52: SPECIAL PART

905 21 13
                                    

Nang handa na si Ali na harapin at patawarin na si AJ ay nagpasama siya kay Kael para bisitahin ito sa kulungan.

"Love, can we visit AJ?" Tanong ni Ali.
"Why love? Are you ready to face her na ba?" Tanong ni Kael.
"Yes love, I just want to talk to her and I'm ready to forgive her since matagal na rin simula noong nakulong siya. Ayokong balutin ako ng sama ng loob sa iba." Saad ni Ali at napatango naman si Kael.
"Okay love, let's go?" Sabi naman ni Kael at agad na silang nagtungo sa kulungan kung nasaan si AJ.

Pagkarating nila roon ay napahinga naman ng malalim si Ali at kaagad namang napansin ito ni Kael kaya hiwakan niya ng mahigpit ang kamay ng asawa.

"Love, kaya mo po ba?" Pag-aalalang tanong ni Kael.
"Yes love, let's go." Sabi ni Ali at nginitian niya si Kael para mapanatag ito at mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ni Kael.

Agad ding tinawag si AJ at nakaupo na rin sina Ali at Kael at si AJ nalang ang hinihintay nila. Nang may pumasok sa loob ay nakuha naman kaagad ni AJ ang atensyon nilang dalawa kaya unti-unti siyang lumapit sa kanila. Ang laki na rin ng pinagbago ng itsura ni AJ at sobrang payat na rin nito ngayon.

"Miks? Ali? What are you doing here?" Mahina at nahihiyang tanong ni AJ sa mag-asawa.
"We are just here to visit you AJ and may sasabihin daw sa'yo si Ali." Pagbubukas ng usapan ni Kael at napatingin ito sa asawa at agad na hinawakan at hinaplos ang likod ni Ali.
"Okay, but can I speak first?" Paalam ni AJ at tumango naman ang dalawa.
"Miks, I'm sorry nabulag ako sa pagmamahal ko sa'yo. Marami akong nagawang mali sa'yo, sa inyo ni Ali at labis akong magsisisi para ron." Panimula nito at unti-unti ng nalalaglag ang mga luha niya.
"I'm sorry for everything I've done, once na makalabas ako rito I swear babawi ako sa inyo. Itatama ko lahat ng pagkakamali ko, babawi ako sa paraan na tama. Don't worry, nakapagmove on na'ko. Hindi ko na ulit susubukan na sirain kayo dahil ako naman talaga ang puno't dulo lahat ng mga problema niyo. Thank you for visiting me even though ganun ang ginawa ko sa inyo noon. " dugtong ni AJ at sobrang sincere ng paumahin nito at talagang galing sa puso niya. Hindi na rin niya napigilan na bumuhos ang kanyang mga luha.
"I'm sorry for hurting you multiple times AJ, ako ang may dahilan kung bakit ka nagkaganyan. I'm sorry dahil hindi ko talaga kayang suklian ang pagmamahal mo sa'kin dahil si Ali lang ang nilalaman ng puso ko. Walang may kasalanan dahil nagmahal lang naman tayo,it's just wrong timing lang." Paumanhin din ni Kael at tumango naman si AJ habang patuloy parin ang pag-agos ng mga luha niya.
"No Miks, it's not your fault nor Ali. Ayos na sana lahat kung una palang tinanggap ko na, ako ang gumawa ng mga bagay kung saan ako nakahantong ngayon. I'm sorry. Ali, I'm so sorry..." Saad ni AJ at napahawak sa isang kamay ni Ali.
"It's fine AJ, matagal na kitang napatawad. I hope in the future, mahanap mo rin ang taong par sa'yo at taong mas mamahalin ka higit pa sa maibibigay mo." Saad ni Ali habang nakangiti kaya napatango naman si AJ.
"A-ali, can I hug you?" Nahihiyang sambit ni AJ at pumayag naman si Ali kaya tumayo na AJ at ganoon din si Ali, binitawan muna ni Kael si Ali sa kamay.

Niyakap naman ni AJ ng mahigpit si Ali habang umiiyak pa rin ito sa sobrang pagsisisi at sa sayang nararamdaman niya.

"Thank you, Ali! Wishing the best for the both of you." Bulong nito habang magkayakap parin sila ni Ali.
"Please take good care of him, okay?" Saad nito ulit at tumango naman si Ali at hinaplos ang likod nito.
"Yes, don't worry! Thank you, AJ!" Tugon naman ni Ali at dahan-dahan na silang kumawalas sa pagkakayakap sa isa't isa.

Ilang saglit lang ay nagpaalam na sila dahil 30 minutes lang nila pwedeng kausapin ito. Niyakap din ni AJ si Kael for the last time at pumayag naman si Ali dahil nag-aalinlangan si Kael sa una. Masaya at walang bigat sa damdamin silang umalis.

HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon