Dalawang linggo nalang ang natitira bago ang 1st Exam kaya lahat ay kabado na dahil ito ang unang exam nila bilang Senior High. Hindi pa alam ng mga mag-aaral kung paano magpaexam ang mga guro dito sa Senior High kaya mas lumalala pa ang kaba nila.
Saktong dumating naman ang guro kaya lahat ay nagsitahimikan na. Alam na ng guro kung ano ang iniisip ng mga estyudyante nya kaya nagannounce na ito para makapaghanda-handa na rin ang mga ito.
"Ok class, I know all of you are worrying about the incoming exam so chill lang kayo guys. Hindi naman ito mahirap basta nakapagreview kayo ng mabuti sa mga iba't ibang subjects niyo." Panimula ng guro na siya namang kumuha sa atensyon ng lahat.
"A little reminder lang class, 40% ang exam sa grade niyo kaya magreview kayong mabuti. And I'll send later lahat ng mga powerpoint natin para makapagsimula na kayo."
Dagdag ng guro at pagkatapos nitong magsalita ay agad namang nagusap-usap ang mga mag-aaral.Nagsitanguan naman ang mga ito habang nagpapaliwanag ang guro at tinandaan ang bawat detalye na kanyang sinabi.
--AT THE BACK'S POV--
"Ano ba yan, nakakatamad magreview." Pagrereklamo ni Aud at napadabog pa.
"Tala gala nalang tayo mamaya bago tayo mastress sa pagrreview." Pag-aaya naman ni Mav.
"Goo, kayo sama kayo?" Pagsang-ayon ni Sie kaya inaya niya na rin ang tatlo.
"Ang hina niyo, ayain niyo yung dalawa para maggroup study. Para may tutor tayo." Pagrerekomenda naman ni Nico kaya napaisip ang lima sa sinabi nito at halatang gustong-gusto nila ang opinyon nito.
"Oo nga no? Para makapagbonding at makapag-aral na rin tayo both." Saad naman ni Gian.
"Pero naiisip niyo ba ang naiisip ko?" Nakangiting patanong ni JR na siyang dahilan para mapaisip ang tatlo.
"Shempre hindi, hindi naman namin utak yan!" Panirang trip naman ni Nico.
"You know the ship things hihi." Nakangiting sabi ni JR habang kinikilig-kilig pa.
"Gooo, kami na bahala kay Ali." Pagsang-ayon naman ni Mav.
"Kami na rin bahala kay Kael." Sabi naman ni Nico kaya agad na nagapiran ang tatlo.
"For Mikhaliah!" Pabulong na sabi ng anim habang nakayukong magkakayakap.Masayang nagkasunduan ang anim at nagplano na naman ng palihim para sa dalawa nilang kaibigan. Nagpplano na rin ang mga ito kung paano nila gagawin ang kanilang plinaplanong group study with the Mikhaliah kaya mas lalo pa silang naexcite.
--ALI'S POV--
Nakita ni Ali na abala si Kael sa kanyang cellphone kaya napatanong ito.
"Lim, anong ginagawa mo?" Tanong ko kaya napatingin si Kael.
"Ah wala, cinocompile ko lang yung mga notes and lessons natin." Sagot naman ni Kael at itinuloy ulit ang ginagawa.
"Kumpleto ba yan?" Tanong ko ulit.
"Hindi nga eh, yung ibang subjects kulang pa kaya hihintayin ko nalang yung mga isesend ni Ma'am." Sagot naman ni Kael.
"Kung gusto mo hati nalang tayo. Kumpleto yung notes ko pagcompile'n nalang nating lahat ng notes natin sa docs." Pagboboluntaryo ko ulit para mas mapabilis ang paggawa ko ng reviewer dahil kung magisa lang ako siguradong mabibitin ako sa oras.
"Okay. Hati nalang tayo sa subs para makapagprint at review na tayo." Sagot naman nito kaya napangiti nalang ako.Matapos makapag-usap ang dalawa ay sinimulan na rin ni Ali ang pagcompile sa lahat ng notes niya sa cellphone and sa binder niya.
-------
TIME SKIPS...
Uwian na kaya nagsilapitan ang anim sa dalawa para ayain sa group study na plinaplano nila.
"Uyy, tara group study." Pag-aaya ni Mav habang patango tango naman ang lima para mapapayag ang dalawa.
"Sige na,payag kana Ali. Para matutor mo na rin kami hihi." Singit na sabi naman ni Sie.
"Pre, halikana. Ngayon lang kami magrequest sa'yo." Pag-aaya naman ni Nico sabay akbay kay Kael.
BINABASA MO ANG
HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORY
RomanceMikhael Abraham Lim (Mikha) who came from a rich and famous family in the Philippines wherein he will pretend to be poor as a transferee for the upcoming School Year. Amaliah Quinn Arceta (Aiah) who also came from a rich family who always bullies pe...