ALI'S POV:
Pagkaalis ng sasakyan ni Kael ay agad akong napaupo at hindi na napigilan pang humagulgol dahil sa sakit at kirot na nadadarama ko. Nanghihina ang katawan ko dahil sa nangyari, hindi ko alam kung sinadya ba nilang pagkitaan kami o ano pero wala nakong pakialam dun. Basta ang alam ko lang ay sobrang sakit, sobrang sakit na ganoon na ang trato niya sakin, sobrang lamig na ng mga ikinikilos niya. Tipid na rin siya magsalita at ni hindi ko siya nakitang ngumiti mula kanina, tanging ang seryoso at walang ekspresyong mukha lang niya. Naninibago ako dahil noon napakadaldal at napakamasayahin niya lalo na kapag andun ako pero ngayon mukhang ako pa ang dahilan kung bakit nagkakaganon siya.
'Alam kong sinaktan ko siya pero do I really deserve this? This cold treatment from him? Sana nga lang nagpaliwanag na'ko kanina pa pero mukhang hindi naman siya interesado na kausapin ako. Ang sakit pala kung alam mong ikaw ang dahilan kung bakit siya tuluyang nagbago.' Kinakausap ko ang sarili ko habang umiiyak na nakaupo sa tapat ng bahay namin.
Nakita naman kaagad ako ni Manang Lagring at tinulungan akong buhatin at dalhin sa loob ang mga gamit ko na nakakalat na sa sahig. Naabotan niya 'kong umiiyak at tinanong kung bakit ngunit hindi ako sumagot dahil hindi ko na kaya sobrang nanlalambot at nanghihina nako. Dumeretso kaagad ako sa kwarto at natulog na, nakalimutan ko na ring magbihis pa.
THEIR FRIENDS POV:
Nasa iisang lugar sila ngayon at nagsisihintayan sa isa't isa sa isang kanto na malapit sa restaurant na pinuntahan nila. Lahat ng 'yun ay planado at sinadya nilang tatlong kotse lang dalhin para ipitin ang dalawa.
"Antagal niyo. Anyare na dun?" Inip na saad ni Gian.
"Buti nga nakatakas kami eh, medyo nakakahalata na rin sila kaya sinamahan nalang namin sila." Sagot ni JR.
"So ano? Success?" Sabik na tanong ni Sienna at ganun rin ang tatlo na naghihintay sa sagot nila.
"Oo! Hinatid ni Kael si Ali, nakita rin namin na tinulungan niya si Ali na bitbitin yung mga dala-dala niya." Masayang sagot ni Audrey habang kinikilig pa. Kinilig naman ang apat dahil sa narinig.
"Ayos! Sana nakapag-usap sila." Ani ni Mavis.
"I hope so, lalo na't galit parin si Kael kay Ali. Buti nga pumayag yun na siya na maghatid sa kanya." Saad naman ni Nico.
"May care parin siya sa Ali ko 'no, hindi naman ako boboto sa kanya noon kung hindi siya good boy eh." Pagdepensa ni Sienna kay Kael.
"Haynaku bebe. Mikhaliah loyalists ka pa rin hanggang ngayon." Biro ni Gian sabay akbay kay Sienna ngunit tinitigan lang siya ng masama ni Sienna.
"Bakit kayo? Hindi?!" Galit na tanong ni Sienna.
"Of course, we are!" Sabay-sabay na sagot ng lima kaya lumiwanag ang mukha nito.
"Oh siya, nice work guys! Magsiuwian na rin tayo." Pagtatapos ni Mavis sa usapan nila at kaagad na rin umuwi.KAEL'S POV:
Nang makalayo-layo na'ko sa bahay ni Ali at napatigil ako sa gilid ng kalsada dahil hindi ko na kaya pang pigilan ang mga luha ko. Sinusuntok ko ang steering wheel ng sasakyan para kahit papaano ay maibsan ang kirot na nararamdaman ko ngayon.
'Ali! Bakit mo ba'ko pinapahirapan ng ganito?' Pagwawala at pagsisigaw ko sa loob ng sasakyan habang umiiyak na.
'Ayoko ng ganto please! Ayan kana naman eh sa mga galawan mo nakukuha mo na naman kaagad ako.' Pagrereklamo ko habang nagsisiunahan pa rin ang mga luha.
'Kung pinagtagpo ulit tayo para mangyari ulit yun, sana wag nalang. Mas gugustuhin kong mag-isa nalang kesa naman wasakin mo ulit ako. Ali, hindi pa'ko buo kaya hindi pa'ko handang masaktan ulit.' Mahina kong sambit at patuloy paring sinusuntok ang steering wheel.
'Pero what can I do mahal ko? Andito kana ulit. Siguro haharapin ko nalang kesa naman maging duwag ako.' Mahihinang bulong ko sa sarili at pilit na pinapatahan ang sarili ko bago umalis.
BINABASA MO ANG
HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORY
RomanceMikhael Abraham Lim (Mikha) who came from a rich and famous family in the Philippines wherein he will pretend to be poor as a transferee for the upcoming School Year. Amaliah Quinn Arceta (Aiah) who also came from a rich family who always bullies pe...