--FIRST DAY OF EXAM--
Maagang pumasok ang mga mag-aaral para makapaghanda na rin sa pagtake ng kanilang exam ngayong araw. Lahat ay abala sa pagrereview at pagbabasa sa kanilang mga notes habang wala pa ang guro.
Dumating na nga si Kael at nakita niya ang pito na nagrereview sa isang sulok ng kanilang classroom. Lumapit siya at binigyan sila ng tig-isang Choco Mucho.
"Good morning guys, here good luck gift ko." Agad niyang inabot isa-isa ang Choco Mucho at nagpasalamat ang mga ito sa kanya.
Sampo ang laman ng isang box na dala niya kaya binigan niya ito kay Ali.
"Ali, sa'yo na rin tong extra na dalawa." Saad ni Kael na ikinagulat ni Ali habang pinipigilan ang sarili na mamula.
"Pre, akin na lang yung isa hihi." Sabi naman ni JR.
"Luhh si epal, mahiya ka nga!" Singit ni Aud kay JR kaya napatawa ang anim.
"Nanghihingi lang naman ako eh." Sumbat ni JR kay Aud habang nagpapaawa.
"Unfair mo pre, mas matagal mo na kaming kilala tas si Ali pa bibigyan mo ng extra." Pagbibiro naman ni Nico kaya mas lalong pinigilan ni Ali ang mamula.
"Tatlo yun pre ha, "Goodluck, my Ali" ba ibig sabihin non?" Pangbibiro rin ni Gian kaya nagulat si Kael at namula ng kaunti ang mukha nito.
"Kung bibigyan ko kayo, d-dalawa lang yun t-tsaka tatlo kayo eh no? Edi magtatampo yung isa." Pagdedepensa ni Kael habang nabubulol pa dahil bumilis ang pagtibok ng puso nito.Tahimik lang namang nakikinig si Ali sa bardagulan ng mga ito habang napapangiti ng lihim dahil sa binigay sa kanya ni Kael.
"Thank you, Lim!" Nagpasalamat ito sa kanya habang nakangiti.
Napangiti si Kael dahil sa matamis na ngiti ng dalaga dahil ngayon niya lang nakita na ganito siya ngumiti. Napatingin siya mga mata nito at napagtanto ang napakainosenteng mga mata niya.
"Wala yun, tuloy na tayong magreview." Pag-iibang usapan ni Kael kaya nagreview nalang ulit sila.
Tumabi na rin si Kael sa tabi ni Ali dahil sila ang magiging magkatabi mamaya base sa seating arrangement ng kanilang guro.
----
Paglipas ng ilang minuto ay dumating na ang guro at agad silang nagsimula sa exam.
"Good luck, Kael!" Sabi ni Ali habang nakangiti.
"Good luck, Ali!" Sagot din ni Kael at ngumiti.Nagsimula na nga ang lahat sa pagsagot sa kanilang test papers dahil isang oras lang ang ibinigay sa kanila sa bawat subject at out of 100 items din kasi ito.
---
Tapos na sila sa dalawang subject at oras na ng kanilang recess kaya agad na nagkumpulan ang walo sa isang sulok.
"Kamusta guys? Kasi ako mahihimatay na." Agad na pagbubukas ng usapan ni Aud.
"Hayss ako rin, lalo na sa identification muntik nako mamental block." Saad naman ni Sie na kinasang-ayonan din nila JR at Mav.
"Nakakatamad magsulat ng tatlong essay lalo na yung isa 30 points ba naman yun." Pagbabahagi rin ni Mav na kinasang-ayonan rin ni Nico.
"Kayo? Kael at Ali?" Tanong nila sa dalawa.
"Ahh, ok lang naman." Sagot ni Kael.
"It's fine, nakakalito lang pero ok lang din." Sagot naman ni Ali.
"As expected guys HUHU, kami mahihimatay na." Pagrereklamo ni Sie kaya tinawalan nila ito.Nagpatuloy na rin sila magreview sa natitira pang oras para sa tatlo pang susunod na subjects ngayong araw.
Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating na ulit ang guro.
"Please come inside everyone, we're going to continue your exam." Saad ng guro at nagsipasukan na ang lahat sa loob.
Mabilis na lumipas ang oras at natapos na rin ang unang araw ng kanilang pagsusulit. Lahat sila ay napahinga ng malalim dahil sa wakas ay natapos na ang kalahati nito. Nagsiuwian na rin ang lahat pagkatapos ng exam.
BINABASA MO ANG
HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORY
RomanceMikhael Abraham Lim (Mikha) who came from a rich and famous family in the Philippines wherein he will pretend to be poor as a transferee for the upcoming School Year. Amaliah Quinn Arceta (Aiah) who also came from a rich family who always bullies pe...