--GENDER REVEAL--
Inasikaso lahat ng mga kaibigan nila kasama sina Pat at Matt sa paghahanda ng Gender Reveal para mamaya. Nandun na rin ang mga pamilya nila at tumutulong na rin sila dahil maging sila ay hindi pa alam kung ano ang gender ng kauna-unahang apo nila. Sina Mavis at Nico palang kasi ang nakakaalam.
Ilang saglit lang ay dumating na sina Kael at Ali, medyo malaki na rin ang tyan ni Ali at halata na ito. Ilang minuto lang ang lumipas ay nagsimula na sila. Nilagyan nila ng twist na palaro ang pagrereveal ng gender ng baby nila Ali at Kael para magkaroon ito ng thrill. Lahat ay kasali sa laro at sina Ali at Kael ang panglast.
Hindi sumali sina Mavis at Nico dahil sila ang magiging Emcee sa event. Magkapareha sina; Dominic-Alice, Rico-Ysabel, Martin-Leonor, Matt-Patricia, JR-Audrey at Gian-Sienna. Saktong anim sila para pang-odd sina Ali at Kael.
"Ready na ba ang lahat?!" Masiglang anunsyo ni Mavis at Nico at nagsipalakpakan naman silang lahat.
"Ready na!" Sabay-sabay nilang tugon.
"Okay, here's the mechanics. As you can see, there's a cake in front of you and also a pattern, you just need to assemble it to identify if it is a Girl or a Boy. Then after the first partner finish to identify then the next partner will follow until the last partner." Paliwanag ni Nico sa rules.
"Not only that! Ofcourse kung mas marami ang blue, it means that it is a baby boy and vice versa. Understood?" Masiglang dugtong ni Mavis at maging siya ay sabik na rin.
"Yesss! Let's go!" Atat nilang saad dahil kanina pa sila excited.
"Okay.. 1, 2, 3 and... gooo!!" Sabay na sigaw nila Nico at Mavis at nagsimula na sila.Una sina Dominic at Alice, ang sa kanila ay girl kaya excited na excited na ang mga babae. Excited na rin sina Ali at Kael sa gender ng kanilang baby kaya halo-halong emosyon ang nararamdaman nila habang isa-isang cinucut ng mga players ang cake na nasa harapan nila, may code or pattern na nakalagay sa loob ng cake kaya kinakailangan muna nila itong ianalyze ng mabuti.
"Okay 1 for girl, 0 for boy." Update ni Mavis.
"It's a boy!!" Masigla at masayang sigaw ni Rico kaya nasiglahan ang mga lalake lalo na si Mikhael.
"Next player!" Anunsyo ni Nico at sinimulan na ng mag-asawang matanda ang pagcut ng cake. Wala itong pattern ngayon dahil kulay ang nasa loob ng cake.
"A boy again!!" Sigaw ni Martin at nagsitalunan naman ang mga lalake.
"Next!" Anunsyo ulit ni Nico.
"Update, 2 for boy and 1 for girl!" Pagbago ni Mavis ng tally.Nagccheer na rin ang mga tapos ng magpareha sa gender na gusto nila habang ang mag-asawa ay matiyagang hinihintay ang susunod pang tatlo. Sina Patricia at Matt na ngayon.
"Guys, it's pinkk!! Girlll!! Oh M G!" Masiglang sigaw ni Pat at napayakap ito sa nobyo dahil sa sobrang saya.
"Okay, last two! Medyo mainit ang laban guys HAHAHA!" Anunsyo ulit ng emcee kaya mas lalo ng kinabahan sina Ali at Kael.
"Okay for the last two, sabay na kayong magcut ng cake." Saad ni Mavis kaya naghanda na ang dalawa pang natitirang magkapareha.
"Go!" Senyales ni Nico kaya agad na nilang hiniwa ang cake at sinemble ang puzzle na nasa loob nito. At ang nakalagay sa papel ay parehas na "5 letters"Dinumog naman nila ang mga ito dahil maging sila ay kuryuso na rin sa magiging gender ng baby.
"Ano ang hint word?" Tanong ni Pat sa dalawang magkareha.
"5 letters." Sabay nilang sagot kaya napaisip silang lahat dahil ang boy at girl ay 3 at 4 letters lang.
"Huh? More clue please!!" Pagmamakaawa nilang lahat.
"Tagalog word siya." Saad ni Nico kaya napaisip silang lahat. Lalake at Babae? Limang letra na pero wala ng ibang clue.
"Wala na bang clue?" Tanong ni Mikhael.
"Lakihan lang nila ang mga mata nila, nandyan lang ang gender ng baby. Halos kagatin na nga sila ng ahas dahil hindi nila ito makita." Biro ni Mavis kaya napatawa ang dalawang emcee habang ang lahat ay abala na sa paghahanap ng iba pang clue.
"Waittt!! OMGGGG!! GIRL YUNG SAMINNN!!!" Sigaw ni Audrey at lahat naman sila napatingin sa hawak nilang clue kung paano niya ito malaman.
"Saan mo nakita? Let me see!" Sabi naman ni Patricia habang tuwang-tuwa ito.
"Here, may small color pink dito." Ani ni Audrey kaya napatingin narin sina Sienna at Gian sa hawak nilang clue.
BINABASA MO ANG
HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORY
RomanceMikhael Abraham Lim (Mikha) who came from a rich and famous family in the Philippines wherein he will pretend to be poor as a transferee for the upcoming School Year. Amaliah Quinn Arceta (Aiah) who also came from a rich family who always bullies pe...