4: KAEL AND ALI'S CONSCIENCE

745 18 0
                                    


TATLONG ARAW NA ANG NAKALIPAS...

Hindi pa rin sanay si Kael na may kaaway dahil mula pagkabata ay tinuruan siya ng mga magulang kung paano maging mabuti sa kapwa.

Mabigat parin sa loob ni Kael dahil sa pagtaas ng boses nito sa babae at hindi lang yun, hinusgahan niya rin ito kaagad kaya humantong sila sa ganon.

Sa kabilang banda, hindi rin makatulog ng maayos si Ali dahil sa pambubully at pagpapahirap niya sa kanyang katabi na si Kael. Lalo na't sinasabihan niya rin itong mahirap at ito ang rin ang dahilan kung bakit ayaw niyang tantananan si Kael dahil alam niyang ang pagiging mahirap nito ang kanyang kahinaan.

Dahil lunes na rin naman bukas, napagpasyahan ni Kael na kausapin si Ali bukas at humingi ng tawad sa huli nitong inasal. Ganoon rin si Ali, napagdesisyunan niya ring kausapin si Kael sa nangyari at humingi ng kapatawaran.

------

Habang naglalakad-lakad ang magkakaibigan sa mall, may nakita si Kael na plushies at agad na bumili ito para pang peace offering nito kay Ali bukas dahil lunes na kinabukasan at may pasok na ulit.

"Kael, ano yan?" Pagkukunyaring tanong ni JR sa kaibigan.
"Pang peace offering ko lang kay Ali, dahil alam ko na may mali rin ako." Napayukong sabi ni Kael.
"Yan, tama yan tol, hindi tayo pinalaki nila tita nang walang konsensya at pagmamahal sa kapwa." sabi rin ni Gian para mapagaan ang loob ni Kael.
"Hep, hep, hep! Baka saan pa magtungo yang pagmamahal na yan Gian ah, ikaw ha. Ginagamit mo si Kael para mapalapit kay Sie." Biro ni Nico para kahit kunti ay tumawa  ang kaibigan nilang nalulungkot ngayon.
"Wow! nagsalita naman ang may gusto kay Mav, tol pass sa halata, ok?" Banat na pabalik naman ni Gian para makabawi sa sinabi ni Nico.
"Oh ikaw JR, gusto mo rin si Stell no?" natatawang tanong ni Kael na kahit papaano ay nakakapagbiro na rin.
"Yan na yan ang hindi ko itatanggi Kael HAHAHAHA. Shhh lang baka makahalata sila." Nagtawanan naman ang magkakaibigan dahil sobrang rupok ni JR kay Stell.

-----
Naglalakad naman ang magkakaibigan sa daanan pagkatapos nilang makapagcoffee at may nakita si Ali na ibibigay kay Kael pangpeace offering na rin dito sa kabila ng mga ginawa niya.

Nang dahil sa nangyari, napagtanto ni Ali na mali ang ginagawa niyang pambubully sa ibang mag-aaral kaya laking pasasalamat nito kay Kael dahil naibalik nito ang ulirat niya.

"Wait lang guys!" Saad ni Ali.
"Bakit?" Tanong ni Sie.
"May bibilhin lang ako saglit" sagot naman ni Ali agad.
"Ano ba yun? Nang masamahan ka namin." Pagpresenta naman ni Mav dito.
"Wala may nakita lang akong pagpeace offering kay Kael." Agad na sagot naman ni Ali.
"Woahh!lumalayag ang ship ko!" Sigaw na sabi ni Stell dahil sa labis na tuwa.
"Tumahimik ka nga diyan Stell, pasalamat ka nga kay Kael nabalik sa ulirat tong si Ali eh" saad naman ni Mav na may seryosong mukha ngayon dahil sa ginawa ni Stell.
-------
"Tehh, maganda tong polo para dun sa nabasa at namantyahan na damit niya." Suggestion ni Sie kay Ali ngunit kanina pa niya ito nakita
"Oo yan din ang naisip ko. Wait bayaran ko lang 'to guys, mauna na kayo sa labas." Saad naman ni Ali at nauna na ngang lumabas ang tatlo.

Pinaunang pinalabas ni Ali ang tatlo upamg maglagay ng sulat na ilalagay sa loob ng Polo para hindi to basta-basta nahuhulog at ang nakalagay doon ay ang labis na pagsisisi at pasosorry ni Ali kay Kael sa huling inasta nito sa kanya.

But it doesn't mean na titigil na agad agad si Ali dahil naging hobby na rin niya ang mambully pero ang hindi niya maintindihan ay bakit nakokonsensya siya kay Kael at ibang iba ang dating ng pambubully niya kumpara sa mga dating nabully nito. Kaya napapaisip na lamang siya na baka dahil mahirap si Kael kaya ganito nalang ang impact sa kanya.

HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon