7: GETTING ALONG

679 18 0
                                    

THE NEXT DAY..

Maagang pumasok ang mga mag-aaral. Dala-dala rin ni Ali ang kanilang school project ni Kael kaya namangha ang mga kklase nila dahil ang aga nila itong natapos.

Dumating naman kaagad ang guro nila at napansin ang nasa lamesa nila Kael at Ali dahil ang nakapatong ay ang kanilang project. Hindi na rin napigilan ng guro ang mapatanong.

"Already done with your project, Mr. Lim and Ms. Arceta?" Tanong ng guro na agad namang liningon ng dalawa at tumango.
"Yes ma'am, ito po." Sagot ni Ali habang papunta sa harapan upang ipasa ito sa guro.
"Wow! Great job. Kudos sa inyo guys. Palakpakan natin sila class." Pagpuri ng guro tsaka pumalapakpak ang mga kklase nila dahil sa pagiging advanced nila.
"Infairness sobrang resourceful and creative, kahit ngayong weekend niyo lang 'to ginawa." Bulong ng guro kay Ali na sapat lamang para siya ang makarinig kaya napangiti si Ali ng todo.
"Thank you, ma'am." Pagpapasalamat nito sa guro at agad siyang nagtungo sa upuan habang nakangiti pa rin.

Nakangiti si Ali habang pabalik sa kanyang upuan dahil sa papuri ng guro kaya agad naman napansin ni Kael na sobrang saya ng kapartner. Kaya di na rin niya napigilang mapatanong.

"Oh bat ka nakangiti? Sayang-saya ah HAHAHA. Btw, Anong sabi ni ma'am?" Panimulang tanong ni Kael kaya agad na napalingon si Ali sa kanya pagkaupo nito.
"Ang resourceful and creative raw ng gawa natin kahit na 2 days lang natin tong ginawa." Masayang kwento ni Ali dahilan para mapangiti rin Kael dahil sa papuri ng guro.
"Shempre, magaling ako eh." Pagmamayabang na biro ni Kael.
"Wow? Thank you ah." Pabirong balik naman ni Ali habang tumatawa ito.
"Eh kung lagi ka kayang tumawa? Mas bagay sa'yo tsaka mas maaliwalas ang mukha mo kung nakangiti ka." Pabirong sabi ni Kael na pati siya ay hindi rin inaasahan na lalabas yun sa kanyang bibig.
"Sabihin mo nalang kasi na maganda ako. Di ko naman idedeny eh." Pabalik na sagot ng dalaga habang pinipigilan nitong makilig sa indirect na sinabi ni Kael at nagtawanan nalang sila.

-----

Nagtataka rin ang mga kaibigan nila kung bakit ang dalawa ay masayang nagkukulitan dahil ngayon lamang nagkabati ang dalawa.

"Wala yatang kalokohan ngayon si Ali ah?" Pagtatakang tanong na biro ni JR.
"Wag mo na pansinsin baka majinx pa, malas ka pa naman." Agad na panira ng trip ni Nico sa kanya.
"Eto naman si epal, pero tignan niyo, bagay sila hihi lalo na kung magkaayos sila." Agad na sabi ulit ni JR kaya sumang-ayon ang lahat sa kanyang sinabi.
"Thanks God, may nasabi ka ring tama." Agad na sabi ulit ni Nico at napabuntong hininga rin sa Gian dahil sa pagbabardagulan ng dalawa na agad namang tinawan ng tatlong babae.
"Sana magtuloy-tuloy na 'to at sana si Kael na ang makakapagbago kay Ali." Saad ni Mav habang nakatingin sa dalawa.
"Truu teh!, lalo na ngayon lang yan may makabati na iba, maliban sating tatlo." Pagbibigay opinyon din ni Aud dahil walang ni isang nagtangkang makipagkaibigan kay Ali dahil sa pagiging bully nito.
"Pero tama si JR, bagay sila kaya ship ko sila hihi. Mikhaliah hanggang dulo!" Sagot ni Sienna at pagsang-ayon sa sinabi kanina ni JR na agad namang tinawanan nilang lahat.

-----

Sabay-sabay na uwumi ang D'BEUTI pero pansin pa rin nila na hindi matanggal-tanggal ang mga ngiti nito sa labi kaya inasar nila ito habang naglalakad.

"Hoi teh! Ano di na matanggal yang ngiti mo ah?" Paunang asar ni Aud.
"Kaya nga, dati-dati naman kung makapagpasa hindi ganyang ang reaksyon, pero ngayon iba." Pasunod namang sabi ni Mav.
"Baka ng dahil kay Kael? HAHAHA aminin mo may gusto kanya no? Dami mo nang pinagbago simula nung nakilala mo siya." Banggit na pang-aasar din ni Sie.
"Oa? Oa? I'm just happy kasi pinuri kasi ni Ma'am yung project and aside from that, kami ang unang nagpasa. You know naman na I'm more focused sa studies ko diba?" Pagdedepensa naman ni Ali ngunit hindi pa rin nila ito tinigilan.
"Luhh, bat nagpaliwanag ang ate ko na yan? Defensive ah." Agad na biro ni Aud.
"Pupusta ako, sinong naniniwala at may gusto na magkaend game ang Mikhaliah?" Sigaw ni Sie at nagsitaasan ng kamay ang tatlo habang tumatawa habang si Ali namay ay iniwan sila dahil napipikon na ito.
"Whatever. Mauna na'ko bago ko pa kayo kutosang tatlo!" Agad namang umalis si Ali at dumeretso na sa kanyang kotse.

HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon