CHAPTER 18

Nagmulat ako ng mata pero ramdam ko ang pananakit ng katawan ko. Hindi ko alam kung ilang araw akong tulog.

Inilibot ko ang aking paningin sa kwartong ito.

Masaya nila akong nilapitan. The therapy was succesful sabi nila.

Lahat sila masaya at nasisiyahan dahil sa pagpayag kong ito.

Hinahanap ng aking paningin si Nico, lalo na si Nathan. Nang maalala ko na hindi na pinayagan ni Mom na lumapit pa s'ya sa'kin.

Ramdam ko ang pangingilid ng mga luha ko.

Ngumiti ako ng peke para ipakitang masaya lang ako sa resulta.

Masaya akong unti-unting okay na ako. Pero ang dahilan ng pagiging okay ko, ay wala.

Three days na akong nagpapahinga, pero walang Nathan talaga ang dumalaw.

Nagising ako bigla dahil para akong na alimpungatan.

"Kumusta ka na?" Unti-unti akong napangiti ng makita ko s'ya sa aking paningin.

"O-Okay na ako"

Nakita ko ang pag ngiti n'ya. Pinagmasdan ko ng maigi ang mukha n'ya. It might be my last to see him smile. Sana hindi.

"Matagal na kitang hinihintay. Bakit ngayon ka lang?"

Unti unting nawala ang mga ngiti n'ya.

"Nathan, ikaw ang naging dahilan kung bakit ako nagtiwalang kaya ko.."

"Sorry," lumuhod s'ya para magka-level kami dahil hindi pa ako puwedeng bumangon.

"Don't say sorry, Nathan. Babalik ka naman ulit 'di ba? Kaya kong suwayin si Mom, basta 'wag mo lang ako iiwan," malungkot na wika ko.

"Tama ang Mommy mo, Niya. Hindi ako nakakabuti para sa'yo"

Umiling iling ako at ramdam ko ang pananakit ng puso ko. Masakit marinig 'yun.

"No, Mommy's wrong. Ikaw kaya nagpatatag sa'kin. Ikaw kaya nagsabing kaya ko kahit pinanghi hinaan na ako ng loob. No, Nathan, don't do this. Mahal kita" now umiiyak na ako. Alam kong bawal pa ako sa mga ganitong emosyon. But I can't.

"Sorry," hinawakan n'ya ang kamay ko at hinalikan. "I feel the same way, pero-"

"Stop it! They're wrong. 'Wag mo lang akong iwan at lalaban ako. Please? I'm begging you, just please stay," I plead.

Umiling s'ya at binitiwan ang kamay ko.

"Babalik ako 'pag ayos na ang lahat. 'Pag tanggap na nila ako"

Saving for Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon