16: WHAT HAPPENED?

522 14 0
                                    

Dalawang araw na ang lumipas simula nong nangyari ang biglang pag-alis ni Kael. Hindi pa rin nila ito macontact sa social media niya maging ang contact number ay cannot be reach.

"Ali, nagreply na ba sa'yo si Kael?" Mausisang tanong ni Aud.
"Hindi pa, nag-aalala na nga ako. Dati kung magcchat ako nagrereply kaagad siya pero ngayon hindi ko alam." Malungkot na sagot ni Ali.

Nasa isang coffee shop kasi ang apat dahil nasa bakasyon sila ng isang linggo bago magsimula ang 2nd Semester.

"Nagchat ako kanina kay Nico pero maging sila hindi raw alam kung anong nangyari kay Kael." Mahinang kwento ni Mav kaya nagkibit balikat nalang ang tatlo.
"Sana ok lang siya." Nagbabakasakaling saad ni Sie na ikinatango ng tatlo.

Hindi rin nila maiwasan na hindi pagkwentuhan si Kael dahil nagulat din sila sa naging reaksyon nito bago umalis sa kalagitnaan ng exam nila.

-----

AFTER 1 WEEK...

Nagsibalikan na ang lahat ng mag-aaral ng LCU, tapos na kasi ang naibigay na bakasyon nila. Sa 2nd Semester at dalawang natitirang quarters ay ibang subjects na ulit ang pag-aaralan nila.

"Good morning class! Congrats for succeeding the 1st Semester, I hope you are all ready for the 2nd Semester." Their teacher announced happily.

Dumating na ang guro ngunit wala pa si Kael kaya napatanong si Ali.

"Ma'am?" Ali asked politely.
"Yes Ms. Arceta?" Their teacher respond.
"Absent po ba si Mr.Lim?" Tanong ni Ali.
"Oh right, btw class hindi makakasama si Mikhael sa 2nd Sem. Magbblended learning siya as of now. And for the reason, it's private guys. I hope you'll understand." Mahabang saad ng guro na ikinalungkot ng pito.

Napayuko nalang si Ali sa kanyang table dahil sa sagot ng guro. Bigla-bigla nalang kasi nawawala si Kael tapos wala man lang update.

AT THE BACK'S POV:

"Buti pa sa guro inupdate, us hindi." Pagtatampong biro ni JR.
"May saltik ka ba? Shempre adviser natin yan." Naiiritang sabat ni Aud kay JR.
"Pero ano kayang dahilan? Nag-aalala na'ko ampucha." Saad ni Gian.
"Ngayon lang hindi nagsabi yun, dati-dati naman nagsasabi kung aabsent or what eh." Malungkot na boses na ani ni Nico.
"Maging si Ali halos hindi na yan ngumingiti dahil sa pag-aalala sa kanya." Saad ni Mav habang nakatingin kay Ali na ngayon ay nakayuko sa upuan niya.

-------

Pagkatapos ng klase ay nilapitan nila si Ali para kamustahin siya dahil ang dating energetic ay naging matamlay na simula nong wala si Kael.

"Ali, ok ka lang ba?" Mav asked worriedly as she pat Ali's back.
"I'm fine guys, don't worry." Napangiti siya ng pilit sa mga kaibigan.
"Kung ikaw ba naman ghinost, shempre masasaktan ka talaga." Pagbibiro ni Aud kay Ali para mapagaan ang loob ng kaibigan.
"Ghost agad? Kayo nga eh hindi rin inuupdate kaya fair treatment lang ang bebe ko." Nakangiting sagot ni Ali.
"Wow!! Ali Arceta said 'bebe ko'? So what's the real score between you guys?" Makilig-kilig na tanong at reaksyon ni Sie dahil sa narinig.
"Ikaw Ali ha, tumatapang ka pala pag wala ang tropa namin pero don't worry kampi kami sa'yo di nga kami inupdate nong mokong na yun." Natatawang saad ni Nico na ikinatawa ng lahat.
"Tara arcade nalang tayo, para kahit papaano mabawasan stress natin." Pag-aaya ng lahat na ikinasang-ayon ng lahat.

Sama-sama silang pumunta sa Arcade at nag-enjoy. Sinusulit na nila bago sila mas mastress sa mga school activities at para kahit papaano ay mabawasan ang pag-aalala ay pag-iisip nila kay Kael na hanggang ngayon ay wala pa ring paramdam.

HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon