Pagkauwi ni Kael sa bahay nila ay agad siyang nagtungo sa kwarto niya para magpalit pero napansin niya na nakabukas ang brown envelop kaya nilapitan niya ito, nakita niyang wala na sa loob ang papel at nakita niya ito sa sahig na nakakalat na. Bigla-bigla nalang siyang naestatwa ng mapagtantong nakita na ito ni Ali, nakalimutan niya kasi itong iligpit.
'Napakaburara mo Kael!' Paninisi ko sa sarili ko at napasabunot nalang ako sa buhok ko.
Agad na akong dumeretso sa kwarto ni Ali at may naririnig akong higbi mula sa loob kaya hindi na'ko nagdalawang isip na pumasok dahil hindi ko siya matiis at hindi ko kayang makita siyang umiiyak ng dahil sa'kin, nanghihina ang katawan ko habang dahan-dahan kong binubuksan ang pinto.
Nakita ko siyang nakaupo sa gilid at nakayakap ito sa kanyang mga tuhog, nang marinig niyang may bumukas sa pinto ay dahan-dahan niyang inangat ang tingin niya at napatingin sa'kin at ramdam ko ng sakit ng nararamdaman niya ngayon.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at hindi niya parin tinatanggal ang tingin niya sakin, ang daming katanungan ang pinapahiwatig ng itsura niya kaya napaupo ako sa harap niya.
"Kael tapatin mo nga ako, kaya ba ganito nalang kalala ang galit mo sakin ng dahil sa potanginang letter na 'yun?" Mahina nitong tanong habang patuloy parin ang pag-agos ng mga luha niya.
"O..o-" nauutal kong saad sa kanya habang nakaiting sa mga mata niya.
"Bakit? Kael naman, para akong tanga kakahabol sa'yo noon para lang makapagpaliwanag pero nilamon ka na pala ng letter na 'yun. Alam mo bang hindi galing sa'kin yun? Ha!" Medyo napapalakas na ang boses nito sakin kaya hindi ko na rin mapigilan ang maluha. Napatango nalang ako aya napailing at napahaplos nalang siya sa mukha.
"Tanga ako pero mas tanga ka pa pala! Alam mo na pero ganito pa rin ang trato mo sakin. Hindi ko alam bakit ganito nalang kasama ang mundo sakin, ikaw lang yung laging nandyan sakin pero bakit ngayon parang ikaw na dahilan kung bakit unti-unti ng nawawasak ang buhay ko." Panunumbat niya sakin.
"I-im s-sorry.." tanging tugon ko sa kanya at akma ko na sanang hahawakan ang mukha niya ngunit pinigilan at inalis niya ang kamay ko.
"Hindi na umuubra 'yan sakin! Alam mo bang muntikan na'kong mamatay noon sa sakit ko ha? Alam mo ba lahat ng pinagdaan ko nong umalis ako ng bansa? Alam mo ba ang rason kung bakit ako lumaban? Tangina, para sa'yo Kael! Para sa'yo! Pero mukhang nagkamali yata ako, akala ko may babalikan pa ako pero ang laki na ng pinagbago mo, hindi na ikaw yung Mikhael na nakilala ko na kailanganman ay hindi niya ako hinayaang masaktan at laging nagpapaalala sakin na may kwenta ako sa mundo. Pero ngayon? Siya na yung dahilan ng bawat pagiyak ko, sa bawat pagkirot ng puso ko at dahilan kung bakit lagi kong kinukwestyon ang sarili ko." Tumaas na rin ang boses nito kasabay ng paghikbi niya, napapatulak nalang siya sakin at napapasuntok habang nagsasalita siya.
"Bakit Kael? Hindi mo ba'ko kilala ng lubusan na pati penmanship ko hindi mo na makilala? Alam mo na pala na hindi ako ang nagpadala 'non pero sana dineretso mo nalang sa'kin hindi yung ganito. Sobrang gulo na Kael, hindi ko alam kung kakayanin ko pa." Pagkabitaw niya sa huli niyang sinabi ay kumirot at bumigat bigla ang puso ko, ayaw ko siyang pakawalan kaya agad ko siyang niyakap kahit pa nagpupumiglas ito.
"Mahal wag mo'kong susukuan parang-awa mo na, hindi ko kakayanin kung mawala ka sa'kin ulit." Pagmamakaawa ko sa kanya at wala nakong pakialam kung itaboy niya ako.
"Paano mo nagagawang sabihin 'yan kung ikaw na mismo ang gumagawa ng paraan para lumayo ang loob ko sa'yo? Pinapahirapan lang natin ang sitwasyon." Her voice cracked as she speak. Hindi ko pa rin siya binitawan sa pagkakayakap at naramdaman kong isinandal na niya ang ulo niya sa dibdib ko kaya marahan kong hinaplos ang buhok at likod niya para pakalmahin ito.
"Mahal, pwede mo bang ipangako sa'kin na wag mo'kong susukuan? Na wag tayong susuko. Pwede mo bang ipangako na lalaban tayo kahit anong mangyari at hanggang dulo? " hiling ko sa kanya ngunit natagalan ito bago sumagot. Wala ng kasiguraduhan kung papayag ito pero may parte sakin na nagbabasakali parin akong sasamahan niya ako hanggang dulo habang inaayos ko pa ang gusot.
"I can't promise, but I'll my best to fight and stay with you. Hindi ibig sabihin na susubukan ko ay may kasiguraduhan na, ayaw kitang paasahin Kael pero always remember that I will always love you even though it hurts me the most." Tugon nito kaya nginitian ko siya ng matamis kasabay ng paghalik ko sa noo niya pababa sa kanyang ilong at dahan-dahan kong inilapat ang labi ko sa labi niya. Tinugunan naman niya ito at nararamdaman namin na tumutulo pa rin ang aming mga luha dahil sa init nitong dumadampi sa aming mga mukha.
BINABASA MO ANG
HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORY
RomanceMikhael Abraham Lim (Mikha) who came from a rich and famous family in the Philippines wherein he will pretend to be poor as a transferee for the upcoming School Year. Amaliah Quinn Arceta (Aiah) who also came from a rich family who always bullies pe...