37: LOVE

641 17 2
                                    

Napagdesisyunan nilang doon muna sila tumira ng dalawa pang araw at sa susunod na linggo naman ay kila Kael naman sila titira ng tatlong araw. Gusto kasi nilang makasama ang mga pamilya nila ngayon nasa bakasyon pa si Ali, panigurado kasing mapupuno na ang schedule nito sa susunod na pasukan. 2 months lang kasi a vacation nila Ali kaya nais nilang magspend time muna sa kanilang pamilya.

"Oh nak, gising na pala kayo. Sakto, maupo na kayo." Saad ni Ysabel sa mag-asawa habang inihahanda ang pagkain nila sa lamesa.
"Good morning, mom!" Sabay nilang bati at umupo na.
"Nakatulog ba kayo ng maayos?" Nakangiting tanong ni Ysabel
"Yes po, kaso ang lakas humilik ni Ali." Birong tugon ni Kael kaya tinitigan siya ng masama ni Ali.
"Wow ha, ikaw nga 'tong dikit ng dikit kagabi eh." Pambawi ni Ali kaya natiklop agad si Kael.
"Oh siya, tama na yan. Kumain na kayo." Natatawang pagpapatigil naman ni Ysabel sa kanila kaya kumain na ang mga ito.
"Where's dad mom?" Tanong ni Ali ng makita na wala ang ama nito.
"May meeting daw sila ng maaga ni Doms, baka mamaya nandito na 'yun." Tugon naman ng ina nito at tumango nalang si Ali.
"Sige po." Ani nito.

TIME SKIPS...

Nasa likod sa may kubo sila ngayon at nasa garden naman si Ysabel, may kubo kasi sa garden nila kaya maganda at sariwa ang hangin kung doon ka tatambay.

"Mom, tulungan po kita." Nakangiting presinta ni Kael pagkalapit kay Ysabel.
"Hindi na hijo, samahan mo nalang don ang asawa mo." Malugod na pagtanggi naman ni Ysabel ngunit ngumiti lang si Kael at umupo na. Nagtatanim kasi ng mga bagong halaman at bulaklak si Ysabel dahil ito ang ginagawa niyang pampalipas oras kung maiiwan siya sa bahay minsan.
"Okay lang po, no worries." Pagpupumilit ni Kael kaya wala ng nagawa si Ysabel.
"Marunong ka ba hijo?" Pakikipagkwentuhan na ni Ysabel.
"Yes mom, madalas kasi ganto rin ginagawa ni mom kaya natuto ako." Masaya namang sagot ni Kael.
"Malambing ka siguro sa mom mo 'no hijo?" Kuryusong tanong ni Ysabel.
"Ah opo, malapit po kasi ako sa kanila. Lalo na si Lolo, siya ang napagsasabihan ko sa lahat." Kwento naman ni Kael.
"Alam mo hijo? Ang swerte ng anak ko sa'yo." Malambing na saad ni Ysabel kaya napatingin si Kael sa kanya.
"Bakit naman po?" Tanong nito.
"Ikaw kasi yung nandyan nong panahong hindi namin siya gaanong nabigyan ng oras at pansin, ikaw ang naging karamay niya sa lahat. Alam mo ba? Lagi yan naccall parent sa LCU dati, halos araw-araw may binubully." Tugon nito at napatigil muna saglit sa ginagawa habang si Kael ay taimtim namang nakikinig sa kanya.
"Nagtaka ako noon kung bakit wala na kaming narreceive na tawag mula sa principal kaya agad akong nagtanong kay Manang Lagring kung siya na ba ang tinatawagan pero sabi niya wala naman siyang natatanggap na notice. Pero nakwento niya sakin na may bago raw na kaibigan si Ali at bumisita na raw minsan sa bahay para sa project, sabi niya maintindihin daw yun at lagi niyang hinahabaan ang pasensya niya para sa anak ko kaya labis akong natuwa noon." Dugtong nito kaya medyo naooverwhelm na ang puso ko sa naririnig.
"At alam kong ikaw yun hijo, kaya salamat ha? Simula nong dumating ka sa buhay ng anak namin ay tumigil na itong magrebelde samin." Pagtatapos nito at may namumuo ng luha sa kanyang mga mata.
"Wala po yun, di ko nga po inaasahan na ako na pala ang next target niya noon haha." Natatawang kwento ni Kael kaya napatawa ang ina nito.
"Hay naku, buti nalang talaga. Ngayon naniniwala na'ko sa enemies to lovers." Birong ani ni Ysabek kaya natawa si Kael.
"Tinamaan po ako sa anak niyo eh, ganda kasi ng binuo niyo ni Dad, mom." Biro ni Kael kaya napahampas ng pabiro si Ysabel kay Kael.
"Nambola ka pa, wag kang mag-alala di naman talaga ako naging tutol sa inyo noon eh. Sa'yo pa rin ang boto ko hanggang ngayon kahit mag-asawa na kayo." Masayang banggit ni Ysabel.
"Salamat, mom." Pasasalamat ni Kael at nagpatuloy na sila sa ginagawa.

HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon