Magbbeach sila ngayon kaya magagamit ni Ali ang inihanda niyang swim suit. Kinabukasan ay babalik na sila sa Lungsod kaya sinusulit na nila ang natitira nilang oras doon. Nagpaalam naman si Kael na mauuna na raw sila nila Nico. Maaga kasi silang nagpunta sa beach at nagcheck-in ulit sila ng tatlong rooms kaya sa labas nalang sila magkikita-kita.
"Love, una na kami nila Nico." Paalam ni Kael sabay halik kay Ali sa pisngi.
"Sige love, susunod din kami kaagad." Saad naman ni Ali kaya umalis na si Kael sa kwarto nila.Pagkalabas ni Kael ay agad namang may kumatok sa pintuan nila kaya binuksan niya naman kaagad ito. Bumungad sa kanya ang mga kaibigan niya at lahat ng mga ito ay nakasuit na ng swim suit, may suot naman silang sarong sa ibabang parte nila. Agad na silang pumasok sa loob at inutusan si Ali na magbihis na dahil excited na excited na ang mga ito.
"Dali, palit kana sis." Utos ni Mavis.
"Luh, atat na atat. Teka lang." Tugon naman ni Ali.
"May swin suit o bikini ka ba? Pahiramin kita para lahat tayo pare-parehas." Tanong at alok ni Audrey.
"Wag na baka puro pink na naman, may dala ako rito." Biro naman ni Ali ngunit proud pa si Audrey sa sinabi ni Ali kaya napatawa nalang ang tatlo sa kanya.
"Si Disney Princess pala 'to eh. Hindi ata kayang mabuhay kung walang pink." Biro ni Sienna kaya mas natawa sila.
"Wait, palit lang ako sa CR." paalam ni Ali at tumango naman ang tatlo.
"Take your time babe!" Ani naman ni Mavis,Matiyaga nilang hinintay si Ali at ilang saglit lang ay lumabas na ito sa CR.
"Pak! Pang Miss U ang atake sa hubog ng katawan." Compliment na paghanga ni Sienna.
"Mga sira!" Natatawa namang tugon ni Ali.
"Infairness, ang kinis ng katawan mo ate ko. Kaya siguro mas lalong nainlove si Miks sa'yo." Asar naman ni Audrey na kinakilig ng tatlo. Namula naman ang mga pisngi ni Ali dahil sa narinig.
"Ang sexy mo Ali, bagay sa'yo yang suot mong swim suit ackkkk!" Himlay na sabi ni Mavis at parang nababading na ito.
"Bading!" Pambabara naman ni Audrey.
"Tara na, baka hinihintay na nila tayo ron." Aya ni Ali at sinuot na rin niya ang sarong at kaagad na silang lumabas sa kwarto.Medyo marami naman ang tao ngayon dahil weekend na rin siguro. Agad din naming nakita ang tatlo na masaya silang naliligo sa dagat, sa tapat ng kinuha naming room lang kasi sila kaya hindi na kami nahirapan pang hanapin sila.
Umupo naman kami kaagad at masaya lang namin silang pinagmamasdan, naguunahan silang lumangoy at naghahagisan din sila ng tubig sa isa't isa. Siguro hindi pa nila kami napansin dahil hindi pa sila lumilingon sa amin, abala kasi sila sa paglalaro sa tubig.
KAEL'S POV:
Napansin naman ni Ali na nandun na sila Ali sa ilalim ng puno nakaupo, magkakatabi silang apat at napansin ko namang may lumalapit sa kanila kaya agad na akong umahon ng tubig dahil alam kong si Ali ang pupuntahan ng mga magbabarakda dahil sa kanya lang naman sila nakatingin.
"Uy! Saan ka pupunta?" Tawag sakin ng tatlo ngunit hindi ko sila pinansin kaya sinundan naman nila kaagad ako.
Nakatingin na ang mga nobya nila sa apat na lalaki, at mukhang yung nasa gitna nila ang makikipagkilala.
"Piskit! Wag ang uyab ko." Selos na saad naman ni Nico.
"Putcha, wag ang princess ko." Saad naman ni JR at may halo itong gigil.
"Don't touch my bebe, akin lang siya." Bantang bulong naman ni Gian.Nagmadali silang pumunta sa direksyon nila at Ali at mukhang nagpapakilala na ang mga lalaki sa kanila.
ALI'S POV:
BINABASA MO ANG
HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORY
RomanceMikhael Abraham Lim (Mikha) who came from a rich and famous family in the Philippines wherein he will pretend to be poor as a transferee for the upcoming School Year. Amaliah Quinn Arceta (Aiah) who also came from a rich family who always bullies pe...