Habang tumatagal ay mas mahuhulog ang loob nila sa isa't isa at wala pa ring umaamin kaya idinadaan nalang nila sa mga pick-up lines.
Hindi pa rin nawala ang mga nagbibigay ng regalo at chocolates kay Miks. At ngayong araw may nagpadala ng Ferrero Rocher Heart Box sa kanya.
"Chocolate na naman? Di ka ba nagsasawa." Saad ni Ali pagkabalik ni Kael sa upuan niya.
"Ba't ako magsasawa kung kasingtamis naman nitong chocolate ang mga ngiti mo." Banat ni Kael na siyang nagpapula sa mukha ni Ali.
"Korni mo." Basag ni Ali.
"Guys, gusto niyo ng chocolate? Diet kasi si Kael sainyo na raw." Tanong ni Ali sa mga kaibigan sa likodAgad naman silang pumunta sa pwesto nila at kinuha ang box ng chocolate at nagpasalamat kay Kael. Bumalik din sa agad sa upuan nila ang anim at kinain agad ang laman ng box.
Nasanay na si Kael na pinamimigay yung mga regalo niyang chocolates dahil hindi siya mahilig sa mga ganitong pagkain at alam niyang gusto-gusto at paborito ng mga kaibigan nila ang chocolate kaya pinamamahagi niya nalang ito.
Minsan ay inaasar niya si Ali kaya sinasadya pa niyang kainin ang iba at sa harapan pa niya mismo. Kaya tuwing napipikon siya dahil sa mga regalo ay inaaya niya si Kael sa canteen at bigla-biglang nanlilibre. Hinahayaan naman ni Kael dahil tuwang-tuwa siya tuwing napipikon at naiinis ang dalaga. Ni minsan kasi ay hindi kumain si Ali sa mga regalong pagkain ni Kael.
"Tara, libre nalang kita sa baba. Alam ko namang di mo gustong kainin yun eh." Natatawang aya ni Kael.
"Diet kasi ako duhh." Pagtataray na sagot ni Ali ngunit biglang tumunog ang tyan nito.
"It looks like hindi kayang magsisungaling ng tyan mo HAHAHAHA." Natatawang pa ring asar ni Kael.
"Fine, gusto ko ng Sandwich at Carbonara tas Coke na rin." Demanding na sagot ni Ali at bigla na itong tumayo.
"Oo na, oo na kamahalan, tara na po." Pag-aaya ni Kael.Habang naglalakad sila sa hallway papuntang canteen ay may narinig silang bulungan.
'Diba yan yung MVP tsaka yung bully?' Tanong ng isa.
'Oo nga yan yun, yan nga ata yung nagtaray sa ibang girls.' Saad naman ng isa.
'Sayang green flag si boy pero mukhang red flag si ate mo girl' opinyon naman ng isa.Narinig nila ito pero hindi nalang nila pinansin dahil naging matunog ang pangalan nila simula noong intrams.
"Are you uncomfortable being talked from your back?" Alalang tanong ni Kael sa katabi.
"Nope, I'm used to it since I'm a bully before." Unbothered na sagot ni Ali.
"Hayaan mo na mga yan, insecure at inggit lang sila sakin. You know, kasama ko MVP nila." Pabirong sabi ni Ali kaya napatawa nalang si Kael.
"Don't worry, ikaw lang naman naging inspiration ko sa laro eh kaya nanalo." Banat ni Kael kaya napatahimik si Ali.Napansin naman kaagad ni Kael na natahimik ang dalaga dahil sa kanyang sinabi kaya mas lalo pa niya ito biniro.
"Hoi! Baka mafall ka sa'kin, pero don't worry sasaluhin naman kita." Banat ulit ni Kael kaya napatingin si Ali sa kanya.
"Kael, alam mo ba kung ano pa ang mas makapal pa sa libro?" Seryosong tanong ni Ali.
"Ano?" Agad na sagot ni Kael.
"Mukha mo, ang thick eh." Pabirong sagot ni Ali.
"Tsk." Pagtatampo ni Kael kaya napatawa si Ali.
"We're here, pili ka na kahit anong gusto mo." Mautoridad na saad ni Kael dahil pikon pa rin siya sa sinabi ni Ali.Tapos na nga silang bumili at kaagad na bumalik sa kanilang silid. Napansin naman ni Ali na iba na ang ekspresyon ng mukha ng kasama.
"Sorry na, di ka naman mabiro eh." Panunuyo ni Ali pero di pa rin siya pinapansin ni Kael.
"Sige pahard-to-get ka pa, masisira angas mo niyan pag ikaw sinuyo ko." Pagbabanta ni Ali ngunit nanatili pa rin itong tahimik.
"If di ka pa rin nagsalita iiwan ko 'to dito bahala ka." Pagbabanta ulit ni Ali kaya napatingin si Kael.
"Just kidding, sige kain ka na." Nakangiting sagot ni Kael kaya napangiti na si Ali.
BINABASA MO ANG
HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORY
RomansaMikhael Abraham Lim (Mikha) who came from a rich and famous family in the Philippines wherein he will pretend to be poor as a transferee for the upcoming School Year. Amaliah Quinn Arceta (Aiah) who also came from a rich family who always bullies pe...