Tapos na ang bakasyon ng mga magaaral ng LCU kaya nagsipasukan na ulit ang mga mag-aar at balik pag-aaral na naman para sa last Quarter ng 1st Sem.
Kumpleto na ang lahat kaya nakikipagkwentuhanan muna sila habang hinihintay ang guro.
"How's your vacation guys? Ako nagenjoy ako, ako kasi ang laging nagpapakain sa mga kabayo namin sa farm hihi." Pagsisimula ni JR habang proud na proud ito sa pagkkwento.
"Kaya pala mukhang kabayo kana." Pagkontra ni Ali kaya agad siyang tininginan ng masama ni JR na nagpatawa sa lahat.
"Ayan na naman po sila Lord, gabayan niyo po kami. Pero ngl ganyan nagsimula lolo't lola ko." Saad ni Mav habang nakatingin sa taas.
"Hayaan niyo na sila, baka sila talaga." Agad na singit naman ni Ali kaya mas lalo silang natuwa maliban sa dalawa.
"Ako nagenjoy din ako kasi pumunta kami sa Disneyland tsaka ang sasarap ng food sa HongKong guys." Masayang kwento naman ni Nico.
"Pumunta naman kami sa France sa Eiffel tower, ganda dun." Masayang kwento rin ni Mav.
"Kami naman sa Singapore, cute ng Merlion tas binilhan din ako ni Mommy ng maraming make-up goshhh ang gaganda." Parang nababaliw na kwento naman ni Aud dahil sa pagkaexcite dahil alam ng lahat na hilig niya ang mga make-ups.
"I've spent my time with my family pero dito sa lang sa city and sobrang saya lalo na't ako ang laging bunot sa kanila." Kwento naman ni Kael.
"Ako naman natuto akong magluto, tinuruan ako ni Lola ng mga simpleng putahe na kinakain nila sa province. Pagluluto ko kayo next time guys, promise di na masusunog hihi." Masayang saad naman ni Sie dahil alam ng mga kaibigan niya na canton at minsan sunog pa na hotdog lang ang kaya niyang lutuin.
"Kami naman ay pumasyal sa iba't ibang lugar na madalas puntahan ng mga turista sa probinsya namin. Kasama ang mga relatives namin lalong-lalo na ang mga makukulit kong pinsan." Kwento naman ni Gian.
"Ikaw, Ali?" Tanong ni JR kaya natahimik ito kasama ang mga kaibigan niya at pati na rin si Kael kaya napatingin sila kay Ali.
"Ohh ok naman guys, nagpahinga lang tas nagadvance study na rin." Kwento naman ni Ali.
"Pero speaking of vacation, mukhang nagkakamabutihan na ang dalawa rito ha, kilala niyo ba sila guys?" Pagsisimulang asar ni Sie kaya agad silang napatingin ng may kahulugan kila Ali at Kael.
"Mga OA, bumawi nga lang ako. Issue niyo!" Pagdedepensa ni Ali.
"Tsaka normal lang din naman kasi bati na kami, diba Ali?" Tanong ni Kael kaya napatango si Ali.
"No worries guys, support naman kami kung magkaka-ibigan kayo." Pang-aasar ulit ni Nico kaya ang lima ay nakisama na rin.Sakto naman ang dating ng kanilang guro kaya agad na silang nagsitayuan at bumalik na sa kanilang mga upuan.
"Good morning, class! Mukhang namiss niyo ang isa't isa ha?" Pagbati ng guro.
"Ahh opo naman ma'am." Masiglang sagot ni JR sa guro.
"So, welcome back guys! Balik aral na naman tayo. I hope ready na kayo." Saad ng guro kaya napabuntong hininga na lang silang lahat.TIME SKIPS...
Natapos na nga ang unang araw nila at napag-usapan ng walo na lumabas muna at kumain sa labas.
Habang kumakain sila ay hindi naman nila maiwasan na pag-usapan ang mga grades nila.
"Kinakabahan ako sa scores ko sa exam." Pagsisimula ng usapan ni Mav.
"Lf bagong matitirhan guys." Saad naman ni Sie na nagpailing sa lahat.
"For sure, magbabakbakan ng scores ang dalawang to" banggit ni Nico sabay tingin kila Kael at Ali.
"Nasabi mo pa HAHAHAHA, parang magkaaway nga sa klase yan lalo na sa recitations." Natatawang sabi ni Aud.
"Kunti nalang talaga mapagkakamalan mong hindi sila bati eh, buti nalang bati sila after class." Ani naman ni Gian kaya napailing ang dalawa.Tahimik lang sila Kael at Ali dahil maging sila ay kabado na sa magiging scores at grades nila dahil sa Friday ay maiaannounce na ang ranking nila sa 1st Quarter.
BINABASA MO ANG
HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORY
RomanceMikhael Abraham Lim (Mikha) who came from a rich and famous family in the Philippines wherein he will pretend to be poor as a transferee for the upcoming School Year. Amaliah Quinn Arceta (Aiah) who also came from a rich family who always bullies pe...