Sa paglipas ng mga linggo ay may mga pagkakataon pa rin na bigla-bigla nalang mawawalan ng mood si Mikhael kaya maging si Ali ay naguguluhan na sa mga ikinikilos nito. Minsan ay sobrang ganda ng araw nito at minsan naman ay seryoso ito at mukhang ayaw na maistorbo. Minsan ay late rin siyang umuuwi at kahit na hindi niya ipipahalata na umiinom ito dahil ayaw ni Ali ay napapansin parin ni Ali na umiinom ito kunti.
Hindi alam ni Ali kung bakit madalas ay nagkakaganun bigla-bigla si Kael at ayaw niya naman itong tanungin dahil natatakot ito. May mga araw naman na sobrang clingy, lambing at sweet nito kay Ali lalo na kapag weekends dahil hindi ito pumapasok sa kumpanya.
Hindi rin masyadong makapagfocus si Ali sa bahay nila kapag umuuwi siya dahil abala rin siya sa pagmamanage sa project nila kay Mr.Luna. Nasimulan na kasi ito nong nakaraang linggo kaya lagi nilang minomonitor ito kasama si France. Medyo malayo rin kasi ang lokasyon nito sa bahay nila kaya mas doble ang pagod niya kapag umuuwi lalo na't magmamaneho pa siya pauwi.
Inoofferan siya ni France na sunduin nalang siya ngunit si Ali na mismo ang tumatanggi dahil ayaw niyang mag-isip ng kung ano si Kael kung nagkataon man.
ALI'S POV:
"Hatid na kita, love." Mautoridad na giit ni Kael.
"No need na love, malayo pa 'yun and marami ka pang gagawin sa company niyo." Pagtanggi ko naman.
"No baby, I insist. Come on, tara na." Malambing na pagpupumilit nito sabay hawak sa likod ko kaya wala na ang nagawa.Habang nasa daan sila ay nagpatugtog naman si Kael ng music para hindi sila maboring sa byahe. Rinereview kasi ni Ali ang resort plan kaya tahimik ito sa byahe.
"Btw love, what time ka uuwi?" Pagbubukas ng usapan ni Kael.
"Uhm.. baka 6:00-6:30." Sagot ko habanag nakatuon parin ang tingin ko sa papel na hawak ko.
"Oh, okay. I'll fetch you later." Tugon nito kaya napatango nalang ako habang siya ay nakatutok sa daan habang nagmamaneho.Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa location ng pinapatayong resort ni Mr. Luna.
"We're here." Ani ni Kael kaya umangat na ang tingin ni Ali.
"Thank you, love!" Malambing kong saad sa kanya at nginitian siya.
"It's nothing, love. See you nalang later hmm?" Malambing naman nitong tugon at nginitian ako ng matamis.
"Bye! Ingat ka sa daan okay?" Pagpapaalala ko sakanya at agad kong hinalikan ang pisngi nito at halata naman sa mukha niya ang pagkagulat.
"What was that for love?" Inosente nitong tanong kaya napatawa nalang ako ng mahinhin.
"Ayaw mo ba?" Pagbibiro ko sa kanya kaya napailing ito ng mabilisan at ngumiti.
"One more po please? Dito." Request nito sabay turo sa labi niya.
"Abusado!" Pagbabara ko sa kanya at umalis na. Bago ko isinara ang pintuan ng sasakyan ay sinilip ko muna siya at nakita ko namang ngumisi siya at nagpout kaya tinawanan ko nalang siya.Agad namang lumiko si Ali at nagtungo sa Driver's seat kaya binuksan kaagad ni Kael ang salamin ng sasakyan.
"Halika rito dali!" Utos ko sa kanya habang nakangiti ng pagkakwelahan.
"Ayoko love, baka kung ano pa ang gawin mo." Pagtanggi nito at halatang nagdududa na siya base sa ekspresyon ng mukha ko ngayon.
"Sige na, saglit lang." Panunuyo at pagpupumilit ko sa kanya at nagalinlangan pa ito kung lalapit ba o hindi.
"Ano ba 'yun love?" Pout nitong saad at inilapit naman ang mukha niya.
"Tingin ka sa'kin." Utos ko sa kanya at agad naman itong sumunod kaya tinitigan ko siya sa mga mata.
"Tapos?" Kuryusong tanong nito kaya agad ko siyang binigyan ng isang mabilis sa halik sa labi na ikipula ng mukha niya.
"Byee!!" Nagmamadali kong sabi sa kanya at tumakbo na papunta sa site.
BINABASA MO ANG
HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORY
RomanceMikhael Abraham Lim (Mikha) who came from a rich and famous family in the Philippines wherein he will pretend to be poor as a transferee for the upcoming School Year. Amaliah Quinn Arceta (Aiah) who also came from a rich family who always bullies pe...