1: MIKHAEL AND AMALIAH'S LIFE

2.9K 30 1
                                    

Third Person POV: MIKHAEL'S BACKROUND

Nanirahan si Mikhael sa States after niyang magtapos sa Elementary, napagdesisyonan ng kanyang ama na itransfer muna si Mikhael sa States upang doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa Junior High. Matapos ang apat na taon ay muling bumalik si Mikhael sa bansa dahil kinakailangan nilang umuwi dahil kinakailangan ang Daddy niya sa kanilang kompanya.

-----

Nang malamang uuwi sina Mikhael ay agad namang gumayak ang kanyang mga grandparents upang salubongin sila sa Airport. Mikhael grew up with a kind and understanding heart, smart, handsome and very down to earth na tao. Hindi ito maikakaila sapagkat ang kanyang mga magulang ay binibigyan siya ng sapat na atensyon kahit gaano man sila kabusy.

AT THE AIRPORT.

"Apo!" Sigaw ng lolo ni Miks at tila nasasabik na itong mayakap ang Apo.
"Apo!, dito." Sigaw naman ng kanyang lola sa tabi ng kanyang lolo.

Agad naman itong nakita ni Miks at sinabihan ang mga magulang habang nagwwave ito sa mga grandparents niya.

"I miss you so much, lolo at lola." masayang saad ni Miks at agad na hinalikan ang mga ito sa pisngi.
"Naku apo, ang tangkad-tangkad mo na at sobrang gwapo mo rin". Saad ng lolo nito at nagmano at niyakap naman ni Kael sila.
"Kanino pa ba magmamana kung hindi sakin Dad." Pagmamayabang na pabirong sabat naman ng ama nito.
"Oh siya, kain na muna tayo dahil paniguradong gutom na ang pinakamamahal kong apo." Aya naman ng lola nito.

"Right mom, hindi na nga siya nakakain kanina dahil excited siyang makita kayo ulit." Sagot naman ng ina nito habang natatawa pa.
"Let's go, at doon nalang tayo magkwentuhan" pagsang-ayon naman ng lolo nito.

Mahaba-habang kwentuhan sa pamilyang Lim dahil apat na taon din silang hindi nakakapag-usap ng personal at ginamit nila ang oras na ito upang makapagcatch-up.

Third Person POV: AMALIAH'S BACKROUND

Nakatira sa isang nakapaganda at napakalawak na mansyon si Maliah ngunit ang mga katulong at driver lang nila ang madalas niyang makasama sa bahay. Sapagkat ang kanyang mga magulang ay laging abala sa trabaho at madalas din ang mga meetings kaya madalang lang silang magkakasama.

-----

Dahil sa ganitong sitwasyon niya, ay siyang paghahanap ng atensyon mula sa mga magulang niya, kahit pa malapit ang loob niya sa mga katulong ay iba parin para sa kanya ang pagmamahal na galing mismo sa mga magulang. Noong bata siya laging may oras ang mga magulang niya sa kanya ngunit sa paglago ng kanilang business ay madalas na nakakalimutan nila ang responsibilidad sa kanilang anak.

Ito rin ang dahilan kung bakit siya naging bully sa school dahil nais niya ng atensyon.

AT THE ARCETA'S MANSION.

"Manang, wala pa po ba sila dad?" Malungkot na tanong nito.
"Wala pa po, ma'am. Pinapasabi kanina ng dad niyo na baka gabihin na sila makakauwi" paliwanag ng katulong.
"Okay, sige. Huwag niyo muna akong kakatukin sa kwarto manang, matutulog na po ako." Sambit naman ng dalaga.
"Ma'am, hindi na po ba kayo kakain?" Tanong ng katulong.
"Hindi na po, wala po akong gana. Kaninin niyo nalang po yang inihanda niyo, tawagin niyo narin ang mga drivers." saad nito at agad nang umalis.

Kahit na bully sa school si Ali ay may galang pa rin ito sa mga nakakatanda sa kanya sapagkat magaan ang loob niya sa mga katulong sa bahay dahil sila lang naman ang nakakakilala sa kanya ng mabuti.

-----THE NEXT DAY-----

Michael and Amaliah are both incoming Senior High this School Year and they both enrolled for Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM). They enrolled at the most famous school in Manila owned by the Lim family but no one knows about it dahil kakabili lang ng pamilyang Lim ang paaralan last year at nais nilang maging private muna ito.

HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon