20: BUTTERFLIES IN MY STOMACH

570 17 0
                                    

Nagkakasamang kumain sa labas sina Sienna, Mavis, Ali at Audrey. Nasa practice naman sila Mikhael, JR, Gian at Nico dahil dalawang araw nalang bago ang intrams nila.

"Ali, ba't dika sumali sa cheerleading? Andun pa naman yung haliparot na 'yun." Pagbubukas ng usapan ni Audrey.
"Small things, sa'kin din naman dederetso si Kael kapag nanalo sila no." Pagmamayabang ni Ali.
"That's our girl! Slayy sis!" Pagcheer ni Mav na kinatawa ng tatlo.
"Papanshit talaga 'yun, eh hindi na nga siya pinapansin ni Kael." Naiinis na bitaw ni Sienna.
"Kalma bebe, 1-0 na kami non HAHAHA." Natatawang sabi ni Ali kaya nagtaka ang tatlo.
"Bakit? May hindi ba kami nalalaman?" Mausisang tanong ni Sienna.
"Actually sinugod ako niyan nong nakaraan tas ang kapal ng mukha niyang layuan ko raw si Kael, as if namang papakinggan ko siya." Kwento ni Ali at ang mga kaibigan niya ay atat na atat na marinig ang susunod na sasabihin nito.
"Tas ayun pinatulan ko siya, kilala ba akong Master Bully dito kung di'ko gagamitin diba? Tas ayun umalis ng inis na inis habang nagdadabog. Sayang nga hindi niyo nakita yung mukha niya dahil kunti nalang sasabog na siya sa harapan ko." Natatawang kwento ni Ali kaya nagsipalakpakan ang mga kaibigan niya.
"That's our queen!" Masayang sagot ng tatlo habang patuloy parin sa pagpalakpak.
"Small things." Pagpapakumbabang pagmamayabang ni Ali sabay kindat sa mga kaibigan nito.

Pagkatapos nilang kumain ay bumalik na kaagad sila sa School at nagtungo sa Gym dahil wala silang klase ngayon sa hapon dahil nakalaan na ito para sa pagppractice ng mga players. Abala rin kasi ang mga guro nila sa pag-aayos at paghahanda para sa nalalapit na intrams.

Sa labas ng gym nagppractice ang mga volleyball players habang ang basketball team naman ay sa loob ng gym. Kaya nagkahiway muna sa dalawang grupo ang magkakaibigan, magkasama sina Ali at Sienna na pumasok sa loob habang sina Mav at Aud naman ay naiwan na sa labas.

Pagpasok nila Ali sa loob ay nadatnan nilang nasa gitna na ng practice sina Kael kaya umupo muna sila sa bleachers. Marami ring kababaihan ang nanonood at halos lahat ay mga supporters ni Kael.

"Infairness kahit tinaboy mo sila noon loyal pa rin sila kay Kael." Pagbibiro ni Sienna kaya nairapan siya.
"Stop it. Look at that AJ, hindi naman marunong sumayaw parang kawayan amp." Saad ni Ali kaya napatingin si Sienna sa stage ng gym.
"HAHAHAHAHAHAHAHAH HOIII!" Malakas na tawa at hampas ang nasalo ni Ali mula kay Sienna dahil hindi na niya kinakaya ang sinabi ni Ali.
"It's true naman ha? Why are you laughing?" Seryosong sabi ni Ali at itinuon ang sarili sa panonood kila Kael.
"Beh, hindi ko na kaya HAHAHAHAHA mas malala pa pala siya sa kawayan." Halos hindi na maintindihan na sabi ni Sienna dahil sa pagtawa nito.
"Hey! Stop it. Panoorin mo nalang ang bebe mo, nakatingin sa'yo oh." Pagsuway ni Ali kay Sie dahil napatingin sa kanila si Gian at napakindat ito kay Sie.

Sinabi kaagad ni Gian kay Kael na nanonood ang dalawa kaya napatingin din ito at nginitian sila.

"There's my strength and there's your motivation, naks!" Pagbibiro ni Gian kaya napangiting napailing nalang si Kael.

Pagkatapos ng practice ay maraming nagsilapitan at nag-aabot ng tubig kay Kael na pinangungunahan ni AJ kaya nairita si Ali.

Lumapit kaagad si Gian kila Ali at Sienna para kausapin sila.

"Hi Ali! Hi bebe!" Pagbati ni Gian sa dalawa habang kinukuha niya ang towel kay Sie.
"Dami talagang fans ni Kael sheesh!" Saad ni Gian habang nakatingin kila Kael.
"Gusto mo rin ba? Sige punta ka ulit don."pagtataboy ni Sienna.
"Joke lang bebe, you're enough na kaya." Pagbanat ni Gian kaya napangiti nalang si Sie dahil sa bolero nitong nobyo.

HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon