49: SPECIAL DAY

831 17 4
                                    

Kagaya ng napagplanuhan ko, pinahanda ko na ang lahat-lahat para bukas. Yun ang inatupag ko kanina bago pumunta sa kumpanya para makahingi ng personal na tawad at maipaalam ang anak nila. Sinabi ko na rin ang plano ko at supurtado naman silang dalawa.

Umuwi muna ako sa bahay para ibalita ang naging usapan namin ng mga magulang ni Ali. Labis naman silang nagalak dahil sa napakaunawahin ng mga ito sa naging sitwasyon nila ni Ali noon.

"Ate, pwede pasuyo?" Tanong ko para sana magpatulong.
"What is it ba lil bro?" Tugon ni Ate.
"Diba pumayag na sina Dad na kunin ko ulit ang kamay ni Ali?" Panimula ko at napalaki naman ang mga mata nito.
"Don't tell me.. oh my gosh! When ba?" Masigla nitong tanong at labis na natuwa.
"Tomorrow Ate, I'm gonna ask sana if you're free today. Magpapatulong lang sana ako na maghanap ng singsing." Saad ko at agad naman niyang kinuha ang bag niya at hinila na ako.
"Ate, wait! As in right now?" Tanong ko ng mas excited pa ito kaysa sakin.
"Yes! Tara na, I'm so excited for this!" Masigla nitong saad kaya sumama nalang ako.

Dumeretso kami sa isang sikat na bilihan ng singsing, kaagad naman nagtingin-tingin si Ate ng babagay kay Ali habang ako naman ay tumitingin din. Nakuha agad ng atensyon ko ang isang diyamanteng singsing dahil sa kinang nito, hindi ko alam pero hindi na matanggal ang tingin ko rito dahil ito lang ang nakikita kong kumikinang kahit pa marami ang pagpipilian.

Lumapit ako kaagad sa assistant na nakatayo sa harapan ng singsing.

"Miss, can I look at this?" Panunuyo ko at itinuro naman kaagad ang singsing sa transparent glass. Ipinatong niya naman ito kaagad sa ibabaw at kinuha ko naman at sinuri.
"Limited stock lang po 'yan sir, at 'yan ay isa lang meron dito sa Pilipinas sir. This ring symbolizes eternal love, loyalty and purity. Magppropose po ba kayo sir? I'm sure magugustuhan po 'yan ng babaeng mahal niyo." Pagentertain at pagpersuade sa akin ng babae habang tinitignan ko ang singsing.
"Miks, that one is so perfect! It's beautiful just like my sister-in-law arghh!" Pagkamangha ni Ate sa singsing na hawak ko at napangiti naman ako.
"Miss, I'll take this." Saad ko sa babae at hindi naman matanggal ang mga ngiti sa labi ko.
"May taste ka pala bunso eh, nagpatulong ka pa. Just kidding!" Birong bawi ni Ate kaya napatawa nalang ako.
"I'm so happy Ate, ako ang nakabili sa nag-iisang stock ng singsing na 'yun dito sa Pilipinas." Masayang ani ko kay Ate at napangiti naman ito sa akin.
"Maybe para sa iyo talaga ang singsing na 'yun. Btw, ano next plan mo?" Tanong ni Ate.
"We'll visit the venue Ate, baka nandun na rin sina Gian. Nagvolunteer silang tumulong dahil sobrang sabik na rin sila para sa proposal ko Ate." Tugon ko naman at tumango ito.
"Btw, where's the venue?" Kuryusong tanong ni Ate ngunit hindi ako sumagot at nginitian lang siya.

Ilang saglit lang ay naayos na ang binili kong singsing at binabayaran ko na ito.

"Here's your ring sir, thank you for purchasing! We hope that she will answer 'yes' and break a leg sir!" Sabay-sabay na saad ng mga empleyado habang nakangiti ang mga ito kaya ngumiti naman ako pabalik sa kanila.
"Thank you!" Tugon ko naman sa kanila.

Umalis na kami ni Ate sa shop dahil hapon na rin, baka gabihin pa kami. Kami lang ni Ate ngayon sa sasakyan at abala naman ito sa pakikipag-usap kay Matt na nobyo niyo habang ako ay nagddrive papunta sa venue.

Napansin naman kaagad nu Ate ang route na dinadaanan namin kaya pinatay niya muna ang tawag. Natuwa naman ako ekspresyon nito dahil abot-tenga ang ngiti niya sa mukha.

Pagkarating namin ay nakita nadadtan naman namin ang mga kaibigan namin ni Ali na tumutulong sa preparation ng proposal ko para bukas. Tatlong company ang hinire ko sa pagmanage ng event para mas madaling matapos, kaagad ko naman binigay lahat sa kanila ang information na gusto ko at sila nalang ang bahala sa iba.

HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon