THE NEXT DAY..
Maagang pumasok si Ali sa School dahil maaga rin namang umalis ang mga magulang nito dahil sa mga tambak nilang trabaho. Kaya kesa magmukmok siya ng ilang oras pa dun ay pumasok nalang siya para kahit papaano ay mabawasan ang bigat na nararamdaman nito sa kanilang bahay.
Habang mag-isa si Ali ay bigla niyang naisip na pagtripan ang kanyang katabi kaya kumuha siya ng mga transparent na pandikit at inilagay ito sa baba ng table ni Kael para pagkalapag ng dalawang paa nito ay didikit ito sa baba.
"Tignan nalang natin ngayon kung sino mas matindi sa'tin" natatawang sabi ni Ali habang naiisip na nito ang mangyayari mamaya sa katabi.
Ilang minuto pa ay nagsidatingan na ang mga magkklase at sumunod na ring pumasok ang guro nila. Nahuli naman sa Kael kaya dali-dali itong umupo sa kanyang upuan. Hindi napansin ni Kael na unti-unti ng dumidikit ang pandikit sa baba ng mga sapatos niya.
Nagddiscuss ngayon ang guro nila ng bigla nitong tanungin si Kael kung may alam ba siya tungkol sa lesson nila.
"Mr. Lim, do you have any idea how to solve this problem regarding our lesson in Calculus?" Tanong ng guro at agad namang tumango si Kael bilang sagot dito.
"Ok Mr. Lim, pakisagot ito ngayon." akma na sanang tatayo si Miks ng maramdamang nakadikit na ang sapatos nito sa baba at lihim na tumatawa si Ali dahil sa reaksyon ng mukha ngayon ni Kael.
"Ah ma'am, can I just tell the answer?" Tanong nito sa guro para hindi mahalata na pinagtripan siya ni Ali.
"Ok, go ahead Mr.Lim" tugon ng guro.
"Ma'am the answer of 30° converted to radian will be 𝝅/6 radians ma'am and the formula is 30° multiply to 𝝅/180. He explained it in every detail resulting everyone to amaze.Sa kabilang dako ay naiinis naman si Ali dahil mukhang mas handa si Kael kesa sa kanya kaya bumawi siya sa mga ibang subjects at silang dalawa lang ang nagbabanggaan sa klase. Nagalit lalo si Ali dahil hindi talaga nagpapatalo si Kael dahil hindi mo maikakaila na matalino talaga ito.
Dahil dito, nagisip si Ali ng mas malalang plano para kay Kael. Kaya kinabukasan maaga ulit siyang pumasok at inihanda na niya ang mga kakailanganin niya.
Nilagyan ni Ali ng mga bagay na maninipis na hindi masyadong makita ang daan papunta sa upuan ni Kael dahil ang plano niya ngayon ay tatalisudin niya si ito gamit ang mga patibong niya.
THIRD PERSON POV:
"Tignan nalang natin kung hindi ka pa matalisod diyan." Sabi ni Ali sa kanyang isipan.
Habang naglalakad si Kael, hindi niya naisip agad na baka may plano na naman si Ali kaya nagpatuloy lang siya. Akma na sana itong lalakad papunta sa upuan niya ng bigla siyang natalisod.
Nagulat si Ali at pati na rin si Kael dahil sobrang lapit na ng mga mukha nila dahil sa pagkakatalisod ni Kael ay napabagsak ito sa katabi buti na lamang ay nakakapit si Kael sa desk at sa upuan.
Hindi rin nila maintindihan kung bakit pero biglang tumigil ang oras nila at biglang bumilis ang pagpintig ng kanilang mga puso. Kitang kita naman ito ng mga kaibigan ng dalawa kaya pati sila ay nakaramdam din ng kilig sa dalawa.
-----
KAEL'S POV:"Pree, mukhang ikaw nga ang trip non na ibully ngayon ah, pero mukhang kabaliktaran ang nangyayari ngayon HAHA" pagbibiro ni Nico.
"Hindi ko rin yun inasaan pre, pati ako nagulat sa nangyari eh" Sabi naman ni Gian.
"Sa tingin ko nappressure si Ali, lagi ba naman silang magbabanggaan sa klase." pagbabahagi naman ng napapansin ni JR.
"Oo nga, pero wala naman akong pake doon, ang pinagaalala ko lang, baka mas malala pa yung panttrip niya sakin lalo na't ang alam niya ay mahirap lang ako. Siguro hahayaan ko nalang siya na gawin mga gusto niya." Sabi naman ni Kael dahil alam nito na darating din ang panahon na titigilan siya nito.
BINABASA MO ANG
HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORY
RomanceMikhael Abraham Lim (Mikha) who came from a rich and famous family in the Philippines wherein he will pretend to be poor as a transferee for the upcoming School Year. Amaliah Quinn Arceta (Aiah) who also came from a rich family who always bullies pe...