AFTER 2 MONTHS....
Inimbitahan ni Ali si Mav para makausap ito tungkol sa isang seryoso at mahalagang bagay, pumayag naman si Mavis dahil hindi naman gaano kapuno ang schedules nito ngayon. Si Ali nalang ang pumunta sa Studio ni Mav para makapag-usap sila ng pribado.
"May problema ba babe?" Usisang tanong ni Mavis pagkaupo ni Ali.
"Ahm, yeah." Malungkot na tugon ni Ali.
"Bakit? May problema ba kayo ni Kael?" Tanong nito ulit at nakita naman niya ang sakit sa mga mata ni Ali.
"Hindi ko alam, Mav. Sa tingin ko kasalanan ko naman kung bakit siya nagkaganun sa'kin." Ani ni Ali at pilit na pinipigilan ang pagluha niya.
"What happened? Tell me babe, I will listen." Malumanay na tugon ni Mav at naawa na sa kaibigan dahil sa itsura nito ngayon na parang walang gana sa lahat.
"Idk Mav, nahihirapan na'ko sa lahat. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Ang sakit sa tuwing nagdadaanan lang kami sa isa't isa kapag nasa bahay kami, kanya-kanyang kain kung kailan namin gusto at wala talagang pakialaman. Wala akong magawa dahil ako mismo ang humiling sa kanya na layuan niya 'ko at wag na niya akong pakialaman dahil lahat naman nasa letseng papel nakasulat yun. Paninimula ni Ali at nanginginig na ang kanyang boses habang humihikbi ng maliliit.
"Ano ba kasi ang nangyari? Diba ayos naman na kayo noon?" Tanong ulit ni Mav dahil pati ito ay naguguluhan na.
"Yun nga Mav eh, ayos kami noon sadyang pinairal ko lang yung takot at what if's ko. May kasunduan kami kasi noon, walang pakialaman sa isa't isa at magpapanggap lang kami na maayos kapag nasa harapan kami ng pamilya namin pero habang tumatagal ay mas lumalapit na kami sa isa't isa. Natakot ako Mav, paano kung may galit parin siya sakin? Kasi shempre diba hindi ko pa nasasabi sa kanya ang nangyari sakin noon." Naluluha at mabagal nitong sumbong sa kaibigan.
"Ano? Bakit hindi mo sinabi na may ganyang usapan pala kayo? Ali naman." Dismaya at panenermon ni Mavis sa kanya.
"Wala akong choice Mav eh, yun lang kasi ang alam kong paraan para magkaayos ulit kami. Please, wag mo munang sasabihin sa kanila nagmamakaawa ako sa'yo. Kami lang kasi ang nakaalam nito." Pagmamakaawa ni Ali sa kaibigan.
"Ali, ang daming paraan para magkaayos kayo pero bakit umabot sa puntong ganyan? Mas pinalala niyo lang ang sitwasyon." Dugtong ni Mavis at pilit nitong pinapakalma ang sarili.
"I'm sorry. Siguro ganon na lang talaga ako kadesperada noon. Nasasaktan na'ko Mav, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Nitong mga nakaraang araw naaamoy ko ang alak sa katawan niya, wala naman akong karapatan para suwayin siya kasi peke naman ang lahat ng 'to." Hindi na rin napigilan ni Ali ang pag-agos ng mga luha niya.
"Deretsuhin mo ako Ali, yung totoo ang gustong marinig kaya wag kang magsisinungaling dahil kilala kita. Ano ang totoong rason kung bakit mo naisip ang mga ganyan? Bakit mo hiniling kay Kael na layuan ka niya?" Seryosong mga tanong ni Mav habang tinitigan si Ali sa mga mata.
"Hinarangan ako ni AJ sa resto noon, hanggang ngayon ay gusto niya pa rin si Kael. Marami siyang sinabi sa'kin na nagdulot sakin para mapaghinaan ng loob, kasi totoo naman ang sinabi niya eh. Na hindi ako basta-basta mapapatawag ni Kael dahil sa ginawa ko sa kanya noon. Mav, hindi ko na alam. Gulong-gulo na'ko sa lahat. Gusto kong makipag-ayos sa kanya ngunit natatakot ako. Gusto ko na siyang mahagkan, makausap, makatawanan, makalambingan at lahat-lahat ngunit ang sakit Mav, parang nadudurog ako. Gustong-gusto ko ng ipaliwanag sa kanya lahat Mav, handang-handa na'ko pero hindi ko kayang mabigkas ang mga salitang iyon tuwing kaharap ko siya." Humihikbi nitong saad kay Mavis kaya pati si Mavis ay napaluha narin.
"Ali naman, alam mong sobrang desperada ng babaeng yan, bakit ka naniwala at nagpaapekto sa kanya? Sa tingin mo ba ganon nalang kababaw si Kael? Hindi sa pinapanigan ko si Kael ha? Pero mali ka rin sa parteng tinaboy mo siya na layuan at iwasan ka na niya kasi kung ako ang nasa posisyon niya, ganun din ang gagawin ko eh. Ali isipin mo, mahal ka ni Kael at kailan man ay hindi nagbago yun, kitang-kita ko sa mga mata at galaw niya tuwing magkasama kayo kung gaano yun kagenuine kaya please Ali, wag kang magpaapekto sa impaktang AJ na yun. Wag mong hayaan na lamunin ka ng takot at pangamba, ipaglaban niyo ang isa't isa dahil kung magpapatuloy kayong ganyan ay patuloy niyo ring sinasaktan ang isa't isa." Sermon at advice ni Mavis sa kaibigan kaya mas umagos pa mga luha ni Ali.
"Mav, hindi ko alam kung papaano ako magpapasalamat sa'yo. Salamat at nakinig ka sa mga problema ko, salamt sa pag-intindi sakin ng walang halong husga." Pagpapasalamat ni Ali kay Mav kaya agad na lumapit sa kanya si Mav at niyakap siya.
"Magpakatatag kayo okay? Wag kayong magpapaapekto sa haliparot na 'yun." Dugtong ni Mavis kaya napatawa nalang si Ali dahil inis na inis na si Mavis kay AJ.
"Oh, tahan na. Basta tatandaan mo nandito lang ako, okay? Kami nila Sienna at Audrey, hindi ka namin papabayaan." Pagdamay ni Mavis sa kaibigan.
"Thank you, Mav!" Taos pusong ani ni Ali kaya napangiti si Mav.
BINABASA MO ANG
HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORY
Roman d'amourMikhael Abraham Lim (Mikha) who came from a rich and famous family in the Philippines wherein he will pretend to be poor as a transferee for the upcoming School Year. Amaliah Quinn Arceta (Aiah) who also came from a rich family who always bullies pe...