Unti-unti na rin nababalik sa dati ang kumpanya nila Kael, naipakulong na rin si AJ dahil malakas ang ebidensyang hawak niya. Kasama ring pinadampot ang pekeng private investigator na hinire niya, sinet up lang pala siya ng mga ito simula una. Nakahinga na ng maluwag si Kael dahil nakayanan niyang lutasin at iangat ang kanilang kumpanya.
Ipinagmamalaki naman siya ng kanyang ama at maging ang Lolo niya ngunit masama parin ang loob nito dahil sa ginawa niyang panloloko sa kasal nila ni Ali. Maraming reporters din ang nagsidatingan sa company nila para sa press conference, isa kasi sa pinakatanyag ang pamilya nila kung kumpanya at pera ang usapan. Kilalang-kilala ang pamilya at kumpanya nila sa buong bansa at maging international.
Umuwi muna siya para magpahinga dahil ilang araw siyang walang maayos na pahinga at kain kakaasikaso sa kumpanya nila. Umuwi muna siya sa bahay nila ni Ali na regalo ni Lolo Martin para kahit papaano ay mas tahimik doon. Sinigurado niyang ayos na ang lahat bago siya magpahinga muna dahil ubos na ubos na ang lakas niya sa pagreresolba nung mga nakaraang araw.
---
Si Ali naman ay pumapasok pa rin sa trabaho dahil kinabukasan ay tapos na ang kontrata nila kay Mr.Luna at tapos na rin ang pinapagawa nitong resort sa kanila. Nakakasama niya naman minsan si France ngunit may mga iba pa siyang clients na kailangang asikasuhin kaya madalas ay wala siya sa opisina nila. Nakahinga rin ng maluwag si Ali ng mapanood sa TV ang press conference tungkol sa Lim Corp, nakita niya kung gaano kasaya si Kael kaya napangiti nalang ito at proud na proud siya sa kanya. Nandon din si Dominic at maging si Lolo Martin ay nandun din, masaya rin ang mag-ama dahil napagtagumpayan ng kanilang anak at apo ang malaking pinagdaanan ng kumpanyang pinakaingat-ingatan nila mula noon.
Nagrequest muna si Ali ng leave pagkatapos ng contract nila kay Mr. Luna para makapagpahinga rin, matagal na rin kasi simula ng nakapagfile siya ng vacation leave. Naisip naman niya na isang linggo nalang ay mageend na rin sila ng contract ni Kael at ibig sabihin non ay magiging Arceta na ulit siya. May lungkot sa puso nito ngunit wala siyang magawa dahil lahat naman ay peke lang ngunit sigurado siya na ang nararamdaman niya kay Kael ay tunay at walang halong biro.
.....
Habang nag-aayos si Ali ng kanyang mga gamit dahil uuwi na ito at bigla namang nagring ang cellphone nito kaya agad niya namang sinagot dahil si Audrey pala ang tumatawag.
📞📲
AUDREY: Sis, may lakad ka ba sa mga susunod na araw?
ALI: Wala naman, bakit? Aattend lang ako ng party bukas dahil tapos na ang project na pinapagawa ni Mr. Luna.
AUDREY: Okay, sis! Wala naman, aayain ka sana namin magbakasyon.
ALI: Sakto, magffile rin ako ng leave after nito eh.
AUDREY: Nice, okay sige na bye Ali!Nagtataka man si Ali ngunit binaliwala na lamang niya ito dahil gusto niya ring magrelax dahil puro problema ang pinagdaan niya nitong mga nakaraang buwan at araw. Agad na rin siyang umuwi at nagpahinga na rin dahil maghahanda pa ito bukas para sa night party ni Mr.Luna sa resort nito, grand opening na kasi kaagad dahil tapos na lahat-lahat.
AUDREY'S POV:
Tinawagan namin si Ali para ayain itong magbakasyon at magkakasama kaming anim ngayon. Sineset-up ulit namin ang dalawa para sila na ang end-game, ang bagal kasi nilang kumilos at gumalaw kaya kami nalang ang gagawa ng paraan para sila na talaga ang para sa isa't isa, ngayong wala ng sagabal sa relasyon nila.
"Anong sabi? Positive ba?" Tanong ni JR.
"Anong positive pinagsasabi mo?" Pambabara ni Nico sa kanya sabay batok kaya napatawa ang mga ito.
"Oo mo pre, positive ba kung ayos na ba. Isip mo linis-linisin mo hoi!" Banat naman ni JR.
"Sakto guys, magffile siya ng leave sa susunod na araw. Kaya tuloy ang plano." Saad ko naman sa kanila at agad naman silang nagsigawan at nagpalakpakan dahil sa excitement at sayang nararamadaman nila.
"Oh kayo, yung manok niyo?" Tanong naman ni Mavis.
"Kami na ang bahala ron, don't worry." Pagpapanatag naman ni Gian kaya napatango ang mga babae.
"Basta gaya ng dati ha, dapat hindi sila makahalata." Paalala ni Sienna.
"Tama! Paano ba ang set-up ng plano natin ngayon?" Tanong ni Mavis.
"Saan niyo ba gustong pumunta? Yung maganda ha, para makapagrelax din sila." Tanong pabalik ni Audrey.
"What about Batanes? Maganda ron ang napakaganda ng mga tanawin don." Suhesyon ni JR.
"I agree! That's my dream place to go to though." Masiglang sambit ni Sienna.
"Okay, I agree also." Tugon naman ni Gian na ikinatango ng lahat.
"Okay then, Batanes na tayo. Kagaya ng dati, maghihiwalay tayo okay? Kami na ang bahala kay Ali at kayo na rin ang bahala kay Kael." Unang saad ko kaya nakinig na ng mabuti ang lima.
"Then?" Ani ni Nico.
"Then, we will check-in to some Hotel. Same time dapat tayo pupunta at same hotel tayo dederetso. Basta wag kayong papahalata ha, lalo na't mabilis na makahalata ang dalawa. Gumawa nalang kayo ng rason kung bakit biglaan tayo nag-aya, okay?" Dugtong ko at nakuha naman kaagad nila at agad na tumango.
"Ako na ang bahala sa Hotel na pagdderetsuhan natin." Presinta ni Mavis.
"Van ko nalang ang gagamitin namin nila Kael para sa iisang sasakyan nalang kami." Presinta rin ni JR.
"Van ko na rin ang gagamitin namin papunta." Presinta ko na rin dahil mas malawak kasi ang van kesa sa kotse.
"Ayos na ba ang lahat?" Tanong ni Sienna.
"Btw, ilang araw tayo roon?" Tanong naman ni Gian.
"It depends, we'll just see nalang." Tugon ko naman.
"Okay guys, ready na'ko magempake yesss!" Masiglang saad ni Sienna kaya napatawa nalang kami dahil para itong batang sabik na sabik ng mamasyal.
BINABASA MO ANG
HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORY
RomanceMikhael Abraham Lim (Mikha) who came from a rich and famous family in the Philippines wherein he will pretend to be poor as a transferee for the upcoming School Year. Amaliah Quinn Arceta (Aiah) who also came from a rich family who always bullies pe...