CHAPTER 32

Malalim na paghinga ang pinakawalan ko ng paulit-ulit.

Matatanaw mula rito sa taas ang kagandahan ng buong resort.

Pinakawalan ko ang lahat-lahat bago ko napag-desisyon-an na umalis.

Pinili ko ang lumayo. Pinili ko ang magsimula ulit.

It's been three long years way back then. I am currently taking up my doctor's order. For me to get feel better.

Marami ang nagbago sa tatlong taong nagdaan.

And I'm getting there.

"Miss Shaniya, pinapatawag po kayo ni Sir Aron."

Lumingon ako sa pinto, nakatayo roon si Candy. Tumango lamang ako bilang tugon.

Muli kong tiningnan ang buong resort at sumunod kay Candy.

"Ano raw ang kailangan n'ya, Candy?" lumingon ito sa'kin.

"May idi-discuss raw s'ya sa'yo, Miss."

Napa-buntong hininga ako.

Here we go again. Mukhang alam ko na.

Nauna akong pumasok sa office ni Kuya. Ang magaling kong kapatid, President na ng aming Hotel.

"What is it, Kuya." Naupo ako sa sofa. Feel na feel n'ya ang pag upo sa swivel chair n'ya.

"It's Mr. President. Hahaha." Kita n'yo?

"Kuya." Seryoso ko s'yang tiningnan.

"Fine. Fine." Umayos ito ng upo. "Alam mo naman may kailangan akong i-attend na biggest meeting in Canada. So, I want you to be an acting President habang wala ako." proud na sabi nito.

What the?

"Seryoso, Kuya? Ako talaga?"

"I'm serious, Shaniya. Tutulungan ka naman ni Ms. Garcia para malaman mo and Dad is here too. Busy nga lang sila ni Mom. Haha."

Mas mabigat na trabaho ito

"Fine. Mr. President." Tumayo ako at balak ng lumabas ng magsalita si Kuya.

"Don't worry, ipapatawag ko ang inspirasyon mo." Hindi na ako lumingon at lumabas na.

. . .

Ito ang unang araw ko bilang Acting President. Aaminin ko na talagang nakaka-frustrate kasi sa'yo magmumula ang final decision. Thus, a responsibilities await.

Bumukas ang pinto at pumasok si Candy na animo'y namumula ang pisngi.

"Miss, Narito na po ang Architect na pinadala ni Sir Aron."

"Papasukin mo, Candy." aniya ko.

Bigla akong nakaramdam ng kaba at excitement. Hindi ko alam pero parang ang odd ng feeling ko.

Saving for Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon