AFTER 2 WEEKS...
Nagtataka na si Rico kung bakit ang tagal ng anak sa bahay nila at kailanman ay hindi niya narinig si Ali na katawagan or katext'an si Ali, napapansin niya rin na nitong mga nakaraang araw ay hindi pumapasok si Kael sa opisina nila dahil bumisita ito sa Lim Corp noong nakaraan dahil may importante sana siyang sasabihin kay Kael, ngunit sabi ng sekretarya nito ay ilang araw na raw hindi pumapasok si Kael. Nagtaka ito dahil sinabi ni Ali na busy sa work si Kael kaya nagsimula na itong magduda.
"Hon, nasaan si Ali?" Tanong nito sa kanyang asawa.
"Nasa trabaho, hon. Bakit?" Tanong pabalik ni Ysabel kaya tumango nalang si Rico.
"Anong oras siya uuwi mamaya?" Tanong ulit ni Rico sa asawa.
"Baka gabihin na hon, abala raw kasi sila sa project ni Mr. Luna." Sagot naman ni Ysabel.
"Okay, hon. Just call me when she's here." Bilin ni Rico kaya tumango nalang si Ysabel.Pagkaraan ng ilang sandali ay sinundan ni Ysabel ang asawa sa taas dahil kinakabahan na rin ito dahil sobrang seryoso ng mukha kanina ni Rico habang nagtatanong ito sa kanya.
"Ah, hon?" Tawag ni Ysabel sa asawa.
"Yes hon? Do you need anything?" Malumanay na sambit ni Rico kaya lumapit na si Ysabel sa kanya.
"Gusto ko lang sanang malaman kung bakit hinahanap mo si Ali?" Mahinang tanong ni Ysabel dahil kanina pa siya kinakabahan, mas lalo siyang kinabahan ng tumingin si Rico sa kanya ng walang eks,presyon sa mukha.
"Wala ka bang napapansin sa kanya? Sa kanila ni Kael?" Panimula nito kaya mas bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil tama ang akala ko.
"Bakit mo naman natanong 'yan, hon?" Pagsusuri ni Ysabel sa asawa.
"Kasi never na pumunta rito si Kael, hindi rin sila nagtatagawan o kahit ano kaya nagdududa ako sa kanila. Mahigit 2 weeks na rito si Ali, sinabi niya noon na busy si Kael sa trabaho pero pumunta ako sa kumpanya niya pero ilang araw na raw siyang lumiliban sa trabaho. Nagdududa ako sa dalawa, parang may mali." Paglalahad ni Rico kaya napatango-tango nalang si Ysabel na kunwari ay wala siyang alam.
"Malay mo hon nagkikita sila tuwing lunch break, tsaka baka abala lang sila sa mga trabaho nila." Pagdepensa ni Ysabel sa dalawa dahil ayaw niyang biguhin ang anak sa pangako niya noon.
"Hindi hon eh, sa tuwing binabanggit ko ang pangalan ni Miks bigla-bigla nalang siyang natatahimik o kaya magiiba ang mood niya." Hindi kumbinsidong sagot ni Rico kaya nahihirapan na si Ysabel kung papaano niya ito mapapaniwala.
"Alam mo namang pagod sa trabaho yun hon, lalo na tambak pa siya sa mga plates and plans." Tuloy na pangungumbinsi ni Ysabel sa asawa.
"Baka nga hon, pero ang lakas kasi ng pakiramdam ko na mukhang hindi sila magkaayos ni Kael." Tugon nito at mukhang nakukumbinsi na siya.
"Hon pwede bang humiling ng favor? Pwede bang wag mong bibiglain si Ali tungkol dyan? Baka makadagdag pa ito sa mga iniisip niya." Hiling ni Ysabel at napatango naman si Rico.
"Yes hon, don't worry. I'm just worried on her." Pagpayag naman nito at niyakap na ang asawa.-----
Anong oras na nakauwi si Ali at magaalas onse na ng gabi at gising pa rin sina Ysabel at Rico at nasa living room sila ngayon habang nanonood ng movies. Napansin naman nilang may sasakyan ng pumarada sa labas kaya alam nilang si Ali na ito. Pagkapasok ni Ali ay nakita nila itong pagod na pagod na dala-dala ang mga plates at laptop nito at inaantok na rin.
"Mom, dad. Anong oras na po, bakit gising pa po kayo?" Tanong ni Ali at inayos ang gulo-gulo niyang buhok.
"Hinintay ka talaga namin, nak. Kumain ka na ba?" Mahinay na ani ni Ysabel.
"Hindi pa po eh, tambak po kasi ang trabaho sa office ngayon at binisita rin namin kanina yung site na pagpapatayuan ni Mr. Luna ng resort." Nakangiti nitong sagot ngunit bakas sa mukha niya ang labis na pagod at ang mga mata niya ay pabagsak na rin.
"Kain ka muna nak, tinabihan ka namin kanina." Alok ni Rico ngunit ngumiti lang si Ali.
"Thank you po, pero inaantok na po kasi ako. Mauna na po ako sa taas." Paalam nito at hinalikan silang dalawa sa pisngi bago ito umakyat. Hindi naman nila pwedeng pilitin ito dahil ilang bese na rin itong humikab.
"Oh sige nak, good night! Pag nagutom ka mamaya, initin mo nalang." Bilin ni Ysabel at tumango naman si Ali.
BINABASA MO ANG
HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORY
RomantizmMikhael Abraham Lim (Mikha) who came from a rich and famous family in the Philippines wherein he will pretend to be poor as a transferee for the upcoming School Year. Amaliah Quinn Arceta (Aiah) who also came from a rich family who always bullies pe...