ALI'S POV:
Pagkauwi namin ay hindi parin maproseso sa isipan ko ang mga rebelasyong nagaganap, gaya na lamang na Apo pala ni Lolo Martin si Kael, na si Tito Dominic pala ang dating kaibigan ni dad na palagi niyang kinukwento nong bata ako. All this time ang alam ko mahirap lang si Kael pero bakit niya tinago yun? Matagal kaming nasa nagkarrlasyon pero ni minsan hindi niya binanggit sakin, ganoon na ba talaga ang tingin niya sakin? Ang sakit din palang mapaglihiman ngayon naiintindintihan ko na ang nararamdaman niya. He hid his real identity while I hid my health condition before and I think it's fair now?
Now I get bakit hindi siya nawawalan ng pera noon atsaka kailanman hindi niya ko binigo sa mga pinupuntahan namin dahil lahat ng yun pala pinaghandaan niya. Kaya pala ang lakas at may mga connections siya pero kailanman hindi ako nagduda dahil ang akala ko nagkataon lang.
Tapos ngayon malalaman ko nalang na planado pala lahat 'to ni Lolo Martin pero bakit ako? Alam nilang ako ang nanakit sa anak at apo nila pero bakit ako pa? Ang hirap sa posisyon ko ngayon, ikakasal kami ng may galit at tampo sa isa't isa. Ni hindi ko nga sigurado kung mahal pa niya ako o baka napilitan lang siya kaya pumayag sa gusto ni Lolo Martin. Pero sana tama lahat itong desisyon ko, haharapin ko nalang tutal nandito na rin ako.
---------
AFTER 2 DAYS...
Dalawang araw na nagkulong sa kwarto si Ali simula nong gabing nagpunta sila sa mansion nila Kael. Hindi rin siya makakain at makatulog ng maayos dahil mukhang hindi pa niya kayang harapin si Kael ngayon. Kinakatok siya ng mga magulang niya ngunit hindi siya kumikibo kaya iniintindi nalang nila ang anak. Gusto nilang bawiin ang deal ngunit settled na ito at ayaw ding ipacancel ni Ali dahil buo na ang desisyun nito, gusto niya muna ng kunting space para Iaddapt ang sarili.
Habang nagdedesign si Ali ng mga plates sa Study Table niya dahil ito na ang bago niyang hobby simula nong nagaral siya ulit sa gusto niyang kurso. Ito na rin ang naging libangan niya tuwing nalulungkot siya. Naisipan niyang yayain ang mga kaibigan upang aliwin ang sarili kahit papano at pumayag naman kaagad ang mga ito.
Gusto ni Ali na magpicnic sila sa damuhan na may mga preskong hangin na nalalanghap para makahinga rin siya sa mga kinakaharap niyang problema ngayon.
"Ali, how are you? Sabi ni tita nagkukulong ka raw sa kwarto mo?" Pag-aalalang tanong ni Mavis sabay haplos sa likod ko.
"I really don't know guys." Sagot ko at napayuko nalang ako gamit ang mga kamay ko.
"What happened ba?" Usisang tanong ni Audrey at lumapit na rin ito.
"Ang daming naganap sa isang gabi lang." Sagot ko kaya medyo naguluhan sila dahil hindi pa nila alam.
"Ali sabihin mo lang, nandito kami para makinig sa'yo. Alam naming mabigat na yang dinadala mo ngayon." Malumanay na sambit ni Sienna sakit kay napatingala muna ako sa malayo at huminga ng malalim bago magsalita.
"Si Kael ikakasal na'ko sa kanya." Mahina kong saad.
"Ano?!" Gulat na gulat silang napasigaw.
"Yeah guys, tama ang narinig niyo. I didn't expect na siya 'yung apo ng matandang Lim na sinabi ni Dad. Yung tinulungan ko noon sa Hospital at Lolo ni Kael ay iisa. At lahat ng 'to plinano na pala ni Lolo Martin. Maging si Kael ay hindi niya alam ang tungkol dito." Mahinang kwento ko sa kanila at pumapatak na rin ang mga luha ko.
"Wait I can't process it." Pagpapahinto ni Audrey.
"Nagugulahan ako pero bakit? Bakit ikaw? Atsaka panong hindi niya rin alam? Arrange marriage ba?" Sunod-sunod na tanong ni Mavis sakin kaya napangiti ako ng mapait sa kanila habang lumuluha.
"Oo, parang ganun na nga. Napabayaan kasi ni Dad yung company namin habang nagpapagaling ako sa ibang bansa dahil halos nasa tabi ko lang siya noon. At doon na nagsimula lahat, inofferan ni Lolo Martin si Dad pero pinagpatuloy pa rin ni Dad ang pagpapatakbo sa kompanya at nagbakasaling maibabalik nila ito sa dati ngunit unti-unti na itong bumabagsak. Hindi nila ako pinilit na magpakasal at sa ilang buwan na yun ni minsan hindi na nila binanggit sakin, kaya nong nakita ko na silang nahihiran, ako na mismo ang nagpresinta at pumayag na rin ako." Paliwanag ko at mukhang nakukuha na nila ang lahat-lahat kung bakit.
"Hindi ko rin alam kung bakit ako ang pinili ni Lolo Martin at matiyaga nyang hinintay ang pagpayag ko. Lagi kaming nag-uusap tuwing nagkikita kami ngunit kailanman ay hindi niya yun binanggit sakin." Dugtong ko at hanggang ngayon hindi parin sila nakakapagsalita sa nalalaman nila.
"Mikhael confronted me kung may alam ako but I said wala dahil wala naman talaga. Nagulat nalang ako paglabas namin ng mom niya pumayag siya sa kagustuhan ni Lolo Martin. Nagulat ako kasabay din ng pagkirot ng puso ko, hindi ko alam kung sasaya o malulungkot ako dahil pumayag siya. Kita ko kung paano niya ko ipagtaboyan at iwasan, sa galaw niya palang alam kung malaki ang galit niya sakin. Sinusubukan ko namang magpaliwanag sa kanya pero walang lumalabas sa bunganga ko dahil tuwing nakikita ko siya nanghihina ako." Dugtong ko sa kanila habang derederetso parin ang pag-agos ng mga luha ko. Napaluha narin sila sa tabi ko kaya kaagad nila akong niyakap ng mahigpit para damayan ako. Ilang minuto rin silang yumakap sakin hanggang sa tumahan ako kaya kumawalas narin sila sa pagkakayap sakin.
"Hindi namin alam na ganyan na pala ang pinagdadaanan mo Ali." Mahinang damay ni Sienna sakin kaya napangiti ako ng mapait sa kanila.
BINABASA MO ANG
HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORY
Storie d'amoreMikhael Abraham Lim (Mikha) who came from a rich and famous family in the Philippines wherein he will pretend to be poor as a transferee for the upcoming School Year. Amaliah Quinn Arceta (Aiah) who also came from a rich family who always bullies pe...