Nasa gym ngayon si Kael dahil makikipagcoordinate pa ito tungkol sa incoming SH prom night. Tumakbo kasi si Kael noon bilang SSG President at nanalo ito kaya siya ang in charge sa event na ito. Sumama rin ang tatlo niyang kaibigan dahil bored din sila sa classroom.
Sumunod at laging sumusulpot naman si AJ kahit saan magpunta si Kael at palagi itong nagpapapansin. Mas malala na ang ugali nito kumpara noon dahil kung anong gusto niya dapat makuha niya.
Sakto namang nakita niya si Kael na papalabas sa silid ng gym kaya linapitan niya ito.
"Kael, can you be partner sa Prom Night?" Malandi nitong tanong.
"I'm sorry pero may date na'ko." Paumanhin na sagot ni Kael.
"Who? That Ali girl na naman ba?" Mataray nitong tugon.
"Yeah. So can you please stop pushing yourself too much to me?" Request ni Kael dahil lagi nalang siyang sinusundan nito.
"Hell no way!" Sigaw nito kaya iniwan nalang siya ni Kael.Pumunta na si Kael sa mga kaibigan nito na abalang naglalaro ng basketball sa court at iniwang mag-isa si AJ. Bwisit na bwisit si AJ dahil palagi nalang si Ali ang pinipili ni Kael.
'Prepare yourself bitch. Hindi ko hahayaang hindi ko makasayaw si Kael.' Bulong nito sa kanyang sarili habang nagpplano ng masama kay Ali.
.......
"What did she say to you?" Curious na tanong ni Nico.
"She asked if I can be her date." Sagot nito na ikinangisi ng tatlo.
"Obsessed na rin, haynaku. Bagay talaga sila ni France." Biro ni Nico na ikinatawa nila.
"Obsessed couple HAHAHAHA." Dugtong na biro ni JR.Kating-kati lagi kasi si AJ na makausap ng solo si Kael kahit na abala si Kael sa mga ginagawa niya ay bigla-bigla nalang itong susulpot. Kahit na malayo na ang upuan nito kay Kael ay lagi pa rin siyang nagpapansin.
Ito rin ang dahilan kung bakit umiiwas si Kael dahil hindi siya nagiging komportable sa mga ikinikilos o ginagawa ni AJ sa kanya.
...........
"By the way, can you do me a favor?" Seryosong hiling ni Kael sa mga kaibigan habang naglalakad sila.
"Yeah, sure. Matik yan!" Sagot ni JR.
"Pwede niyo bang bantayan si Ali sa Prom Night? Mukhang may binabalak kasi si AJ." Request nito sa mga kaibigan.
"Bakit?" Mausisang tanong ni Gian.
"Basta, may surprise kasi ako. You'll know nalang." Pabitin nito kaya nagpupumilit ang tatlo na sabihin na niya sa kanila.
"Eto si pabitin, sige na nga." Sukong ani ni Nico kaya tinawanan nalang sila ni Kael.Sakto naman ang dating nila dahil nakarating na rin sina Ali. Lumabas kasi muna sila, pambawi sa ginawa nila nong nakaraan na pagdadahilan.
-----------
--PROM NIGHT--
Maaga munang dumating si Kael sa School para ayusin ang venue. Tumulong na rin siya sa pag-aayos para mas madali itong matapos. Madali lang nila itong natapos dahil nasimulan na nila ito kahapon pa dahil tumulong din sina Ali kahapon sa paghahanda sa venue. Kaagad ding umuwi si Kael para mag-ayos dahil alas sais ay magsisimula na kaagad ang program.
--LIM'S MANSION--
Habang abalang nag-aayos si Kael ay dumating ang kanyang Lolo sa kanyang kwarto.
"Ang gwapo naman ng Apo ko, manang-mana talaga sa'kin." Puri ng kanyang Lolo dahil sa angking gwapo ng kanyang Apo lalo na't nakasuot ito ng Navy Blue Tuxedo with Black Shawl Slim Fit and Navy Blue Vest with Black Bow Tie along with his Shiny Black Leather Shoes.
"I agree Lo, secret lang natin baka marinig ni Dad." Natatawang biro ni Kael kaya napatawa rin ang kanyang Lolo.
"Oh are you ready na ba apo? Goodluck, I hope good news hmm?" Tanong ng kanyang Lolo kaya biglang kinabahan si Kael.
"I'll try my best Lo. I hope for a success result." Tugon nito sa kanyang Lolo at huminga ng malalim habang hawak hawak ang kanyang blazer.
"Kaya mo 'yan, Apo!" Bitaw ng kanyang Lolo kaya napayakap ito.
BINABASA MO ANG
HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORY
RomanceMikhael Abraham Lim (Mikha) who came from a rich and famous family in the Philippines wherein he will pretend to be poor as a transferee for the upcoming School Year. Amaliah Quinn Arceta (Aiah) who also came from a rich family who always bullies pe...