Ilang araw ang lumipas ay naging mas malapit sina Kael at AJ ulit. Habang si France naman ay pinipilit ang sarili nito kay Ali.
"Kael, sabay tayo mamaya magluch." Pag-aaya ni AJ kay Kael.
"Sure." Sagot nito kaya napangiti si AJ.Marami na rin ang nagbago kay AJ at ibang iba na siya kumpara noong mga bata sila. May magpaattitude na rin ito tsaka mukhang masungit sa iba.
Sabay silang pumasok sa kanilang silid dahil nagkasabay silang dumating kanina. Pagkadating nila ay nadadtan nila ang dalawa na magkausap.
"Ali, let's eat together later and don't worry it's my treat." Pag-aalok ni France.
"No, thankyou." Pagtanggi ni Ali.Nakita naman ng anim na paparating na si Kael kaya lumapit sila sa upuan nila Ali upang ayain sila kumain mamaya.
"Kael, kain tayo mamayang lunch sa labas. May sasabihin ako." Nakangiting aya ni Gian na parang excited na itong sabihin.
"I'm sorry but we'll eat together later." Pagsingit na ani ni AJ tsaka hinawakan ang braso ni Kael.Napansin ito ni Ali at napatingin sa kamay nito.
'Tangina, ang landi.' Saad ni Ali sa kanyang isipan at inirapan nalang ito. Napansin ito ng anim kaya pinilit nila si Kael.
"Sama kana Kael, tagal na rin 'nong huli tayong lumabas." Pangongonsensya ni Mav.
"Hindi ka ba excited sa sasabihin ni Gian, hmm?" Pambibitin ni Sie kay Kael.
"Magtatampo na talaga kami 'pag di ka sasama." Pangongonsensya na saad din ni Nico.
"Ali, sama kana dali. Promise magugulat ka HAHAHA." Pag-aaya rin ni Gian kay Ali.
"Sige, G!" Sagot ni Ali habang nakangiti.
"Ano Kael? Hindi ka sasama?" Tanong ulit ni Aud kay Kael habang nagiisip pa.
"Hayaan niyo na 'yan kung ayaw sumama, nagbalik lang yung dati niyang bff ganyan na ugali." Seryosong bitaw ni Gian at nagtatampo na sa kaibigan.Nakonsensya si Kael dahil ngayon nalang ulit mag-aya ang mga kaibigan nito. Tsaka may sasabihin pa si Gian na importante tas kung hindi ito sasama ay hindi sila kompleto.
"Wait! Kakausapin ko lang si AJ." pahabol ni saad ni Kael kaya napahinto si Gian.
"Huh? What do you mean?" Iritang tanong ni AJ kay Kael.
"I'm sorry pero pwede next time nalang? Bawi nalang ako sa susunod." Pagbawi ni Kael sa lunch nila ni AJ.
"Tsk. Fine!" Nagdabog pa ito bago umalis at inirapan ang mga kaibigan nito.Pagkaalis ni AJ ay bigla namang sumingit si France na kanina pa nakikinig sa usapan nila.
"Wow ganyan kana Ali. Pag sila G ka agad tas pag ako tanggi agad." Pagtatampong saad ni France kay Ali.
"Bakit sino ka ba sa tingin mo?" Galit na sambit ni Sie.
"Parang others amp, ok lang sana kung pati ako inaya niyo." Dugtong na saad nito.
"Teka lang! FYI, ulitin ko lang ha baka kasi nabingi ka. Sino ka ba sa tingin mo? Close ba tayo ha? Epal na putanes 'to." Pagtataboy ni Mav sa kanya kaya umalis itong bwisit na bwisit.Natawa nalang ang lahat lalong-lalo na ang anim dahil mission success sila na paalisin ang dalawang epal na 'yun.
"Oh guys, wala na 'yung epal na dalawa. Siguro naman?" Aud cleared her throat as they laugh even more.
"Papangit ng mga ugali buset." Irita paring saad ni Sie at agad din silang nagsibalikan sa upuan nila.---LUNCH TIME---
Sabay-sabay na umalis ang walo at pumunta sa malapit na restaurant sa kanilang school. Nakarating na sila kaya at nagorder na rin kaagad.
BINABASA MO ANG
HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORY
RomanceMikhael Abraham Lim (Mikha) who came from a rich and famous family in the Philippines wherein he will pretend to be poor as a transferee for the upcoming School Year. Amaliah Quinn Arceta (Aiah) who also came from a rich family who always bullies pe...