34: LIVING UNDER THE SAME ROOF

607 20 1
                                    

At that night, umuwi sina sa bahay na niregalo ng matanda para sa kanila. Maganda at medyo malawak din ito, malinis at wala pang masyadong nakasabit sa dingding. Kumpleto na rin lahat-lahat ng mga gamit. Apat na kwarto ang nasa bahay nila, isang master's bedroom, dalawang guests rooms at isang extra room. Bukas ay aayusin na nila ang mga gamit nila para ilipat ito sa bago nilang tahanan.

Pagkauwi nila roon ay katahimikan ang bumungad sa kanila, ni isang walang gustong magsalita.

"I'll use the extra room." Malamig na ani ni Kael atsaka umalis na.
"Use the master's bedroom." Habol nitong saad at nagpatuloy na sa paglalakad. Nanatiling tahimik nalang si Ali at dumeretso na sa kwarto.

Hindi nila alam pareho kung kakayanin ba nilang manirahan sa iisang bahay, napakalamig kung makipag-usap si Kael habang si Ali naman ay nananatiling tahimik nalang.

Sa dalawang linggo ay wala paring nagbago, gaya parin sa dati na walang masyadong pansinan gaya ng napagkasunduan nilang walang pakialaman sa isa't isa. Dumadalaw din minsan ang mga magulang nila para bisitahin sila at sinasabayan nalang nila ang mga ito, hindi naman nakakahalata ang mga magulang nila sa tuwing pupunt sila roon.

AFTER 1 MONTH...

Nagsimula na ulit ang klase ni Ali habang si Kael naman ay mas naging tutok na sa kompanya nila habang isinasabay ang trabaho niya. Madalas ay late na itong umuuwi kaya nasanay na rin si Ali. Lagi siyang nagluluto ng umagahan nila at ganon din pag gabi na, natuto siyang magluto nong nasa ibang bansa palang siya dahil wala namang taong pagsisilbihan siya roon.

"Ali! Papasok ka na?" Sigaw ni Sie ng makita si Ali na naglalakad papunta sa school.
"Yeah. What are you doing here?" Kuryusong tanong ni Ali.
"Ah wala may bibilhin lang ako diyan may pupunta kasing mga turista sa resto mamaya kaya ako na mismo ang bibili para masiguradong fresh. Sakto namang nakita kita kaya lumapit na'ko." Mahabang saad ng kaibigan niya.
"Aba big time na bebe ko na 'yan ah." Pagbibiro ni Ali na ikinatawa ni Sienna.
"Hindi naman, sakto lang. Oh sige mauna nako at baka malate ka pa." Masaya nitong paalam at agad nang umalis.

Normal na araw lang naman ito sa kanya kaya dumeretso na siya sa klase baka malate pa. Mabilis na natapos ang araw at kaagad na siyang umuwi. Nadatnan niya naman si Kael na nakaupo sa sala na nanonood, naninibago ito dahil ngayon lang siya umuwi ng maaga.

"You're home." Bungad ko sa kanya ng makapasok ako ngunit nakatuon lang ang mga mata niya sa tv. Linagpasan ko nalang siya dahil magbibihis at maliligo pa'ko, pagkatapos ay magluluto na'ko ng hapunan.
"Anong gusto mong ulam? I'll cook." Tanong ko sa kanya.
"Anything." Tipid na sagot nito kaya tumango nalang ako kahit hindi siya nakatangin.

Kaagad na'kong dumeretso sa kusina at nagluto ng Adobo dahil paborito niya ito noong kami pa. Sariling recipe ko 'to na natikman na niya minsan na nagustuhan niya ng sobra. Ilang minuto lang ay tinawag ko na siya, pumunta naman kaagad siya sa kusina at umupo na. Dahan-dahan kong inilatag ang mga ulam na inihanda ko atsaka umupo na rin.

"Here, wala na'kong maisip na iluto kaya eto nalang." Pagsisinungaling ko at tumango naman siya.
"Taste this, masarap to." Sabi ko sa kanya pagkalagay ng adobo sa plato niya. Tahimik lang siyang kumain at nilagyan ko na rin ng pagkain ang plato ko.
"How was it? Masarap ba?" Nakangiti kong tanong sakanya ngunit hindi siya nagabalang tumingin sakin.
"Yeah, it's fine." Tanging sagot nito at kumain na ulit. Masaya na akong nakakusap at nakakalapit sa kanya kahit na ganito pa ang trato niya sakin. Hinding-hindi ko siya susukuan ngayon pang medyo nagbabago na siya kunti, hihintayin ko hanggang sa maghilom na ang puso niya.
"Thank you." Saad nito na nagpakirot sa puso ko dahil sa saya, tumango nalang ako sa kanya bilang tugon.
Tumayo na ito at umalis na ngunit nanatili siya saglit sa kinatatayuan niya. "Btw, how's school?" Tanong nito ng nakatalikod kaya napaluha ako ng marahan.
"It's fine." Tangi kong sagot at tumango naman siya bago umalis.

HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon