14: JEALOUSY

663 14 0
                                    

Simula noong nanalo ang 11 STEM sa Volleyball Men, maraming mga babae ang humanga at nagkakagusto kay Kael. Marami siyang natatanggap na letters, chocolates, pm's, greetings at iba pa.

"Pre, nakakabusog naman tong mga binibigay nila sa'yo halos ako na lahat ang umubos eh ang sarap." Sabi ni Gian habang abala ito sa pagbubukas ng mga regalo ni Kael.
"Guys, gusto niyo? Baka hindi na kayo tirhan ni Gian, ang takaw eh." Pabirong pag-aaya ni Kael kaya nagsilapitan na ang iba maliban kay Ali.
"Yownn, nag-aya rin kanina ko pa kaya hinihintay!" Maiinis-inis na biro ni Mav na tinawanan lang ni Kael.
"Ali, ayaw mo?" Tanong ni Kael kaya napatingin ang anim na abala sa pagkuha ng kakainin nila.
"Nakuu, baka nagseselos yan, suyuin mo na." Asar na ani ni Sie.
"Kung ako si Ali, magseselos din talaga ako no, sa dami ng nagbibigay kay Kael." Dagdag na saad ni Nico.

Pumunta si Kael sa upuan ni Ali para yayain ito.

"Ali, halika na. Mauubos na nila yun, sige ka." Pagbabanta na biro ni Kael.
"No, thanks. I'm full." Tipid na saad ni Ali.

Hindi rin kasi naiintindihan ni Ali ang sarili kung bakit siya nagkakaganon.

"Are you jealous?" Maasar-asar na sabi ni Kael kaya napatingin sa kanya si Ali ng masama.
"No, why would I? Kaya naman kitang bigyan ng ganyan." Seryosong sagot ni Ali kaya napatili si Kael.
"Wehh? Sige nga bumili tayo ngayon, gusto ko ng ice cream sana." Saad ni Kael.

Nagulat si Kael nang biglang tumayo si Ali.

"Let's go!" Seryosong saad ni Ali.
"Uy wait lang, nagjojoke lang eh. Sineryoso mo naman masyado." Sagot ni Kael dahil hindi siya makapaniwala.
"Fine, if ayaw mo edi wag." Ali said while her arm immediately crossed.
"Just kidding, tara na baka magbago pa isip mo ngayon na nga lang ako makakalibre sa'yo." Pang-aasar pang saad ni Kael kaya inunahan na siya ni Ali na lumakad.

Nagtungo ang dalawa sa main canteen at bumili ng ice cream. Kahit na hindi pa rin maproseso sa isip ni Kael kung bakit bigla-biglang nagaaya si Ali ay sumunod naman pa rin ito sa kanya.

Nagulat naman ang anim kung bakit biglang umalis ang dalawa.

"Saan pupunta ang dalawang yun?" Curious na saad ni Aud .
"Hayaan mo na, baka nagtatampo yung isa at sinusuyo." Matawa-tawang sagot ni JR.
"O to the M to the G, my parents are sailing again!!" Masayang sigaw ni Sie habang may laman pa ang bunganga nito kaya tinawanan nalang nila.

-------

TIME SKIPS...

Bumalik na ang dalawa sa kanilang room kaya agad-agad na nagtungo ang anim sa upuan nila Kael at Ali para salubungin sila.

"Saan kayo pumunta? Hindi pa kayo nag-aya, nakakatampo." Sie said sarcastically.
"She treated me an ice cream, sarap ng libre guys." Masayang sagot ni Kael.
"Ops, ba't may palibre ang kaibigan namin na yan??" Pang-aasar ni Mav kay Ali.
"Nothing, gusto ko lang." Tipid na sagot ni Ali habang ang kanyang mukha ay wala pa ring kahit anong emosyon.
"Wehh? Baka nagseselos ka lang dahil maraming nagkakagusto kay Kael?" Nakisama na ring asar ni JR habang ang lima ay nagtitinginan na parang kinikilig.
"Stop it guys." Pagsuway ni Kael dahil kanina pa hindi makapagsalita si Ali sa pinagsasabi ng mga kaibigan nila.
"Sorry master." They said in unison habang tinatakpan ang kanilang ngiti gamit ang mga kamay nila at agad na nagtungo sa kanilang upuan ng tahimik.

Inaamin ni Kael na kinilig siya sa ginawa ng dalaga kanina. Dahil kunti nalang ay sasabog na ito tuwing may makita siyang magbibigay sa kanya ng mga regalo. Natutuwa naman siya sa inaasta ni Ali kaya mas lalo pa niyang inaasar ito.

HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon