathan." tumalikod ako sa kanya at pumasok ng aming bahay.
Ang akala ko kahit s'ya, hindi ako lolokohin.
BINABASA MO ANG
Saving for Tears (COMPLETED)
Teen FictionCREATING HAPPY MEMORIES A short but meaningful story of a girl who wants to live more. Find more about her story by reading this novel. All Rights Reserved